Kumpisal ng Isang Kabet: Vagina Story #2

in #literaturang-filipino6 years ago (edited)

infidelity-379565_960_720.jpg
Photo source.

Note: Ang lahat ng mga pangyayari, pangalan o lugar na mababanggit sa kwentong ito ay likha lamang ng imahinasyon lamang at walang pinagbasehang pangyayari sa totoong buhay. Ito ay karugtong ng seryeng Vagina Story na sinimulan ni @valerie15 na nai-publish nya sa lengwaheng Ingles. Maari ninyo itong basahin dito. Naibigan ko ang kanyang ideya tungkol sa mga iba’t ibang storya ng kababaihan at napagtanto kong gumawa ng version ko o karugtong ng kanyang serye. Sana ay inyo ito maibigan.

Bahagya kong inimulat ang inaantok ko pang mata at unti-unti iwinakli ang kulubot ng kumot at pinulot mula sa sahig ang aking pulang pangtulog na gawa sa sutla. Naririnig ko ang malakas na tunog ng tubig sa may banyo at ngumiti ng maaninag ko ang katawang kalahating-hubad na lumabas.Tila nagising ako ng makita ang dumadaloy na tubig sa buong katawan nya na tila nang-aanyaya.

Napailing na lang ako habang pinipilit na pigilan ang mga ngiti kasabay ng pagpili ng kanyang susuotin.

Nilapag ko ang puting polo sa may kama at naghanda na ng almusal. Patapos na sana ako nung muli nya akong yinakap; isang bagay nagpapanginig ng buo kong katawan dahil na rin sa nakakapanghina nyang amoy at kakisigan.

“Baka dahil nyan d na kita paalisin.”

Pa biro kong sinabi sa kanya. Ngunit alam kong batid nya ang katotohanan sa likod ng biro kong iyon. Ngumiti lamang sya.

Pagkatapos nyang kumain, dalian kong inayos ang kanyang damit at sinugaradong walang bahid ng aking lipstick o perfume ang naiwan sa kanya.

Oo, inaamin ko. May-asawa ang kasiping ko sa loob ng halos isang taon na. Ngunit, kung ano man ang nangyayari sa aming dalawa, positibo akong iyon ay higit pa sa siping lamang. Mahal ko sya at mahal nya rin ako. Halos isang taon nya na akong sikreto. Ngunit hanggang ngayon, d ko pa rin magawang masanay sa mga bulong at tingin ng ibang tao na kung tingnan ako’y parang ang sama sama ko ng tao.

Oo, alam kong maling mahalin ko sya at mali kaming dalawa. Ngunit, mas mali siguro ang makulong sa buhay kasama ang isang taong hindi laman ng iyong puso. “Edi, hiwalayan nya!” ang sambit ng iba sa tuwina. Ang daling sabihin para sa kanila na sana iwanan nya na lang ang kanyang pamilya kesa sa pagsabayin niya kaming dalawa. Naisip ba nila kung bakit kahit ilang beses ng sumagi sa isip nya ang gawin nyan, d pa rin niya magawang iwanan ang kanyang anak na sa kanya ay umaasa?

Ang dali para sa iba na ako ay husgahan. Pero kahit minsan ba naisip nila kung ginusto kong maging pangalawa lang? Ni minsan ba naisip nila kung madali sa akin ang manatiling sikreto lang nya? Hindi. Hindi madali. Ngunit dahil sa mahal ko sya iniinda ko ang bawat paghusga nila sa kin.

Dahil mahal ko sya tinatanggap ko bawat masakit na salita nila na marumi akong babae. Mahal ko sya. Hindi ba maaring maging sapat na rason ko yan kung bakit ko nagawa ang manatiling maging kabet nya? Kabet ako, alam ko pero hindi sapat yan para ipagkait sa akin ng mapanghusgang mundong ito ang tunay na ikakasaya ng puso ko. Umig lamang ako. Hindi, umiibig lamang ako.

Sort:  

Masyadong mapangahas ang ideyang ito! Unang-una sa pamagat palang at yung awtor na nagsimula nito na si @valerie15 masasabi kong mahusay talaga.


Salamat sa pagtutuloy at paglikha nito sa wikang Tagalog binagsak ito ni @valerie15 sa aming munting channel sa discord at harinawa'y magkaroon ka pa ng mas maraming audience.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 61111.24
ETH 2687.89
USDT 1.00
SBD 2.61