KULAY

Huni nang mga ibon sa umaga,
Ang gigising sa mga mata,
Berdeng dahon at bughaw na langit,
Na talaga namang tunay na kaakit-akit,

Sadyang nakakagaaan kung yan ang magigisnan,
Hindi yung usok at alikabok sa kapaligiran,
Ang bughaw at berde unti unting nawawala,
Hanggang sa mawasak at masira,

Hihinayin mo pa bang umabot sa ganyan?
Hihintayin mo pa bang mawala nang tuluyan?
Ang tunay na ganda nitong ating mundo,
Isipin mo naman ang mga bata at ang anak mo,

Ano pa ba ang maipapamana natin sa kanila?
Kung panay tayo dumi at sira kay INA?
Mga puno binubuwal, Tapon dito, tapon doon,
Kaya baha na tuloy nilalangoy mo ngayon,

Ang Diyos ang gumawa't nagbigay nito sa atin,
Dapat nating alagaan, KULAY ay panatilihin,
Wag natin hintayin na ito'y bawiin nya,
Pagkat sa huli tayo rin ang magdurusa.

SALAMAT PO SA ORAS NA NILATHATA NYO SA PAGBABASA, NAWAY MAGBIGAY INSPIRASYON ANG MUMUNTING MGA LETRANG ITO NA BINUKLOD KO :) SALAMAT PO :) :) :)

Sort:  

upvoted, naka ganda ng linya ng tula

hahah salamat2 :)

Napakaganda. Ipagpatuloy.

salamat ^^ :*

Resteemed your article. This article was resteemed because you are part of the New Steemians project. You can learn more about it here: https://steemit.com/introduceyourself/@gaman/new-steemians-project-launch

thank you :)

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60023.73
ETH 3191.15
USDT 1.00
SBD 2.45