Literaturang-Filipino - Paligsahan sa paggawa ng Maikling Kuwento. (Contest#2) "Ang ASO sa istasyon ng tren"

in #literaturang-filipino6 years ago (edited)

Literaturang-Filipino - Paligsahan sa paggawa ng Maikling Kuwento. (Contest#2)

hachi-a-dogs-tale-wallpaper.jpg

Ang kwentong ito ay hango sa tunay na pangyayari maraming panahon nang nakalipas. Ito ay tungkol sa isang aso na naghihintay sa kanyang amo sa istasyon ng tren.

ang kwento ay mula sa sarili kong bersyon

Noon ay may isang propesor na nakapulot ng isang tuta sa istasyon ng tren. Dahil sa awa niya sa malambing na tuta ay kanyang iniuwi ito sa kanilang bahay ng gabing iyon. Kinabukasan ay hinanap ng propesor ang may ari ng tuta ngunit siya ay bigo, kayat kahit hindi sang ayon ang kanyang asawa sa pag aala nito ay kanilang kinupkop ang malambing na tuta.Ito ay pinangalanang HACHIKO.

Lumipas ang panahon at lumaki si Hachi. Sa tuwing papasok sa trabaho ang propersor ay sumasama si Hachi ngunit sumasama lamang siya hanggang sa istasyon ng tren. Dahil sa araw araw na pag sama ni Hachi sa kanyang amo tuwing umaga, sanay na ang mga tao sa kanilang lugar sa aso. Minsan ay binibigyan nila ito ng pagkain dahil sila ay naaaliw dito. Pag sapit ng hapon ay nag aabang na si Hachi sa istasyon dahil alam niyang pauwi na ang kanyang amo. Alam niyang ito ay pauwi na galing sa trabaho. Isang mahigpit na yakap ang ibinibigay ng kanyang amo kay Hachi sa tuwing sasapit ang kanilang pagkikita. At masaya silang uuwi patungo sa kanilang tahanan.

Isang araw nang masayang ihatid ni Hachi ang kanyang amo sa istasyon ng tren at matiyaga niya itong hinintay pag sapit ng hapon. Ngunit walang senyales ng propesor. Hindi ito dumating. Lumipas ang gabi at wala parin ang kanyang hinihintay. Lingid sa kaalaman ni Hachi na pumanaw na pala ang mabait niyang amo. Lumipas ang maraming taon at araw araw siyang naghihintay sa istasyon ng tren at umaasang uuwi na ang kanyang mahal na amo. Kahit na sunduin siya ng asawa ng propesor upang iuwi sa kanilang bahay ay bumabalik parin ang naulilang si Hachi sa istasyon ng tren. Doon na siya tumanda. Umulan .umaraw o bumagsak man ang malamig na nyebe ay matiyaga parin siyang naghihintay. Hanggang sa binawian na rin ng buhay ang kawawang aso sa istasyon habang siya ay naghihintay.

Malamang ay nagkasama na muli sila sa langit ng kanyang mapagmahal na amo.DIto natatapos ang magandang kwento ni Hachiko.

hachiko.jpg

Pinagawa ng monumento si HACHIKO sa istasyon ng tren upang alalahanin ang kagitingan at pagmamahal ng isang aso sa kanyang amo. ITo ay makikita ngayon sa SHIBUYA STATION sa JAPAN.

ang mga imahe ay mula sa google (hindi ko alam paano ito illink ^_^)

airiesbrielle.png

Sort:  

This post has received a 0.20 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Thanks to @banjo

For upvoting my post

Why surpassinggoolge didnt upvote mypost

To have his kneecaps split, and his body burned away, and his limbs all hacked and mangled, brave Sir Robin.

my favorite author is you @banjo

Me too. The Wayside books were great.

Which is bigger between the sun and the moon.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 68523.63
ETH 3260.51
USDT 1.00
SBD 2.66