"Literaturang Filipino : Damdaming Nagbago"

IMG_20171227_170347.jpg

"Saan ka galing kagabi?"
bungad ko sa iyong pag-uwi
"Dyan lang kina pare"
lasing na lasing at amoy babae.

Pinilit kong huwag pansinin
Ang mga panlolokong ginawa mo sa'kin
Pero sa bawat gabing tayo'y magkatabi
hindi ko mapigilang mapahikbi.

Oo't kakambal ng pag-iibigan
ay mayroo't-mayroong nasasaktan
Pero sa usaping lokohan
hoy lalaki, ibang usapan na yan.

May mga bagay na hindi nagbago
pero ang damdamin ko, oo
Hindi ko man ipinapakita
pero alam kong ramdam mo na.

Ang babaeng noo'y nagpakamartir
wala nang pakialam sayo, mister
Dahil ang ginawa mong panggagago
ang dahilan kung bakit ang damdami'y nagbago.

Sana po nagustuhan nyo. Entry ko po ito sa ginawang patimpalak ni @steemph.cebu . Tangkilikin po nating ang gawang filipino.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 58111.37
ETH 2571.51
USDT 1.00
SBD 2.47