Tulang-Filipino : "Ang Palengke"
"Ang Palengke"
Isang tula patungkol sa ating pamilihan, ang palengke
Lugar kung saan lahat ay namimili
Nang iba't ibang isda, gulay at karne
Sila nanay, tatay, kuya at ate
Na ang iba sa kanila ay tinatawag ng suki
Madami ditong mga tindero't tindera
Araw araw din sila kung magtinda
Dito'y isa isa ko silang ipapakilala
Kaya't tanong ko'y "handa ka na bang makilala sila?"
Unang tindera'y nagngangalang Bunday
Nagbebenta siya ng sari't-saring mga gulay
Sa kanyang bakuran lahat ay bagong pitas
Kaya't ika'y siguradong walang pestisidyo at ligtas
Isunod ko naman si Mang Boy
Tagatinda naman siya ng mga baboy
Sariling alaga galing sa kanyang babuyan
Tiyak na malusog dahil lubos na inaalagaan
Ang huling ipapakilala ay si Aling Aida
Nagtitinda naman siya ng mga isda
Na mga nahuli nito lamang umaga
Kung iyong makikita ay tumatalon talon pa
Kaya't halika na dito sa palengke
Kung saan mga tinda'y sari-sari
Dito ay pwede ka pang makatawad
Huwag mo lamang kakalimutan na magbayad
To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca
nice tagalog poem mam, pwede po bang mag tanung? ☺
Puwedeng pwede naman @ismesikero
gusto ko na po kasing ma withdraw yung aking sbd dito, mam, tanong ko lang po kung nakapag withdraw na din kayo, and hows the process mam , thanks in advance, padayon 😊
Yes po, mayroon po tayong mga kasamahan na nagpapapool withdrawal. Meron din po tayong mga site kung saan pwedeng maibenta ang inyong sbd, tulad ng blocktrades at bitrex
aling bunday magkano po gulay nio. hehehe Galing ng tula mo @racheleecious