"Literaturang Filipino"; Kwentong Tagumpay

Ito ang entry ko sa patampalak ng @steemph.cebu.
maxresdefault.jpg
@source

Marami sa atin na ilang beses ng nabigo, napayuko at napaluha. Pero sa lahat ng pagsubok sa buhay lagi nating sinasabi "makakaya at malalagpasan ko din to" dahil ako'y matatag, matalino at maraming pangarap. Kahit na tayo'y madapa pero ito'y nagsilbing inspirasyon para unti unting tatayo at lalaban dahil sa mga pangarap di lang para sa sarili pero kasali ang buong pamilya na gusto nating mapagtayo ng bahay, bigyang maayos na buhay, para masuklian ang kabutihan habang tayo'y musmos pa lamang at kanilang inaalagaan. Iba't iba man ang klaseng ating napagdaanan pero parehas natin alam ang pakiramdam ng tagumpay.

Ito ang kwento ko bago nakamtan ang tagumpay, una sa lahat sino dito ang umibig o napa ibig ? para sa hindi pa nakaranas pumasok sa isang relasyon may ibabahagi lang ako kung anung pakiramdam pag may partner o karelasyon, una sa lahat syempre masaya, inspirado, laging nakangiti, may kinakapitan, mapagsabihan, karamay sa buhay at masarap mabuhay pero di lang naman ganyan parati syempre may pagsubok ding darating at hahamonin kung gaano ka tatag ang inyong pagsasamahan. Ganyan ang nangyari saking buhay pag ibig subra naming saya pero pandali an lang pala lahat biglang nagbago kaya di nagtagal naghiwalay din kami. Kaya sa subrang sakit di na alam ang gagawin ako'y stress at gusto lang magpakasaya at walang inaalala na sakit o sugat sa puso kaya nagrebel sa mga magulang at wala ng pinapakinggan. Sa mga pangyayari unti unti kung napagtanto kahit na bigo man ako sa pagibig may pamilya akong nag alalay at hindi pinabayaan kahit na ako'y nagkamali di nila ako tinalikuran. Kaya ako ngayon ay nag aaral ng mabuti at hinuhusayan para naman masukli an lahat ng pagkukulang, sa pamamagitan ng pagpasa bawat marka ko sila sinukli an.

Bigo man ako sa pagibig ng aking iniibig, tagumpay na walang hanggan na pagmamahal ng aking mga magulang.

spread the love,
@frellarong

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 67312.14
ETH 2623.47
USDT 1.00
SBD 2.69