Disney Gangsters - The Tracker (Short Story)

15590299_1656249071340327_294587443537122982_n.jpg


They were known as the Disney princesses in fairy tales. But, they are not your ordinary princesses. Because in reality, they are the so called... Disney Gangsters.


SATURDAY

Isabelle's Point of View

I was busy assembling a gadget I made when I heard a loud beep in the room. Saglit kong tiningnan ang computer na konektado sa CCTV na in-install ko sa buong bahay.

"Tsk. Another uwanted visitor." umingos ako at binalik ulit sa ginagawa ang atensyon ko.

Hindi ko man nakikita ang ginagawa ng naglakas-loob na pumasok sa bahay ko, rinig na rinig ko naman ang bawat galaw niya. Malaking bagay kaya nagagawa kong hulaan ang gagawin niya.

Ano na namang ginagawa ng babaitang 'to dito? Kakabisita lang nung isa, may dumating pa.

Base sa mga tunog ng galaw niya, tinungo niya ang sofa at humiga doon.

Pinindot ko ang speaking button. "Leave. I'm busy." utos ko sa kanya.

Hinanap niya ang pinagmulan ng boses. Nakita niya naman ang malaking screen kung saan ako makikita.

"Hello! Makiki-tresspass ako." magiliw niyang sabi. Ngumiwi lang ako.

"I said leave. Ginagawa niyong bahay ampunan ang bahay ko."

"Ang sungit mo naman yata ngayon?"

"Tsk. I'm busy. Wag mo kong disturbuhin ngayon."

"I'm not! I just want to stay here for a while." sabi niya.

"Bakit? Hindi ka ba makakapagpahinga sa loob ng bahay mo at dito ka pa talaga dumayo?" tanong ko.

Ang kaninang magiliw na mukha niya ay napalitan ng inis. "That bitch! She planted a bomb on my house! Muntikan na kong mamatay sa ginawa niyang kabaliwan!"

"Who are you reffering to?" nagtataka kong tanong.

"Snow White, the devil!" sagot niya.

Napangisi ako. "Kaya pala hiningi niya ang tulong ko para makapasok sa bahay mo. May gagawin na pala yung masama sa'yo. Buti buhay ka pa."

Sumigaw siya sa inis. "What! You helped her?"

"I did. But I wasn't aware na ganun pala ang intensyon niya. Ang sabi lang naman niya sa'kin susurpresahin ka niya."

"Oh, damn that witch! Aaaaah! Malalagot talaga yung babaeng yun sa'kin!"

I did not answer. In the first place, hindi naman tanong ang sinabi niya. Why answer di ba?

"So..." panimula niya. "Knowing that I have my valid reason, pwede na ba akong mag-stay dito?"

"Still a no." sagot ko.

"Sige na! Pumayag ka na. Tinatamad akong maghanap ng matitirhan eh. Gusto ko na lang munang matulog."

"I already said no. Pero ikaw ang bahala." sabi ko na lang. Isa pa 'tong matigas ang ulo. Mas matanda pa naman sa'kin, may lahing makulit din. Basta, bahala siya.

I pressed another button. Pagkatapos ay binalik ulit sa ginagawa ang atensyon ko.

A few seconds had passed, narinig ko na lang ang pagsigaw niya sabay takbo palabas ng bahay.

But nope! Not that fast. Sinigurado ko munang sarado lahat ng pwedeng labasan bago ko pinindot ang button na pinindot kanina kaya hindi siya makakalabas, unless I unlock them.

I heard a growl. Malakas iyon kaya rinig na rinig sa buong kabahayan.

"Waaaaaaaaaaaah! Stay away from me!" sigaw ni Aurora habang paikot-ikot sa buong sala, pilit tinatakasan ang humahabol sa kanya.

Again, I heard a loud growl, louder than the first one. I smirked.

Nakita ko na lang si Aurora na nakatuntong sa itaas ng kisame, specifically sa chandelier habang takot na takot na iniiwasan ang naghihintay na ngipin na kakagat sa kanya.

"Ayoko na! Stay away from me beast!" sigaw niya. Dahil sa tinawag niya ay mas lalo pa itong nagalit.

Wrong move, Aurora.

"Damn you, Belle! Alisin mo 'tong alaga mo! Ayoko pang mamatay! Mga bwesit kayo. Aalis na ako!" sigaw niya na ikinatawa ko.

"Sabi mo gusto mong mag-stay dito."

"I changed my mind. Aalis na ako."

Tuluyan na nga akong nahinto sa ginagawa ko.

"Ho-Hoy! Saan ka pupunta? Don't leave me here with this beast!" tawag niya nang nawala ako sa screen. Naglakad ako palabas ng laboratoryo. "Beeeeelle!"

Tsk! OA talaga ng babaeng yun.

"Sandali! Makasigaw ka naman! Para namang papatayin ka." sabi ko nang narating ko na ang sala kung saan siya naroroon.

Muntikan na akong matawa nang makitang namumula ang mata niya.

"Kung hindi pa ako nakarating dito sa taas, paniguradong dedo na ako! Paalisin mo yang alaga mo! Mga walanghiya talaga kayo! Lagi niyo na lang akong pinagkakaisahan ni Snow White!"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at umupo na lang sa couch. Kumuha ng isang magazine at pinagdiskitahan ito.

"Belle! Sige na! Aalis na ako! Paalisin mo na yang alaga mo at nang makalabas ako." pagmamakaawa niya.

Tumawa lang ulit ako. "Nope."

"Beeeelle! Isusumbong ko talaga kayo ni Cinderella!"

"As if tatalab yang threat mo. Mas magiging masaya nga yun kapag sinabi ko ang nangyari sa'yo."

"Aaaaah! Beeelle! Bwesit ka! Palisin mo sabi 'yang alaga mo eh. Papatayin ko talaga yan!"

"Go ahead. As if magagawa mo." I dared her. At tinotoo niya nga ang sinabi niya. Tinapunan niya ito ng dagger. Muntik pa akong matamaan. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko at naiwasan ko kaagad.

"What the! Bakit nawala?" sigaw niya nang biglang nawala iyon.

"It's just a visual illusion, Aurora. Natutulog pa si Alpha ngayon kaya swerte ka ngayon. You leave now. Baka tuluyan ka na ngang mamatay kapag nagtagal ka pa dito." sabi ko, hindi pa rin inaalis ang paningin sa magazine.

Narinig ko ang tunog ng paglanding niya sa marbled floor.

"Goodbye, Belle! See you next time. Sa ibang lugar na. Ayoko nang bumisita dito. Para akong nagpunta sa impyerno!" paalam niya na ikinatawa ko ulit.

"Baliw! Bye!" sabi ko.

Kakaalis niya lang nang biglang may tumabi sa aking mabalahibong nilalang. Hinaplos ko kaagad ang ulo niya

"Had a nice sleep, Alpha?" tanong ko. Growl lamang ang sinagot niya.

Aurora is lucky to leave the house immediately. Kung nagtagal pa siya ay baka nakipag-face-to-face na siya kay Alpha. Wala pa naman ako sa mood na paamuhin si Alpha ngayon.


BATB-EWatson.jpg


Online Source:

Sort:  

Instead of putting the google search result link at the bottom of your post to give credit of the image use, you can use this tool https://steemitcuration.appspot.com/imageformat.

You need to get the image url paste it in the given box and click "format" and copy the markdown code and paste it inside your post.

@bayanihan , thanks for the advice. I did try it the first time you replied to my post but I don't know how to do it. As I click the format, the code seemed longer than the original. But right now, I know. Thank you very much. ^_^

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 66989.78
ETH 3524.32
USDT 1.00
SBD 2.69