Disney Gangsters - The Seer (Short Story)

15590299_1656249071340327_294587443537122982_n.jpg


They were known as the Disney princesses in fairy tales. But, they are not your ordinary princesses. Because in reality, they are the so called... Disney Gangsters.


FRIDAY

Phoebe's Point of View

Katatapos ko lang pakainin ang mga alaga kong hayop. Marami sila. Karamihan ay mga wild animals. Mahilig kasi ako sa mga hayop dahil namulat na ako na kasama sila. My family has its obsession on discovering new species of animals kaya kadalasan ay wala sila dito kasama ko. We have a non-profit organization na ang main purpose is to study the ecosystem and how every living lives in their own habitat.

Noong bata pa ako, madalas akong dalhin ng parents ko sa forest to camp and to be close to nature. Kakaiba trip ng parents ko no? Pero I like it.

I really love animals pero hindi naman pwedeng sa kagubatan ako manirahan kaya napagdesisyunan kong gumawa na lang ng artificial forest sa gitna ng siyudad para doon ibahay ang mga alaga ko. No one knew even my parents. It's a secret. Pero kunsabagay, hindi naman big deal kung malalaman nila. Ayoko lang magsalita at magyabang. Baka bigyan pa akong "who cares" look lalo na ng mga kaibigan ko.

Pumunta akong veranda ng kwarto ko para lumanghap ng sariwang hangin. Kaagad kong namataan ang isang ibon na lumilipad patungo sa direksyon ko. Si Maymay.

It landed on my shoulder. Muli akong pumasok sa kwarto at kumuha ng makakain ni Maymay. Paniguradong gutom ito dahil malayo ang nilipad nito mula sa tirahan nito papunta sa bahay ko.

Maymay tweeted. Nagpapasalamat. I patted its head at pinagmasdan itong tumuka ng makakain.

"Anong ipinunta mo dito, Maymay?" tanong ko dito. hindi ako baliw ha! I have this ability kasi to speak with animals, understand their language, command and control them. Lahat ng hayop, maliban sa isa. -_-

She tweeted again, saying that she saw someone in a remote area. Tumutulong daw ito sa mga taong nakatira sa lugar na iyon. Napangiti kaagad ako sa nalaman,

"Salamat sa impormasyon, Maymay. Maaari ka ng bumalik sa tirahan mo." it tweeted again, then flew.

Again, mag-isa na naman ako sa veranda. Paminsan-minsan ay may dumadaan na mga ibon at binabati ako. Nginingitian ko lamang sila. Minsan naman ay nagpapahinga sa veranda ko at humihingi ng makakain. And being myself, pinapakain ko sila. See? I really love animals!

I'm almost bored nang maalala ko ang sinabi ni Maymay. Hmmm... I had an idea in my mind, Tiningnan ko ang orasan. It's still 9:00 in the morning. Magagabihan pa iyon kung uuwi sa bahay niya.

It's a nice day to give her a surprise.

Nagbihis kaagad ako dahilk may pupuntahan ako. Malapit lang naman ang bahay niya rito kaya it will just take ten minutes for me to arrive there.

I was so cautious when I got there. Dahil baka makita ko yung pinaka-hatest na nilalang sa loob ng bahay niya. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay narinig ko na ang tunog ng mga yapak nito.

Fudge!

Kaagad akong tumakbo palayo sa pinto at sumakay na lang ulit sa sasakyan. Tatawagan ko na lang siya.

Ayoko pang mamatay no!

"What do you want?" tanong kaagad niya nang sagutin niya ang tawag ko.

"Hello there, honey." I said sweetly.

"Just tell me what you want so I can end this call already,."

Ngumiti lang ako. Sanay na ako sa ugali niya. Maypagka-cold lang at prangka. Palaging straight to the point kung magsalita pero hindi din naman katulad ni Cinderella na hindi tumatawa.

"Well, gusto ko lang sanang hingin ang passcode ng bahay ni Neat-freak. May surpresa kasi ako para sa kanya at kailangan ko 'yung ilagay sa loob ng bahay niya."

"And what is that surprise you're talking about?' curious niyang tanong,

"It's a surprise nga so dapat sekreto. Paki-hack rin ng computer system sa bahay niya. Ayokong magmukhang intruder sa bahay niya kahit yun naman talaga ang gagawin ko,"

"Why do I have this feeling na hindi basta-bastang surpresa ang ibibigay mo sa kanya?"

Humalakhak ako nang malakas. "Oh! Hindi naman talaga basta-basta ang surpresa ko para sa kanya. I missed her you know. Hindi na kami nagkikita so gusto ko siyang surpresahin. Gusto ko siyang makitang magulat." palihim akong napahagikhik.

"Tsk! I'll send you the passcode. And the system was already hacked. You can enter now." sagot niya at tinapos kaagad ang tawag.

Ngumiwi ako. Psh. Hindi man lang ako nakapagpasalamat.

Ngumisi na lang ako. Well, let's surprise her then. Saka ko pinaharurot ang sasakyan papuntang bahay niya.


Nasa isang bar ako at umiinom mag-isa. Busy lahat ng kaibigan ko e kaya wala akong kasama. Yung tatlo naman kasi, nasa ibang bansa pa. Pero darating din sila. Maybe tomorrow or the next day pa.

Sa Lunes na kasi ang pasukan kaya kailangan na nilang bumalik dito.

Nasa madilim ako na parte ng bar habang ninanamnam ang sarap ng Margarita na iniinom ko. Maraming inaaya akong sumayaw sa dance floor pero lahat sila ay tinanggihan ko. Wala akong ganang sumayaw ngayon. Gusto ko lang uminom ng konti bago umuwi sa bahay.

Mayamaya pa ay napagpasyahan ko na lang umuwi. Nabobore na rin ako sa loob ng bar. Walang bago. Ganoon pa rin ang set up.

Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong kaagad ako ng mga alaga ko Napangiti ako. I feel loved, very much, dahil sa kanila.

Tiningnan ko ang oras . Malapit nang maghating-gabi. Paniguradong nakauwi na iyon.

Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang isang bagay. Ibinigay ko ito sa isang vulture na alaga ko. Lumipad na ito patungo sa lugar kung saan ko gusto itong makarating.

Bumalik ako sa sala at in-on ang TV. May papanoorin pa akong maaksyong palabas ngayong gabi.

Maaliwalas pa ang lugar na nakikita ko sa screen. Payapa. Walang pinapakitang banta o senyales na may mangyayaring masama.

I smirked. Hindi ba niya nase-sense ang panganib?

Napailing agad ako. Well, let's see kung pumupurol na ang kakayahan ng babaeng ito.

"Mission XXAII activate." I commanded.

And the action began.

Nang matapos ang pinanood ko ay nanatiling nakatutok ang paningin ko sa TV. Especially sa taong nasa screen na sumisigaw sa inis.

Tumawa ako ng paulit-ulit. Nawiwili sa pinapanood.

"Nice job threatening her, Snow White."


4161743-lily-collins-in-mirror-mirror.jpg


Online Source:

Sort:  

You can use this tool to easily get format image sourcing https://steemitcuration.appspot.com/imageformat

You need to get the image url paste it in the given box of the tool, click "format," copy "markdown code" and paste in inside your post.

Thank you. It is a big help for me. :)

Your Post Has Been Featured on @Resteemable!
Feature any Steemit post using resteemit.com!
How It Works:
1. Take Any Steemit URL
2. Erase https://
3. Type re
Get Featured Instantly – Featured Posts are voted every 2.4hrs
Join the Curation Team Here | Vote Resteemable for Witness

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 60185.13
ETH 3290.40
USDT 1.00
SBD 2.44