Kahit Masakit, Malaya Ka Na (A Poem About Sacrifice for Happiness)

in #literaturang-filipino6 years ago (edited)

112487967-144-k329865.jpg

Hanggang saan ang kaya mong tiisin para sa iyong minamahal? Kaya mo bang tanggapin ang sakit kapalit ng kalayaan niya?


Kailan nga ba nagsimula?
Na pakiramdam mo malaya ka pero nakakasakal na,
Na nakatali ka sa lubid na mahirap putulin
Na kung makawala man, may masasaktan at masasaktan din

Huli kong naaalala, masaya ka; kontento ka
Pangarap mo pa nga hanggang sa huli tayo pa rin di ba?
Bawat araw magkasama nating hinaharap
Sumusubok, nabubuhay, nabibigo, umaasa, nangangarap

Pero ngayon hindi ko na mawari
Kung ano ang tamang gawin at hindi
Maisalba lang ang mumunting ilaw ng liwanag natin
Patatagin ang haliging natitibag na rin

Palagi na lang nanganganib
Ang lubid na maputol, hindi ko man ibig
Mas nais nila, sana nga... sana nga...
Maputol na kaysa magkasakitan pa

Ayoko! Ayoko! Hindi ko nais
Ni sa panaginip, hindi ko ito naisip
May pag-asa pa, maisasalba pa natin di ba?
Tiwala lang, alam kong maaayos pa

Pero hindi eh, ikaw na mismo ang sumuko
Lumaban at ayusin ko man ito, sasagot ka pa rin ng, "Malabo."
Ayaw mo na kasi nasasakal ka na, gusto mo nang kumawala
Kaya kahit masakit, kung ikasasaya mo, sige, malaya ka na.

Note: Hello, guys! Do you like the poem? For more,kindly visit my wattpad account: https://www.wattpad.com/user/iluvmycielo

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 60185.13
ETH 3290.40
USDT 1.00
SBD 2.44