"Literaturang Filipino"

" T A H A N A N "

Ako ay may munting pangarap sa buhay, bata pa lamang ako marami na kong gustong mithiin o makamit. Ang pangarap ko ay nagsilbeng gabay ng aking mga pagsisikap. Ito din ang inspirasyon ko na magpatuloy kahit sa mga kabiguan na aking nararanasan.

Pangarap ko na magkaroon kami ng isang tahanan, tahanan na maaari naming tirhan ng aking pamilya at magsisilbing proteksyon sa mga masasamang tao. Maaaring wala tayo sa ating mga tahanan halos buong araw, upang magtrabaho at maglibang, ngunit karaniwang umuuwi tayo sa ating mga tahanan para mamahinga, kumain at matulog. Ganyan ka importe ang magkaron ng isang tahanan, dahil kahit saang lupalop pa ng mundo ka magpupu-punta tiyak na babalik at babalik ka rin sa inyong tahanan. Nabubuhay tayo dito sa mundo na may kanya-kanyang tahanan. Ang tahanan na nagbigay satin ng kahulugan ng buhay natin sa mundong ito. Ang tahanan at paligid na kapiling natin sa ating paglaki at pagtanda. Tahanan na umaalalay satin noong una nating ihakbang ang ating mga paa at handang ibangon ka kapag ikaw ay nadapa. Tahanan na nagbigay satin ng kalayaan para umalis at maglakbay patungo sa pinapangarap nating kaligayahan. Tahanan na handang tumanggap muli satin kung sakaling mabigo ka man tayo o magtagumpay sa ating pakikipagsapalaran.

Sa ngayon ako ay patuloy na umaasang maisakatuparan ang aking mga pangarap.Alam kong ang aking mga pangarap ay kayang abutin sa tulong ng Poong Maykapal at sa mga taong nakapaligid sa akin para maisakatuparan ko ang matagal ko nang pinapangarap na magkaron ng sarili naming tahanan.

bamboo-house-ideas-hovgallery-awesome-decor_house-decor-exterior_home-decor_home-decor-websites-fleur-de-lis-nautical-decorators-coupon-code-diy-ideas-sincere-stores-discount-target_797x598.jpg
Bahay kubo, simpleng tahanan na punong-puno ng pagmamahal at pangarap sa buhay!

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 54478.01
ETH 2290.54
USDT 1.00
SBD 2.35