Paasa Lang Pala (A Short Story)
Masakit kasi pinaasa ka niya. Pero mas masakit kasi narealize mo, hindi ka pala niya pinaasa. Dahil ikaw ang kusang umasa. Kahit sa simula pa lang, wala namang aasahan pa.
Her POV
"Kumusta ka na pala?" tanong na nagmula sa kanya. Simple lang ang mga salitang ginamit niya at ilang beses ko nang narinig. Pero iba ang dating sa akin. Simpleng tanong lang na galing sa kanya, pero sumasaya na agad ako.
"Ayos lang." napangiti ako matapos sagutin ang tanong niya. Marahil dahil iniisip kong kaya siya nagtatanong ay dahil nag-aalala siya. At hindi ko mapigilang pamuluhan sa naisip ko habang nagpipigil ng kilig.
Mabuti na lang at hindi ko siya kaharap. Sa facebook lang kami nag-uusap, kung pag-uusap bang matatawag iyon.
"Ah ganun ba? Hehe, eh ang lovelife?" reply niya ulit sa akin.
Natigilan ako sa tanong niya. Bakit kailangang ungkatin pa ang bagay na iyan? Alam naman niya ang totoo.
Pero isinintabi ko na lang. "Ano pa bang dapat isagot diyan? Siyempre, wala." sagot ko naman. Hindi ko rin inakalang mauuna siyang magchat sa akin. Hindi niya kasi ugali ang ganoon.
"Ah, mabuti naman. :) Huwag kang mang entertain ng iba ah. " nagtaka ako sa reply niya.
"Anong ibig mong sabihin? Bakit?" tinipa ko iyan sa keyboard at sinend sa kanya. Mayamaya lang ay nagreply ulit siya.
" Wala! Wag mo na lang pansinin." hindi na ako namilit pa. Wala akong ganang mangulit ngayon lalo pa at siya ang kachat ko. Ayaw niya sa mga makukulit eh.
"Okay." yan lang at sinend ko na sa kanya. Lumipas ang ilang minuto pero hindi na siya nagreply pa.
Gusto kong magsend ulit ng message sa kanya. Pero pinipigilan ko lang. Ayoko siyang pilitin kung ayaw niyang makipagchat sa akin.
Pero, minsan na nga lang siyang magchat eh! Palalampasin ko na lang ba?
Hindi, nakapagdecide na ako diba? Na kakalimutan ko na siya.
Napabuntong hininga na lang ako sa naisip ko.
Hindi ko mapigilang alalahanin kung paano nagsimula ang lahat.
High school ako nung nagkakakila kami. Kaklase ko siya. Naging malapit ako sa kanya dahil na rin sa mabait siya. Kaibigan ang turing ko sa kanya pero habang tumatagal ang panahon, ramdam kong nag-iiba na. Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nandiyan na siya. Pero pilit kong binalewala iyon.
One time, sinabi kong gusto ko siya. Biro lang naman iyon pero pakiramdam ko galing yun sa puso ko. Ngumiti lang siya at hindi na nakipaglokohan pa. Alam na naman niyang biro lang din yun.
Habang tumatagal, mas lumalalim ang pagtingin ko sa kanya. Ganun din ang unti unti niyang paglayo sa akin. Marahil, naniwala siya sa sinabi ko? Ewan ko! Hindi ko alam. Doon ko lang din narealize na mahal ko na pala siya. Kasi ramdam ko yung sakit nung iniiwasan niya ako at selos kapag may kasama siyang ibang babae.
Pero huli na ang lahat. Lumayo na siya sa akin.
Minsan, pag tumatabi ako sa kanya, lalayo agad siya.
Kapag inaasar siya ng mga kaklase namin kung bakit hindi siya makatingin sa akin ng diretso, naiinis siya.
At natanong ko rin sa sarili ko na bakit ako lang, sa lahat ng mga babaeng kaklase ko, ang hindi niya inaasar at binobola?
Namuo ang munting pag-asa sa puso ko. Na baka ginawa niya iyon dahil ayaw niyang masaktan ako. Na gusto niya din ako pero nahihiya siya. Umasa ako na gusto niya rin ako. Umasa ako dahil iyon ang pagkakaintindi ko sa mga ginagawa niya.
At mas lalong lumaki ang pag-asa sa puso ko dahil nang tumuntong kami ng fourth year, pinapansin na niya ako.
Hindi na siya yung dating umiiwas agad pag lumalapit ako.
Hindi na siya yung dating ayaw makipag-usap sa akin.
Nabigla ako, oo dahil akala ko, hanggang grumaduate kami, wala pa ring pagbabago.
Naging masaya ako dahil sa nangyari. Nagagawa ko nang makipag-asaran at makipagbiruan ulit sa kanya. Nagagawa ko nang tumabi ulit sa kanya. Naging malapit ulit kaming dalawa.
Pero di ko naman inakalang sa pagiging malapit ulit namin sa isa't isa, magagawa niyang sabihin sa akin ang sikreto niya.
Isang sikretong sumira sa pag-asang namuo sa puso ko. Isang sikretong sumira sa pangarap kong makasama siya habangbuhay.
Mahal niya ang bestfriend ko.
Nagpanggap akong masaya para sa kanya. Kahit ang totoo, gusto kong tumakbo at umiyak nang umiyak. Pakiramdam ko, biniyak ng ilang beses yung puso ko sa sakit.
At tanga nga siguro ako dahil pumayag akong tulungan siyang mapalapit sa bestfriend ko.
Naging close nga silang dalawa. Lagi na silang magkasama. Nakikita ko sa mga mata niya ang saya dahil siya ang kasama niya. Sayang hindi ko nakita kapag kami ang magkasama.
Ipinagtapat niyang mahal niya ito. Pero kaibigan lang ang turing ng bestfiend ko sa kanya.
Nasaktan siya. Umiyak siya. At ako ang kasama niya sa mga panahong iyon. Nasasaktan din ako dahil nasasaktan siya. Nasasaktan ako dahil hindi niya sana mararanasan ito kung ako ang minahal niya.
'Sana ako na lang.'
Gusto kong sabihin ang mga katagang iyan. Pero natatakot ako, baka layuan niya ulit ako. At di ko yun kakayanin.
Madaming nangyari, at namalayan ko na lang, graduation na namin. Masaya ako dahil kahit marami akong pinagdaanan, nagawa kong makagraduate at hindi ko naapabayaan ang pag-aaral ko.
Napagdesisyunan ko rin na, magtapat ulit sa kanya. Bahala na! Ang gusto ko lang masabi sa kanyang mahal ko siya. Pwedeng layuan niya ulit ako. Pero wala na akong magagawa kung yun ang gusto niya. Tatanggapin ko na lang.
Ito yung huling gagawin ko bago ko siya kalimutan. Kailangan. Dahil ako lang naman ang masasaktan.
Natapos ang graduation. Marami ang umiyak, isa na ako doon na napiyok pa habang naglalahad ng speech sa entablado.
Hinanap ko agad siya. At hindi naman ako nabigo. Kasama niya ang iba pa naming mga kaklase. Nakasilay ang mga ngiti sa labi kahit patuloy ang pagtulo ng luha. Naglakad ako palapit sa kanya pero unti unting bumabagal ang paglakad ko dahil sa nakita ko. Nakita kong magkasama silang dalawa ng bestfriend ko. Hanggang sa nasa harapan na nila ako.
"Aria! Congrats!" bati niya sa akin nang nakangiti. Ngumiti rin ako pabalik. Tiningnan ko si Fiona, bestfriend ko at nagbatian din kami. Saka ako muling humarap kay Vash.
"I have something to tell you./May sasabihin ako sayo." natawa kaming pareho dahil sabay kaming nagsalita.
"Oh sige, ikaw na mauna. Ano ba yun?" inunahan ko na siya. Mabuti na yung may oras pa ako. Kinakabahan kasi ako. Napansin kong kinuha niya ang kamay ni Fiona. Unti unting nawala ang ngiti ko sa labi. At mas lalong nadagdagan ang kabang nadama ko.
Itinaas niya ang magkahawak nilang mga kamay ni Fiona saka niya sinabing, "Kami na ni Fiona, Aria." masaya niyang sabi.
Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya. Ramdam kong sumasakit ulit ang puso ko. At gusto kong umiyak.
"A-ah ganun ba?" hindi ko alam ang sasabihin. Tumango siya bilang kumpirmasyon. " M-mabuti kung ganun. M-masaya ako para sa inyo." tugon ko.
"Wait lang, Vash. Tinatawag ako ni mommy. Mag-usap na muna kayong dalawa." sabi ni Fiona. Tumango naman si Vash sa kanya bago siya umalis.
Nanatiling tahimik lang kaming dalawa. Nagpapakiramdam.
"Ge, una na ako ha." tatalikod na sana ako pero pinigilan ako ni Vash
"Teka sandali, may sasabihin ka diba?" tanong niya sa akin.
"Ah, wala yun. N-nakalimutan ko na eh." ako
"Ah ganun ba? Okay, sige. Congrats ulit!" sabi niya. Inalis ko naman ang kamay niyang nakahawak pa rin sa braso ko saka ako tumalikod at naglakad ng dahan dahan. Konti na lang, tutulo na ang luha ko.
Pero hindi ko kaya. Sa huling pagkakataon, nanaig ang gusto ng puso ko. Bumalik ulit ako at hinarap siya. " Vash..." nakangiti siyang bumaling sa akin. Nilapit ko ang mukha ko sa tenga niya at binulong ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya. "... mahal kita." saka ako lumayo. Kitang kita ko ang gulat sa mukha niya bago ako tumalikod. At tuloy tuloy na ang pagluha ko habang papalayo sa kanya. Papalayo sa taong mahal ko.
Lumipas ang tatlong taon. Pinilit kong kalimutan siya kahit araw-araw, siya ang laging laman ng isip ko. Ibinaling ko ang atensiyon ko sa ibang bagay. Pero hindi eh. Siya pa rin talaga, hanggang ngayon.
Napag-alaman ko rin na hiwalay na pala sina Vash at Fiona. Sinungaling ako kung hindi ko aaminin na naging masaya ako nung nabalitaan ko iyon. Pero, alam ko namang hindi rin siya magiging akin.
" Wala ka bang nagugustuhan ngayon?" bumalik ako sa reyalidad nang mabasa ko ang panibagong reply niya. Ngumiti ako nang mapait.
'Manhid!'
Tinatanong pa niya eh siya naman ang nag-iisang ginusto ko at minamahal ko pa hanggang ngayon.
"Meron naman. Kaso..." ako.
"Ano?" siya.
"May mahal siyang iba." sinend ko iyan sa kanya. Totoo naman diba? May mahal siyang iba. Mahal niya si Fiona.
"Sorry. :(" reply niya. Sorry? Hindi ko alam pero napaiyak ako ng isang salitang iyan. Anong sorry ba? Para saan ba?
"Hindi mo naman kasalanan." reply ko sa kanya. Hindi naman talaga niya kasalanan diba? Nagmahal lang naman siya. Hindi nga lang ako. At yun ang masakit. "Hindi mo naman kasalanang may mahal kang iba, Vash. :) Hanggang ngayon, ikaw pa rin naman kasi. Ikaw pa rin ang mahal ko. Hindi naman kasi nagbago, Vash. Hindi ko nga alam eh. Pinilit ko namang kalimutan ka kasi hindi na tama itong nararamdaman ko. Nakakasakit na. Mahal kita pero may mahal kang iba, at si Fiona pa. Alam mo yung sa bawat bagay na ginagawa mo at pinapakita sa akin, umasa akong may dahilan iyon? Umasa akong ang dahilang iyon ay dahil pareho tayo ng nararamdaman sa isa't isa. Pero mali eh." reply ko ulit sa kanya. Umiyak na ako. Ang sakit! Ang sakit sakit!
"Aria..." siya.
"Pero huwag kang mag-alala, sinabi ko lang ito sa'yo kasi gusto ko ring malaman mo ang totoo. Hindi kita pipilitin. Gusto kong sabihin sa'yo ang nararamdaman ko para hindi ako magsisi sa huli. Mas mabuti na 'to diba? Kaysa naman wala akong ginawa. Vash, mahal kita. Mahal na mahal." ako. Pagkatapos kong masend ang message na iyon ay agad kong in-off ang chat ko at agad na nag log-out. I guess, matatagalan pa.akong mag-open ng fb. I should really move on now.
Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko na papahirin, mapapagod lang ako sa kakapahid kung hindi naman nahinto sa pagbagsak. Parang pag-ibig lang, the more na pilitin kong kalimutan siya, the more na minamahal ko siya.
'Bakit ba kasi hindi ako? Bakit kasi siya pa?'
Ang mga bagay na ginawa mo sa akin, ang mga pangarap na nabuo ko dahil doon, kasinungalingan lang pala. Hindi pala totoo.
Wala lang pala iyon sa'yo. Kaibigan lang pala turing mo sa akin.
Paasa lang pala. No, scratch that. Hindi ka pala paasa. Sadyang ako ang nagkusang umasa.
His POV
"Hindi mo naman kasalanan." reply niya sa akin. Pero bakit pakiramdam ko meron akong kasalanan, Aria? "Hindi mo naman kasalanang may mahal kang iba, Vash. :) Hanggang ngayon, ikaw pa rin naman kasi. Ikaw pa rin ang mahal ko. Hindi naman kasi nagbago, Vash. Hindi ko nga alam eh. Pinilit ko namang kalimutan ka kasi hindi na tama itong nararamdaman ko. Nakakasakit na. Mahal kita pero may mahal kang iba, at si Fiona pa. Alam mo yung sa bawat bagay na ginagawa mo at pinapakita sa akin, umasa akong may dahilan iyon? Umasa akong ang dahilang iyon ay dahil pareho tayo ng nararamdaman sa isa't isa. Pero mali eh." nagulat ako sa biglaang pagtatapat niya sa akin. Ako? Ako ang mahal niya? Hanggang ngayon ba?
Naalala ko tuloy ang huli naming pagkikita. Nung graduation namin, after kong sinabi sa kanyang kami na ni Fiona. Ipinagtapat niya sa akin na mahal niya ako. Ikinagulat ko iyon lalo na at magkaibigan kami. Hindi ako nakakibo noon hanggang sa namalayan ko na lang na nawala na pala siya sa paningin ko.
"Aria..." hindi ko alam ang sasabihin. Magtitipa na sana ako ng isusunod kong reply sa kanya. Pero nagsend ulit siya ng panibagong message.
"Pero huwag kang mag-alala, sinabi ko lang ito sa'yo kasi gusto ko ring malaman mo ang totoo. Hindi kita pipilitin. Gusto kong sabihin sa'yo ang nararamdaman ko para hindi ako magsisi sa huli. Mas mabuti na 'to diba? Kaysa naman wala akong ginawa. Vash, mahal kita. Mahal na mahal." ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binasa ko galing sa kanya. Sobra ko siyang nasaktan. At hanggang ngayon, nasasaktan pa rin siya. Ang sama ko pala.
Napansin kong off na ang chat ko sa kanya. Naglog-out na pala siya. Ngumiti ako ng mapait. I guess, I need to end this now.
Nagtipa ulit ako sa keyboard kahit alam kong hindi niya na ito mababasa ngayon. Ito yung matagal ko nang tinatago sa kanya. Pero pilit ko lang nilalaban ang sarili kong sabihin sa kanya. Ito yung katotohanan sa lahat ng kasinungalingang ipinakita ko sa kanya.
"Mahal din kita, Aria. Mahal na mahal."
Note: Want to know the real story behind this? Keep updated. I'll post it soon.