Literaturang Filipino : Si NadineMuñoz696

Mag- aalas dose na ng hating-gabi pero nakaonline pa rin ako sa Steemit ng araw na iyon. Nakakatuwa kasi yung mga tagalog blogs. Madalas ko ito gawin habang nakahiga sa kama hanggang makatulog.

163.jpg
pinagmulan

"Hello po Toto a.k.a. @tagalogtrail. Isa nyo po akong taga-hanga ", wika ng nag-dm sa akin sa discord.
Tinipa ko ang keypad ng cellphone para sumagot

Hi! Nadine, salamat ha. Nagalaan ko na ba ang akawnt mo sa Steemit? Hindi ka kasi pamilyar eh?
Anong username mo?

NadineMuñoz696 po Ka Toto. Alam nyo po matagal ko na kayong sinusundan

Wow naman. Salamat. May mga patimpalak kami ngayon. Pwede kang sumali.

O sige po

Nadine, alam mo parang maganda ka kaso sa display picture hindi makita ang kabuuan ng mukha mo eh. Natatakpan ng buhok mo tapos nakaside view ka pa. Baka naman pwede kang magpadala ng litrato sa akin. Ipasa mo lang dito sa discord.

Ay, nahihiya ako eh. Baka di mo na ako i-chat kapag nakita mo yung mukha ko.

Hindi ah hindi naman ako mapanghusga. O sige ganito. Dahil avatar lang naman din ang display picture ko, isesend ko rin sayo ang totoo kong mukha. Ok ba iyon?

Naku lugi ata ako dyan. Matagal na kitang nakita ng personal. Di mo lang ako pinapansin.

Ganun ba. Baka nga nameet na kita. Send mo na sa akin picture mo para maalala kita.

Ewan ba. Bakit bigla na lang nagflash yung camera ng cellphone ko. Nakakasilaw. Palibahasa 2 taon kasi kaya siguro nagloloko.

Toto, ito ang mukha ko oh.

Pinikit-pikit ko ang mata na nasisilaw pa dahil sa flash. Tinutukan ang larawan na pinadala ni NadineMuñoz696.

165.JPG

pinagmulan

pinagmulan

Natapon ko ang cellphone dahil ako yun na nasilaw sa flash at nasa tabi ko ang isang kagimbal-gimbal na mukha ng babae. Puro puti lang ang mata nito na may mga ugat ugat. Nakangiti pa sya.

Napabalikwas ako sa kama at muntik mahulog dahil sa nasaksihan.

Ngayon hindi ko alam kung saan ako matatakot. Dahil ba muntik na akong mahulog sa kama o dahil sa nakita ko o dahil may dalawang malamig na kamay na sumalo sa akin.

pinagmulan

Bilang ng salitang ginamit: 367
ito po ang aking entry sa patimpalak ng @steemph.cebu sa kanilang lingguhang maikling kwento na nakatema ngayon sa kababalaghan

Sort:  

Nyahaha ginamit mo pala pang contest ito. Grabe sya pinantakot mo muna sa akin. Ayan nag comment na ako ha.

hehehe. ang blog na ito ay dedicated para sa iyo ka Toto

Hahahaha kalerky ung pixur 😅 mahusay! Napatayo aq sa kinauupuan q!

salamat sa pagbisita @chinitacharmer.

Alin ba yung mas nakakatakot :yung makita mong may katabi ka pala, yung muntik ka na mahulog sa kama o may dalawang kamay na sumalo sayo kaya di ka nahulog :)

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 67321.51
ETH 3513.34
USDT 1.00
SBD 2.83