"Pilipino Ako"
"Pilipino Ako"
Ang tulang ito ay para sa mga Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa
Ako'y Pilipino yan ang lahi ko
Kayumanggi ang kulay ko
Tagalog ang linggwahe ko
Pinagmamalaki ko na ako'y Pilipino
Pilipino'y kilala sa kasipagan
Lalong kilala sa pagiging magalang
Kilala rin sa pagkamasiyahin
Kilala rin sa pagkamatulungin
Pilipino'y kilala sa pagiging mapagbigay
Anuman ang hinaharap sa buhay
'Pagkat iyan din ang sabi ng mga banyaga
Pilipino'y kilala rin sa pagiging matiyaga
Kaya naman inaabuso pa ng ilan
Subalit pinoy mapagtiis din naman
Sila man ay nahihirapan
Gaya ng ating mga bayani
Sila'y ating pinagmamalaki
Pagkat handang ibigay ang buhay
Para sa nakakarami, kayang ialay
Gaya din ng mga sundalo
Handang laging sumaklolo
Kahit mawala kanilang hininga
Maibigay lang ang inaasam na pagasa
Para sa bansang Pilipinas
Kahit mahirap ang dinaranas
Handang magbuwis ng buhay
Masagip lamang ang maraming nakasalalay
Isa yan sa pagiging dugong Pilipino
Handang tumulong kahit kanino
Kilala rin ang Pilipino sa larangan ng atleta
Pagkat marami ng naiuwing medalya
Isa yan sa pinagmamalaki ng aking pamilya
Kaya ako'y nagpapasalamat sa Diyos
Pagkat ako'y isinilang sa bayan kong Pilipinas na pinagmamalaki ko ng lubos
Ito'y mananatili at aking ikukwintas
Ako'y Pilipino, bansa ko'y Pilipinas
Ito'y aking pinagmamalaki
Dahil dito ako lumaki.
Mabuhay ang mga Pilipino!!
To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca