Disney Gangsters - The Decision Maker (Short Story)

in #literaturang-filipino6 years ago (edited)

15590299_1656249071340327_294587443537122982_n.jpg


They were known as the Disney princesses in fairy tales. But, they are not your ordinary princesses. Because in reality, they are the so called... Disney Gangsters.


THE DECISION MAKER


SUNDAY

Katniss' Point of View

"Mi'Lady, nandito na po tayo." dinig kong pahayag ng butler ko. Nakayuko ito habang naghihintay na tumugon ako sa sinabi niya. But I didn't speak. Tumayo lang ako mula sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad palabas.

Hindi ko na pinansin ang maraming mga guards na nasa loob ng eroplanong ginamit ko. Yes. I have my own private plane. At ito ang ginagamit ko to go wherever I want to go.

Pagkalabas sa eroplano ay nadatnan ko pa ang maraming mga guards na naka-standby sa paligid. Checking if there's a threat. I mentally rolled my eyes.

Psh. Kung hindi lang talaga dahil sa deal, asa pang papayag akong may nakabuntot sa aking dose-dosenang guards. Nakakairita kasi yung ganun eh. Kahit saan man ako magpunta, mayroon akong kasama. Ayun tuloy, ilag ang mga tao sa'kin.

Pero hayaan na. Wala din naman akong pakialam sa kanila.

"Mi'Lady, nakahanda na po ang Erryn na gagamitin niyo papuntang Terranus Mansion." sabi na naman ni butler Kim. For the second time, hindi ko siya pinansin. Hindi naman ako nakokonsensya dahil sanany na din naman silang halos wala akong imik. Maliban na lang kung sobrang importante talaga ng bagay na pag-uusapan para pag-aksayahan ko ng laway.

Nakita ko kaagad ang Erryn kaya lumapit na agad ako doon at sumakay. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pag-andar nito. Umidlip muna ako kahit labinlimang minuto lang naman ang biyahe papuntang Terranus Mansion.

Well, dala na rin siguro ito ng pagod.

Exactly fifteen minutes had passed, nag-take off na ang Erryn sa rooftop ng Terranus Mansion kaya lumabas na rin ako. I forgot to tell you, isang helicopter ang Erryn na pag-aari ko rin.

Malawak ang rooftop dahil malaki din ang mansyong ito. Kasya ang libo-libong tao sa loob. Pero tinatamad akong magdescribe tungkol diyan kaya bahala na kayong mag-isip kung anong hitsura ng mansyon. Swerte na lang kung mawala ang topak ko at gustuhin kong sabihin sa inyo.

Basta sa ngayon, matutulog muna ako.

"Mi'Lady, I just want to inform you na bukas din po ang simula ng klase ninyo. Kailangan--"

"Tomorrow." putol ko sa sinabi ni butler Kim.

"Po?" nagtataka niyang tanong. Inip ko siyang nilingon.

"You tell me that tomorrow. Don't disturb me right now." sabi ko at binilisan pa ang paglalakad para hindi na siya makahabol. Narinig ko pa ang mga sigaw ni butler Kim pati na rin ang natatarantang pagtakbo ng maraming guards papunta sa direksyong tinutungo ko.

Pero hindi na nila ako napigil pa sa gagawin ko nang mabilis din akong tumakbo at tumalon mula sa napakataas na rooftop papunta sa veranda ng kwarto ko.

Habang bumabagsak ako, I smiled. Ang sarap sa balat ng paghaplos ng hangin. Parang gusto kong matulog na lang talaga habang ganito. Pero baka ikamatay ko pa, huwag na lang. Next time na lang kapag wala ng mamamatay sa pagtulog habang bumabagsak mula sa sixty floors na building.

Maayos kong nailapag ang sarili ko sa veranda. Mabuti na lang din at bukas ang glass door papasok ng kwarto dahil baka kailangan ko pang basagin iyon.

Bago pumasok ay tumingin muna ako sa itaas at nakita sina butler Kim na maluwag na nakahinga nang makita akong maayos pa. Psh. Mga OA talaga. Parang hindi na nasanay.

Hindi pa man ako nakakadalawang-hakbang ay bigla din naman akong impit na napasigaw.

Sh*t! Bakit ngayon pa?

Naputol lang naman ang takong ng sapatos ko. Bwesit. Akala ko pa naman matibay to. Branded pa naman, wala din palang silbi. Hindi din kinaya ang lakas ng pagkakahulog ko. Next time nga, magpapagawa na ako ng sarili kong mga sapatos, yung may iba't ibang mga features na akma sa mga ginagawa ko,

Nakakainis. Nakakawala ng poise. Mabuti na lang at hindi ako natapilok talaga. Nagulat lang.

Pero dahil inis pa rin ako, hinubad ko rin ang sapatos at itinapon sa labas. Bahala na kung may matamaan.

Sakto namang pagpasok ko na sa kwarto, nakita ko kaagad ang queen-sized bed ko kaya tinakbo ko ito.

I spread my arms and conquered the bed.

Aaaah! Ang sarap matulog.

Before I fall asleep, binulong ko pa ang mga katagang gusto kong sabihin sana kanina pa.

"Welcome back to the Philippines, Cinderella."


beauty-trends-2015-02-cinderella-lily-james.jpg


Online Source:

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 60185.13
ETH 3290.40
USDT 1.00
SBD 2.44