Disney Gangsters - The Healer (Short Story)

15590299_1656249071340327_294587443537122982_n.jpg


They were known as the Disney princesses in fairy tales. But, they are not your ordinary princesses. Because in reality, they are the so called... Disney Gangsters.


FRIDAY

Moira's Point of View

"Kailangan niyo pong inumin ang gamot na ito tatlong beses sa isang araw. Isa sa umaga, sa tanghali at sa gabi matapos niyong kumain. Kailangan niyo pong i-maintain ang pag-inom nito para mapadali ang pagbuti ng pakiramdam niyo. Kung sakali mang maubusan na po kayo ng gamot, huwag po kayong magdalawang isip na pumunta sa malapit na klinika. May ibinigay na po akong mga gamot doon. Libre po ang mga 'yon kaya yakang-yaka niyong pwedeng hingin. Kumain din po kayo ng mga masustansyang pagkain. Wala pa ring tatalo sa mga natural na gulay at prutas dahil hindi lang po ito masasarap, masustansya pa. Alam niyo naman po iyon di ba, Nanay? Kaya pakiusap po ay sundin ninyo ang bilin ko. Nagkakaintindihan po ba tayo, Nanay?" mahaba kong paliwanag sa matandang babaeng tinawag kong Nanay.

Kasalukuyan akong nasa isang medical mission sa isang lugar na malayo sa kabihasnan. Walang ospital dito kaya problema sa mga ito ang pagpapagamot lalo na at walang pera. Mabuti na lang at napagdesisyonan ni Papa na magkaroon ng medical mision dito. Nakakaawa ang mga tao dito.

Karamihan sa mga tao ay may sakit. Ang mga bata ay halos buto at balat na lang dahil sa kakulangan sa nutrisyon at walang makain. Marami rin ang may ubo at sipon. May iba pang sobrang lubha ng kalagayan na kakailanganin pa naming dalhin sa ospital para mabantayan ng maigi ang kondisyon.

Mabuti na lang rin at bago kami pumunta dito, napapayag ko si Papa na magpagawa ng maliit lang na klinika para sa komunidad dito. Konti lang naman ang tao dito kaya maliit lang ang klinika. Kahit maliit ay sinigurado kong kompleto ang mga gamit at kasangkapang gagamitin para matustusan ang pangangailangang kalusugan ng mga tao dito. May mga doktor at nurses na rin kaming itinalaga para tumao at tumulong dito. Mas malaki ang sweldo nila dahil sa lugar na rin mismo, malayo sa kabihasnan. Libre ang pagpapagamot kaya hindi na mamomroblema sa pera ang mga tao.

Nagpasalamat si Nanay sa akin matapos kunin ang gamot niya at umalis na. Kaagad namang umupo ang sumunod kay Nanay at sinabi sa akin ang problemang kalusugan niya. Kagaya kanina ay ineksamin ko rin ito at binigyan ng gamot na akma sa sakit nito. Sunod-sunod at patuloy lang ang ginagawa kong trabaho.

Nakakalungkot lang isipin na karamihan sa mga nakakasalamuha ko pagdating sa gusto kong trabaho ay may mga sakit. We're family of doctors so sigurado na talagang magiging doctor din ako. I wanted to help people to be cured o kahit mabawasan lang ang sakit na nararamdaman nila. Hindi kaya biro ang may problema sa kalusugan. Kaya hanggang sa makakaya ko ay tumutulong ako sa mga tao.

Mayabang na bang ipaalam na sa sobrang bata ko pang edad ay isa na akong ganap na doktor? Yep. At the age of eighteen, I am a liscensed doctor. Sobrang advance ba?

Eh kasi, bata pa lang ako, minulat na ako sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa medisina. Gusto ko rin namang magkaalam kaya nag-aral ako ng maaga tungkol doon. Habang nasa elementary at high school ako ay nag-aral na rin ako ng medicine. Kaya dalawang taon na lang ang ginugol ko sa college.

Aside from medicine, may iba pa akong mga hilig pero ang panggagamot talaga ang pinakagusto ko.

Matapos ang medical mission, bumalik na ako sa bahay ko. I have my own house. Binili ko ito right after I turned eighteen dahil na rin sa ayaw kong mag-isa sa family house namin. Nasa Germany kasi si Mama at Papa kaya ako lang mag-isa doon, maliban sa mga maids at butlers ng pamilya namin.

I know that sa paglipat ko, mag-isa pa rin ako. Same but I felt comfortable this way. May maiiba kasi. Kapag nanatili ako doon sa bahay namin, mararamdaman ko lang ang lungkot dahil wala sina Mama at Papa.

Isang rason pa talaga ay dahil sa sekretong laboratory na pinagawa ko sa loob ng bahay ko. Ayokong doon ilagay ito sa bahay namin. Baka makahalata sina Mama at Papa. They don't know about me being a gangster kaya dapat akong mag-ingat. They thought I am that kind and obedient daughter of theirs. Ganoon naman talaga ako. Matulungin pa. Pero kapag kalaban na ang usapan, wala sa bokabularyo ko ang maging mabait. Patay kung patay. Wala akong iniiwanang buhay.

Nagtungo kaagad ako sa secret lab right after I showered and took a rest for a while. May ginagawa kasi akong eksperimento. Isang gamot pala para mas madaling makagenerate ang mga cells for fast healing. Malapit ko ng matapos ito. May kulang na lang na tatlong chemicals. Inaalam ko pa nga lang kung anong pwedeng epekto ng mga ito sa katawan. Kung may side effects ba.

Isang chemical na lang ang ihahalo ko sana. I'm very sure it's the right one to complete the mixture but I wasn't able to mix it with the others when I suddenly heared a beeping sound.

Agad kong hinanap ang pinagmulan nito pero hindi ko makita kung saan. Paniguradong maliit lang ito dahil mahirap makita. I have a hunch kung ano ang tumutunog na bagay na iyon. Pero huwag naman sana. Ayokong bumalik sa simula. Malapit ko ng matapos ang ginagawa ko!

But God didn't grant my wish. Bigla na lang nagred ang light sa buong laboratoryo kaya tuluyan na akong naalarma.

"Bomb alert! Bomb alert! Bomb alert! Immediate evacuation! Immediate evacuation! Immediate evacuation!" narinig kong sabi ng automatic response system na inin-stall ko sa buong bahay sa tulong ng kakilala ko.

"What's all this fuss! Not my house!" sigaw ko na lang at mabilis na tumakbo papalabas. Mas napamura pa ulit ako when I realized that I'm under the ground. Kailangan ko pang mag-elevator para makabalik sa ground floor ng bahay!

"The countdown has started. Three minutes left." at nagsimula na ngang magbilang ang ARS. Bawat segundong lumilipas ay pinapakaba ako. Damn! Not now! Not now!

Mabilis kong narating ang elevator pero kapag minamalas ka nga naman! Ayaw umandar. Ilang beses ko pang pinindot ang button pero ayaw bumukas.

I have no choice kundi ang gibain ito. Wala na ring kwenta dahil sasabog din naman ang bahay na 'to. Kumuha agad ako ng isang chainsaw na nakita ko lang din sa gilid. Hindi ko na pinag-aksayahan pang tanungin ang sarili ko kung bakit nagkaroon ng bagay na ito doon. I need to survive first before asking! Damn!

Iniumang ko kaagad ito sa elevator para makagawa ng hole. Namangha pa ako dahil sobrang talas nito at nagawa nitong butasin ang pintuan sa maliit lang na panahon.

"Two minutes left."

Mas binilisan ko pa ang ginagawa ko. Agad akong pumasok sa elevator at pati ang bubong nito ay sinira ko na rin. Still have no choice. Sariling sikap. Kailangan ko pang akyatin ang itaas gamit ang lubid.

Umakyat kaagad ako at mabilis na lumambitin sa lubid. Mataas pa ang kailangan kong akyatin. Masakit na ang kamay ko dahil sa sobrang friction dulot ng pagkiskisan ng kamay ko sa labid. But who cares again? I need to survive!

"One minute left."

Whoa! Bilis pa. Bilisan mo pa. Kung ayaw mo pang mamatay!

Nasa kalahati pa lang ako eh! Kaya kahit ang sarap ng magpahinga, hindi ako huminto at pinag-igihan pa ang pag-akyat.

"Thirty seconds."

Malapit na!

Narating ko rin ang nakasaradong pintuan kaya kailangan ko pang buksan iyon. Dahil hindi ko nadala ang chain saw, ginamit ko na lang ang kutsilyong nakatago sa tagiliran ko. Sobrang talas nito kaya kaya nitong butasin ang pintuan.

Eksaktong sampung segundo ang natitira ay tuluyan ko nang nabutasan ang pintuan.

"Ten."

Mabilis akong lumusot doon.

"Nine."

At nagsimula uling tumakbo.

"Eight."

Medyo kalayuan ang pintuan kaya full force na akong tumakbo.

"Seven."

Nagsisisi na ako kung bakit pinili kong malayo ang pinto sa elevator!

"Six."

Crap! Kailangan ko pa palang magbigay ng passcode bago lumabas!

"Five."

Kaya sa halip na sa pintuan dumiretso, lumihis ako ng direksyon papuntang bintana.

"Four."

Bullet proof ang bintana kaya hindi ito basta-basta nababasag. Tinapunan ko ito ng isang dagger para mabasag. But as expected, hindi nito nagawang basagin ang bintana. Pero may kaunting biak. Good. Mabubuhay pa ako!

"Three."

For the second time, I threw daggers. But three of them. Napangiti kaagad ako nang mas lumaki ang biak nito. Ngayon kailangan ko na lang bilisan pa ang pagtakbo.

"Two."

With all my strength, I ran very fast like it's a matter of life and death. Kahit totoo naman talaga!

"One."

Kasabay ng pagsabog, tumalon ako sa bintana, giving it extreme force to further break it. Bumagsak ako sa damuhan at pinagulong ang sarili ko papalayo sa sumabog na bahay.

Hindi muna ako tumayo at nanatiling nakahiga matapos niyon. Hinihingal ako at pinagpapawisan dahil sa ginawa ko.

Muntikan na yun. Buti buhay pa ako.

Mabilis akong gumulong pakaliwa nang maramdaman ko ang papalapit na pana sa kinahihigaan ko. Waaaah! Hindi pa ako nakaget-over sa sumabog na bahay, eto na naman!

Nakatusok sa gitna ng pana ang isang pulang mansanas. Sa dulo naman nito ay isang sulat. Kinuha ko ito at binasa.

I cussed many times after that.

"I hope nagustuhan mo ang surpresa ko sa'yo, Aurora. Love,"

"Snow Whiiiiiiiite!"


0b4daeb917649e3c5110878c3200d68b.jpg


Online Source:

Sort:  

Your Post Has Been Featured on @Resteemable!
Feature any Steemit post using resteemit.com!
How It Works:
1. Take Any Steemit URL
2. Erase https://
3. Type re
Get Featured Instantly – Featured Posts are voted every 2.4hrs
Join the Curation Team Here | Vote Resteemable for Witness

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 60335.73
ETH 3297.58
USDT 1.00
SBD 2.43