Literaturang Filipino: "Wag Matakot sa Nakaputi"

in #literaturang-filipino7 years ago (edited)

5ckdBu9jS2mU7bEM_vOVQw.png

Naaninag mo man sila sa malayo

Kalma lang, 'wag agad tatayo

Hindi sila nananakit

Sapagkat atensyon nila'y hindi ka ipagkakait


Nawa'y magtiwala ka sa kanila

Kung ayaw mong tirikan ng kandila

Makinig at sumunod sa mga payo

Kahit ikaw pa'y isang dayo


Alagaan at papakinggan ang iyong hinaing

Gamit ang kanilang kamay na puno ng lambing

Di ka pababayaan, sakit mo'y papagaanin

Bukas makalawa'y tila wala na ang bakas na suliranin


Sasamahan ka sa hirap at ginhawa

Mga paalala at pag-aalala'y hindi sila magsasawa

Para manumbalik ang iyong sigla

Magandang pagbabago na di ka mabibigla


Ngayo'y nasa mabuti ka ng kalagayan

Tanging hiling ko sayo'y 'wag mo silang kalimutan

Laging tatandaan sarili'y wag pababayaan

Dahil ang kalusugan ay isang kayamanan


Itong tula na ito'y inaalay ko para sa mga "Nars"  na tulad ko na walang humpay na nagbibigay ng kanilang oras at atensyon sa mga taong gustong mapabuti ang kalagayan. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking likha at supurtahan ang mga nars na nagbigay kulay sa mundo ng medisina. 

 “Ang pagiging isang nars ay isa sa pinakamahirap na sining. Maaaring pakikiramay ang motibo, subalit ang kaalaman ang tanging lakas na nagpapakilos sa amin.”—Mary Adelaide Nutting, 1925, ang unang propesor sa pagnanars sa buong daigdig. 

Sort:  

thank you @julsmlz paghimo pd in-ani ba pra dghan nata

lisud kau ang tagalog nins, magsapid akong dila gyud haha

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60061.12
ETH 3196.84
USDT 1.00
SBD 2.45