BISYO

in literaturang-filipino •  last year 

chumob.photo.blender1508709261078.jpg

cigarette clipart source

Para sa akin, isa kang bisyo.
Kailangan ko ang tulad mo.
Dumami man ang kagaya mo,
ikaw pa rin ang pipiliin ko.

Ikaw ang nabibigay sa akin ng ngiti,
ikaw ang nagbibigay liwanag sa akin,
Kung wala ka, mararamdaman ko ang pighati,
at di ko na rin alam aking gagawin.

Huli ko na nang aking napagtanto,
na ang dulot mo pala sa aki'y perwisyo.
Hindi ko alam kung bakit at paano,
pero kailangan na pala kitang alisin sa sistema ko.


At dito natatapos ang aking maikling tula,
sana ay inyong nagustuhan ang aking gawa.

Maraming salamat! :)

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Galing!

Salamat po! :)