Disney Gangsters - The Genesis (Short Story)

in #literaturang-filipino6 years ago (edited)

15590299_1656249071340327_294587443537122982_n.jpg


They were known as the Disney princesses in fairy tales. But, they are not your ordinary princesses. Because in reality, they are the so called... Disney Gangsters.


SATURDAY

Blake's Point of View

"Lalala lala lalala lala." I hummed as I mixed the ingredients inside the bowl. Nasa kusina kasi ako ngayon at gagawa ng cookies. My master of the day requested me to bake it, so I did. Besides, hindi dapat pinagkakait ang grasya sa iba lalo na kung kaya mo namang ibigay di ba?

Hinulma ko kaagad ang mga ito to form different shapes. Favorite ko ang mga fish shapes kasi mahilig ako sa mga isda. After that, isinalang ko na kaagad iyon sa oven.

Dalawa lang kami sa bahay na ito. Ako at ang master ko. Pinaalis niya kasi ang mga tauhan niya. Maybe, to spend time with me. Well, okay lang din naman yun, kasi, gusto ko rin naman. Mas akma sa sitwasyon ko. At hindi ako mahihirapang ipatikim sa kanya ang sweet taste of heaven.

"Babe, are you done?" narinig kong tawag ni Master sa akin saka ko siya nakitang papalapit sa'kin. Binigyan ko kaagad siya ng maamong ngiti.

"Yeah. I'm almost done." sagot ko at sinalubong siya. He immediately circled his arms in my body. Hinayaan ko na lamang iyon at ngumiti pa ng malawak sa kanya.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang tunog ng oven, hudyat na kailangan ko ng kunin ang cookies na bi-nake ko.

"There. It's done." saka ako lumayo sa kanya at kinuha ang cookies. "You can go to the living room. Just wait for me there. I'll just fixed things up here." I saw him nodded and left the kitchen.

"Lalala lala lalala lala." I hummed again habang inaayos ang cookies sa tray. And then, it's done.

Gusto ko sanang lumundag nang lumundag papuntang living room kaso naalala ko may dala pala akong tray na may cookies kaya huwag na lang. Masayang pa effort ko sa paggawa nito tapos yung floor lang pala ang makikinabang. Mas mabuti nang si Master para maging masaya lahat.

Bwahaha! Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Kahit anu-ano na lang talagang pumapasok sa isip ko. Mga kabaliwan. Deym!

Naabutan ko si Master sa sala habang nanonood ng TV. Napakagwapo niya talaga. Ang sexy at hot pa. Half-naked kasi si Master kaya kitang-kita ko ang naghuhumiyaw sa tigas na pandesal niya. Letse! Mabuti na lang at hindi ako mahilig sa pandesal.

"Here's your cookies." sabi ko at inilapag sa harap niya ang tray. Ngumiti naman siya sa'kin. Uupo sana ako sa couch na nasa gilid pero hinablot niya ang kamay ko at pinaupo sa lap niya.

Wahaha! Nasa langit na ba ako? Joke lang. Ayoko pang ma-deads!

"Ma-Master..?" gulat kong sabi, with matching widening of eyes pa.

"Master? Hmmm. You're calling me that, babe? I like it though." hindi ako umimik at nanatiling nakatingin lang sa kanya. "Well, let's taste your cookies."

He moved forward to grab a cookie at iniumang iyon sa bibig ko. Nag-aalangan akong kainin iyon pero dahil sa ngiti niya ay tinanggap ko rin. "Delicious?"

I nodded. "Yeah. You can taste heaven when you eat it." then I smiled.

"Really?" I nodded for the second time. Ako na mismo ang kumuha ng cookie at iniumang rin sa bibig niya. Kinain din naman niya iyon. Tumango-tango pa siya na tila inaalam kung tama ba ang sinabi ko.

"Yes. You're right, babe. It feels like--" hindi niya natuloy ang sinabi niya nang bigla siyang nabilaukan. Tumayo kaagad ako at lumayo sa kanya.

Gusto ko sana siyang damayan o di kaya ay hagurin ang likod niya. Baka sakaling hindi na siya mabilaukan. Pero huwag na lang pala.

Few seconds had passed ay sumuka na siya ng dugo.

"Ba-Babe?" nagtataka niyang tanong habang nakatingin sa'kin. Nakahawak ang mga kamay niya sa leeg at dibdib niya dahil nahihirapan na siyang huminga.

I gave him a smirk. "What does it taste like? Heaven right?"

Hindi siya sumagot at tiningnan lang ako. Unti-unti ay napalitan ng galit ang ekspresyon ng mukha niya.

"Y-You..!"

"It taste like heaven for some people but it's hell for you, Master. You are not allowed in heaven anyways." I stated.

"Who... Who are you?" nahihirapan niyang tanong. I snickered.

"That's your mistake, Master. You didn't bother to ask who I am. You just flirt with me immediately, not knowing who you're bumping against."

Gumuhit ang gulat at takot sa mga mata niya nang makita ang pagbabago ng kulay ng mata ko.

"Blue green. You're... You're the..."

"Yes. I'm Ar--"

"Little mermaid..." huling sabi niya bago nawalan ng hininga.

I groaned and rolled my eyes dahil sa inis. Biglang nagbago ang mood ko sa sinabi niya.

"Anong little mermaid ang pinagsasabi mo? Kung hindi ka pa talaga natuluyan, tatapusin na sana kita eh. Bwesit ka! Hindi ka ba mahilig manood ng Disney movies at hindi mo man lang alam kung anong pangalan ng little mermaid? Kainis ka talaga!" sigaw ko sa kanya kahit patay na ito saka nilapitan at sinabunutan ang buhok niya. "Saka hindi pa ako nakakabawi sa'yo ha! May pa-babe babe ka pang nalalamang hinayupak ka! Hindi babe ang pangalan ko bwesit ka!"

Patuloy pa rin ako sa pagsabunot at nahinto lang nang marinig ang phone ko na tumutunog. Patay!

Kinuha ko kaagad ito at sinagot ang tawag.

"He-Hello?" kinakabahan kong sabi.

"Leave now. You have nothing else to do there. You're done with your mission." narinig kong sabi ng kabilang linya. Cold at direct ang utos kaya hindi sana ako aangal pa.

I pouted kahit hindi naman niya makikita iyon.

"Pero kasi... That evil jerk called me little mermaid. Tama ba yun?" she laughed na ikinanguso ko pa.

"Hindi ba't ikaw naman yun?"

"Naaaaaaa!"

"Okay, okay. Umalis ka na diyan. Maaga pa ang alis natin bukas."

"Okay. I'll leave immediately. Kakainin ko lang muna 'tong cookies na ginawa ko. You want some?"

"Naaa. Sa'yo na 'yan. Ayoko pang mamatay." ngumuso ulit ako.

"Hindi ka naman mamamatay. Nandito naman ako. Hehe. Sasama ako sa'yo kahit saan kapag kainin mo yung cookies na gawa ko."

"No thanks. O siya. Baba ko na 'to. I still have many things to do." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Umupo muna ako sa couch habang ipinahinga ang mga paa ko sa likod ng evil jerk na patay na ngayon. Nakadilat pa ang mga mata.

"Akala ko ba bukas na ang alis natin? Bakit ang dami pa ng gagawin mo?

"Duh! I still have this day to finish these things. Sige na! Pinapatagal mo pa ang usapan eh. Baba ko na 'to. Bye." magpapalam din sana ako pero in-end na niya ang tawag.

Psh. Hindi man lang ako nakapagpaalam.

Isinandig ko na lang ang ulo at likod ko sa couch. Hahay! Mahaba-habang biyahe na naman para bukas.

Nakatingin lang ako sa kisame habang nag-iisip. Wala sa sarili akong ngumiti.

"You're coming back to the Philippines, Ariel."


Chloe_moretz.jpg


Online Source: BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

Sort:  

The link of your image source is a google search result link. Image url usually ends with .jpeg, .jpg, .gif, .png. You need to click view image to see the image url.

Oh, sorry. I wasn't able to review it before posting.

Your Post Has Been Featured on @Resteemable!
Feature any Steemit post using resteemit.com!
How It Works:
1. Take Any Steemit URL
2. Erase https://
3. Type re
Get Featured Instantly � Featured Posts are voted every 2.4hrs
Join the Curation Team Here | Vote Resteemable for Witness

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 60185.13
ETH 3290.40
USDT 1.00
SBD 2.44