Filipino Poetry --- Bestfriend
ni: @jennybeans
Masasayang huni ng mga ibon
Ang sa akin ay nagpabangon
Napakaganda nang araw na ito
Singganda mo; ang dilag na iniibig ko
Ang iyong maamong mukha sinta
Na kahit walang kolorete'y litaw na litaw ka
At ang iyong busilak at mabuting kalooban
Ang siyang bumihag at nagpa-ibig sa puso kong pihikan
Magkahalong emosyon ang nararamdaman
Luha, saya at galak ay walang pagsidlan
Ito ang araw na aking pinapangarap
Ang araw na makakasama ka hanggang sa hinaharap
Ako ay sadyang bukod na pinagpala
Nang ibigay ka sa akin ni Bathala
Babaeng kumikinang kasama ang mga bituin
Wow, di ko sukat akalaing ika'y abot kamay ko na rin
Mga munti mong hakbang sa aisle ng simbahan
Ay sadyang napakagandang pagmasdan
Ang puting trahe de boda'y hapit na hapit sa 'yong katawan
Ang mabighani't mapatulala ay hindi ko tuloy mapigilan
At nang ika'y huminto sa aking harapan
Ako'y sobrang kinabahan
Akma na sana kitang hahawakan
Ngunit ako'y biglang natigilan
May ibang lalaki na lumapit at kamay mo'y hinalikan
Saka lamang ako natauhan at nahimasmasan
Hindi pala ako ang iyong pakakasalan
At lalong hindi ako ang dahilan ng 'yong kasiyahan
Ang galing naman
Blessings.
Kamusta?
Salamat... I'm good @mrposyble :)