"Estranghero"
"Estranghero"
Tula ng dalawang estrangherong nagmamahalan kahit lihim ang bawat pagkatao
Ang daming tao sa mundo
Akalain mong makakatagpo ako ng isang katulad mo
Produkto ng teknolohiyang makabago
Nagkakausap pero lihim ang bawat pagkatao
Sa panahong ang panulat at papel ay hindi na uso
Magkalayo ngunit nagkakausap tayo.
Posible nga ba na mangyari ang mga bagay na ito?
Oo dahil walang imposible sa henerasyong ito
Ang tadhana walang pinipiling pahahon makaluma man o makabago
Eto nga at nagkakilala tayo.
Ang swerte ko at nagkausap tayo
Kahit na magkaibang pagkatao
Biruin mo sa bilyon bilyong tao sa mundo
Isa ka sa namumukod tanging tao sa buhay ko
Siguro nga nanatiling lihim ang ating pagkatao
At maaaring manatili nalang talaga tayo sa ganito
Subalit hindi na maaalis na naging parte ka ng mundo ko,
Mundo kung saan ang tadhana ay mapaglaro.
Marahil sa pahina ng buhay mo at buhay ko,
Ito lang ang mga talatang nakasaad dito
Ang magkakilala pero hindi talaga kilala,
Ang magkausap ngunit wala talagang paguusap na naganap
Ito ang kapalaran nating dalawang kapwa estranghero
Kapwa estranghero dito sa makabagong mundo
To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca
I liked your literary composition
ang galing relate po ako dito, nag kilala di naman magkakilala at nag usap pero di naman talaga naka pag usap, husay 😄