Paglinang ng Kasanayan sa Paggawa ng Literatura#4 Maikling Kuwento: Silong (w/ English Translation)
Imahe galing sa pixabay.com
Habang naglalakad pauwi, napatingala ako sa kalangitan at nasambit ko ang mga salitang ito, “O Dios, bigyan Niyo po ako ng isang milagro.” Pagod na pagod na ako galing sa unibersidad at hindi ko na rin mahinuha ang gagawin.
“Tama bang pinalaya ko siya”? Mismo ako ay nagdadalawang isip sa mga salitang binitawan ko. “Sige na nga. Tutal wala na kami, mas mabuti na iyon para makapag-aral na ako ng mabuti”.
Palapit na ako sa sakayan ng jeep ng biglang bumuhos ang ulan. Pakiramdam ko ito ay isang masamang pangitain. Hindi ko alam kung tatawa ako o lulugmok sa pinagdadaraan ko. Buti nalang at may payong ako. Kahit wala akong masilungan, hindi naman ako mababasa.
Lumingon-lingon ako sa aking paligid at sa unahan doon ko namasid ang isang buntis na naghahanap ng masisilungan. Nilapitan ko siya at pinasilong ko sa ilalim ng payong ko. Tinanong ko siya kung saan ba siya papunta, sagot naman niya sa akin sa Balulang. Magkaiba pala ang daan na tatahakin namin. Ilang jeepney na ang dumaan sa harapan namin na maghahatid sana sa akin pauwi, pero nanatili lang ako sa tabi niya habang pinapayungan ko siya.
English Translation
While heading home, I looked up the sky and said these words to myself, "O Lordm please give me one miracle". I was so tired from university and I could not think of what to do anymore.
"Is it a right thing to do to leave him". I doubted when I said those words to him. "Well, that would probably be alright. At least I could focus on my studies."
I was near the terminal for public utility vehicle when the rain suddenly poured. I felt that it was a bad premonition. I did not know whether or not I should laugh or weep of what I had been through. I am just thankful that I brought umbrella with me. Even though there is no shelter at least I would not get wet.
I looked around and saw a pregnant woman nearby who is looking for a shelter from the rain. I approached her and offered to stay under my umbrella. I asked her then what she is going to ride, she said she is heading to Balulang. We have different routes. A lot of jeepneys passed over us but I could still not leave her behind.
Upvoted. Mas mahaba pa sana ng konti.
Yun nga eh. Kaso nilimit nila ng 100-200 words. :/ Pero okay lang. Will write the full story on this one.