Literaturang Filipino: Kuwento ng Tagumpay

in #literaturang-filipino7 years ago (edited)

Isang mahinang katok ang gumambala sa akin. Anak, tara na! Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin, nakasuot ng toga at maaliwalas ang mukha. Ganito pala ang pakiramdam ng magtatapos na. Hindi ko tuloy napigilang magbalik tanaw sa aking kabataan..


source

"Inay huwag na kayong pumunta diyan sa malalim na bahagi ng ilog, maraming basag na bote at isa pa mayroong ahas kasi masukal na". Nag-alala ako ng makita ko ang aking Ina, walang pagaalinlangang sumout sa masukal na bahagi ng ilog kung saan kami kumukuha ng tulya para ibenta. Hayaan mo na anak, tatakbo nalang ako pag may ahas. Hindi ko na napigilan ang aking luha. Pinagmasdan ko ang aking Ina, handang harapin ang panganib kapalit ng isang latang tulya para ibenta sa bahay-bahay, napailing ako at ipinagpatuloy ang pagkapa ng tulya sa ilalim ng tubig. Minsan, ay bote ang nakukuha ko imbes na tulya, sa awa ng Diyos di naman nasusugatan dahil na din siguro sa kapal ng kalyo sa aming mga kamay.


source

Pagal ang katawan, nakatulog ako ng maaga ngunit ginising ako ni Inay ng madaling araw, kami ng kapatid ko ay pupunta sa bukid para naman kumuha ng labong. Mahirap kuhanin ang labong ng kawayan dahil tatanggalin mo pa ang tinik nito at makati din ang balat. Tag-iisa kami ng sakong labong na pasan naglalakad sa pilapil, ang tindi ng sikat ng araw! Tagaktak ang pawis halos di ako makahakbang sa bigat ng sakong pasan. Tatlumpong minuto kaming nag aabang ng dyip ngunit wala paring tumitigil sa aming tapat marahil dahil sa madungis naming hitsura. Nagpasyang maglakad nalang si Inay, nagprotesta ako dahil napakalayo, halos limang kilometro ang layo patungong bayan. Alam ni Inay ang dahilan ng pagtanggi ko madadaanan kasi namin ang bahay nila Gerry, ilang taon ko na ding crush sa eskwelahan ngunit alam kong wala akong pag-asang mapansin niya.

Nakita kong inabutan niya ng liham ang muse sa aming eskwelahan at katabi ko pa, kinikilig habang binabasa ang kanyang liham, ang sarap talagang sabunutan! Pagtapat namin sa bahay nila Gerry sakto namang paglabas niya at nagtama ang aming paningin, pakiramdam ko matutunaw ako sa hiya. Napakadusing ko at puro putik pa ang paa dahil galing sa bukid. Sabi ni Inay, hindi dapat mahiya dahil marangal ang magtinda.

source

Kinabukasan, bawat bahay sa bayan ay hindi namin pinapalagpas para itinda ang aming mga produkto. Naiinis ako sa mga tumatawad ng tulya," limang piso nalang yan kukunin ko ang sampung gatang". Ayaw kong pumayag, "ale pwedeng pitong piso naman" pakiusap ko ngunit tinaasan lang ako ng kilay ng ale, at sinabing "kung ayaw niya wag niyo"!. Alam kong ibebenta niya ito ng kinse sa palengke. Si Inay ay pumayag pa rin, doon ko naisip na magsumikap, kung hindi ay maraming mananamantala sa aming maliliit.

Naputol ang pagbabalik tanaw ko nang pumasok si Inay, niyakap ko siya at sinabing “Ako naman Inay ang magsasakripisyo para sa inyo" Magkahawak kamay kaming lumabas ni Inay, alam kong ito na ang simula ng pagtupad ko sa aming mga pangarap.

Handog sa: #literaturang-filipino #kuwentongtagumpay

Sort:  

this story is so heartbreaking and happy at the same time. I'm confused how to react @orhem! Indeed, the sense of accomplishment is really different when you have worked so hard to succeed. So back-breaking hard.

thank you @raquelita, i wept while writing this indeed theres a light at the end of the tunnel,happy you drop by😊😊

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 60328.18
ETH 2426.92
USDT 1.00
SBD 2.48