Literaturang Filipino: "Pagsubok Na Aking Nalampasan"
Ang kuwento na ipapamahagi ko sa inyo ay mula sa aking buhay noong nasa ikatlong taon ako sa hayskul. Isang araw noon ay inanyayahan ako ng aking guro sa ICT na sumali sa isang paligsahan patungkol sa pagbuo ng kompyuter at sa pag setup ng konfigurasyon nito upang makakonekta sa internet.
Isa itong paligsahan kung saan mahahasa ang kaalaman ng manlalahok sa tamang paraan ng pagaasembol ng isang konpyuter, isa sa mga kinakaylangan ay dapat kong isa alang alang ang sarili kong unit sap ag eensayo, kahit isang malaking sugal ang ginawa ko at may tiwala ako sa sarili ko na hindi ko masisira ang kompyuter ko, nagpursige ako na mag ensayo ng magensayo, sa tulong rin ng coach ko, isa sa mga paraan ng paghahanda ko noon ay ang paglinis at pag asembol ulit ng lahat ng kompyuter na nasa konpyuter laboratory namin, doon pa lamang ay nahirapan na ako dahil sa bigat ng gagawain na dapat kong malampasan.
Ngunit mula doon, hindi ako napghinaan ng loob hanggang sa dumating ang araw ng paligsahan. Ito ay ginanap sa Badian, isang lungsod sa probinsya ng Cebu. Ang paligsahan na ito ay nilalahokan ng lahat ng mga lungsod sa Cebu. Bilang taga representa sa lungsod ng Compostela, buo aking loob kahit isa lamang akong baguhan at wala masyadong experyensya sa ganitong kalaking patimpalak. Sa pagsisimula ng paligsahan ay nagdasal muna ako na sana ay gabayan ako ng poong maykapal sa aking tatahakin na kompetisyon.
Ang paligsahan ay may limit na apat na oras lamang upang matapos mong mabuo ang iyong kompyuter. Ang kompetisyon ay nahati sa tatlong parte, una ang pag asembol ng kompyuter, pangalawa ay ang pagnetwork at ang pangatlo at huli ay ang paginterview ng mga hurado sa iyong trabaho. Sa kinalabasan ng paligsahan, ikalawa ako sa natapos sa pag asembol at ng pagnetwork ng kompyuter nauna ang representante ng Badian na syang host ng kompetisyon, doon palamang ay napaghinaan na ako ng loob dahil nasa isip ko na hindi kona makakamit ang tagumpay ngunit sa ikatlong bahagi ng palisahan ay parang nanumbalik ang aking sigla at ginawa ko nalang lahat ng aking makakaya para masabi ko sa sarili ko na kahit hindi ako mananalo sa patimpalak na ito ay masaya parin ako na nagawa at nabigay ko ang buong kakayahan ko.
Sa kinalabasan ng kompetisyon, puno ng tensyon ang paligid ng nagsimula ng maganunsyo ng mga nanalo, alam ko sa isip ko na mahirap na makuha ko ang unang gantimpala dahil hindi ako ang nauna sa pagasembol at pagnetwork. At tinawag na nila ang ikatlong gantimpala, ito ay ang representante ng Consolacion, para sa ikalawang gantimpala ay ang representante mula sa Badian, at nung narining ko yun, tuwang tuwa ako sa sarili ko dahil alam kong ako na ang susunod dahil nalampasan ko ang kalahok ng Badian dahil sa aking kakayahan sa ikatlong bahagi ng patimpalak, at yun na nga tinawag na ako na syang naging kampyon ng patimpalak na mula sa lungsod ng Compostela.
(Pagbigay ng gantimpala ng aking pagkapanalo na natamo sa Badian, Cebu Philippines)
Salamat sa inyong pagbabasa, sana ay nagustuhan nyo ang aking maikling kuwento tungkol sa sarili ko. Naway maging inspirasyon ito na upang maging matagumpay ay kaylangan mong magsikap ng husto dahil hindi madali ang daan patungo sa iyong gustong landas.
Sa susunod muli, ang inyung lingkod,
@baa.steemit
This is good content.
Follow you, can you follow me, please?
thanks, oh sure no problem.
Paano kuya?
sa pagdadasal sa nasa itaas, pagpupursige at matinding pageensayo ay makakamit natin ang tagumpay.
Your Post Has Been Featured on @Resteemable!
Feature any Steemit post using resteemit.com!
How It Works:
1. Take Any Steemit URL
2. Erase
https://
3. Type
re
Get Featured Instantly � Featured Posts are voted every 2.4hrs
Join the Curation Team Here | Vote Resteemable for Witness
This post has received a 0.07 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.
This post has received a 35.17 % upvote from @whatsup thanks to: @baa.steemit.
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by baa.steemit from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.