Literaturang Filipino: Kwentong Tagumpay

in #literaturang-filipino7 years ago (edited)

FB_IMG_1519806638346.jpg

Ang Aking Tunay na Kwento

Bago pa man ako matapos ng hayskul, inabisohan na ako ng aking mga magulang na hindi nila kayang tustusan ang aking pag-aaral sa kolehiyo. Sa katunayan nga, ang aking nakatatandang kapatid ay naghanap nalang agad ng mapapasukan nang ito'y nagtapos ng hayskul.

Kaya inasahan ko na hindi ako makapag-eenrol sa pasukan. Ingit na ingit ako sa aking mga kaklase at kakilala na panay ang balita na magsisimula na sila sa Hunyo noong taong iyon.

Nagtrabaho ako bilang isang tindero sa pambublikong palengke sa siyudad ng Mandaue dahil pinangakoan ako ng aking Tiya Aurora na papaaralin sa susunod na semester. Ngunit tila ba nakalimutan na ng aking tiya ang pangakong ito, kaya tumigil ako sa pagtratrabaho doon at naghanap ng ibang pagkakataon upang makapag-aral sa kolehiyo.

Nabalitaan ko na ang aming kura-paroko ay nagpapa-aral ng mga iskolar kaya nakipagsapalaran ako. Gagawa pala siya ng grand choir sa simbahan at ang kanyang scholar ay dapat magseserbisyo bilang isa sa mga kasapi nito. Bagama't alam ko na ako ay wala sa tono, pumunta parin ako para mag-audition. Ngunit, gaya ng aking inaasahan, hindi ako nakuha bilang iskolar.

Naging mailap sa akin ang pagkakataon upang makapag-aral, kaya naranasan kong maging stambay. Tuwing sabado, inaanyayahan ako ng aking mga barkada na makipag-inuman. Siyempre dahil sa ako ay walang ginagawa, pumupunta naman ako at nakikipag-inuman sa kanila. Ngunit, sa ginagawa ko, lalo akong naingit sa kanila kasi sila ay nasa ikalawang taon na sa kolehiyo.

Mabuti nalang dahil sa aking pagtulong sa aking ina sa kanyang mga pinaglalaba, mayroong nag-alok sa akin na pag-aaralin ako, kapalit nito ay magtratrabaho ako sa kanya - taga-laba, taga-luto at taga-linis ng kanyang sasakyan. Hindi na ako nagdalawang isip, tinanggap ko agad ang kanyang alok.

Ngunit, nagbago ang isip nito. Sabi nya doon nalang daw ako sa probinsya nila mag-aaral, upang matulongan ko ang kanyang tumatanda ng ina sa gawaing bahay. Bagamat napakalayo ng Mandaue at Moalboal, tinanggap ko parin ang kanyang alok dahil sa gustong-gusto kong makapag-aral sa kolehiyo.

Pumunta ako ng Moalboal at doon ako ay kumuha ng kursong Education. Ngunit hindi parin nawala ang mga pait, kasi halatang hindi ako gusto ng ina ng nagpapaaral sa akin. Parati siyang galit sa akin at gusto niya na hindi ako tumitigil sa pagtratrabaho, at ayaw na ayaw niya na nakikita akong nagpapahinga o kaya'y ginagawa ang aking mga proyekto sa paaralan kahit pa natapos ko na ang aking mga gawain. Hindi ako nagtagal at umuwi nalang muli sa amin, dito sa Mandaue.

Dahil sa may ipon ako at naawa ang kapatid ko, tinulungan niya akong makapag-aral ng isa pang semester sa college. Kinuha ako ng aming PE Teacher upang gawing kasapi ng dance troupe ng CTU, ngunit dahil pawang kaliwa ang aking mga paa, hindi ko nakuha ang scholarship. Kaya tumigil ako matapos ang unang taon ko sa Education.

Namasukan na naman ako sa isang kompanya upang makapag-ipon at makapag-aral muli. Ngunit, kahit anong pilit ko, hindi parin ako nakapag-ipon.

May nabasa ako sa dyaryo na isang kwento. Kwento mula sa isang studyante na nakapagtapos dahil sa kanyang pagpupursige sa pag-aaral at pagtratrabaho sa isang fastfood chain.

FB_IMG_1519806631177.jpg

Kaya pinilit ko ang aking ina na pahiramin ako ng pera upang maka-pasa ako ng application letter sa Jollibee. Sa kabutihang palad natanggap naman ako.

Nagsumikap ako sa pag-aaral at sa pagtratrabaho upang maabot ang pinapangarap na diploma. Araw-araw, maaga akong bumabangon para mag-aral at sa madaling araw na umuuwi dahil hating-gabi na natatapos ang aking trabaho bilang isang crew. Tatlong taon kong pinaghirapan at pinagsikapan hanggang sa natapos ko ang aking pag-aaral. Lubos ang aking pasasalamat sa Panginoon dahil nakapagtapos ako na may meldayang natanggap.
FB_IMG_1519806688668.jpg

Sa sumunod na taon, nakapasok ako agad sa aking pinagtratrabahoan bilang isang Teacher 1. Ngayon, halos limang taon na ako na nasa serbisyo at Teacher 3 na.

Napakasarap lang na balikan ang tunay na kwento ng aking tagumpay kasi ito ay kuwento ng katatagan, pangarap at pagsusumikap.

Logopit_1519716196550.jpg

Sort:  

Very touching and inspiring story kabayan:)

Take some imaginary @teardrops (smart media tokens). You can read about these special tokens Here!!!

Maraming salamat po. Drama po talaga ang pinagdaanan ko... Pero, ganun paman di madaling sumuko ang Pilipino.

#LabanPilipinas

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 60379.35
ETH 2434.58
USDT 1.00
SBD 2.47