Literaturang Filipino pagbabago: MALI NG KAHAPON

12.jpg

Araw ng pagbibigayan, araw ng pagmamahalan,
Pilit kong nilalabanan ang aking kalungkutan,
Nakatitig sa belen at sa kawalan,
habang inaalala ang Paskong nagdaan

Akoy maagang namulat sa pag aasawa,
Pagkatapos ng high school ay may pamilya na,
Pinalaki ang sanggol na aking pinagdadala,
at namuhay kasama ng aking pamilya

Subsob sa trabaho para sa anak,
kinalimutan ang sarili pati na ang alak,
inaasam na kolehiyo ay hindi naganap,
pati regalo na aking hinahanap

Pagbabagong naganap ay aking tinanggap,
pati hamon ng buhay ay aking niyakap,
sa umagay nagtrabaho, sa gabi'y nagkolehiyo,
matustusan lang ang buhay na pinasok kong ito

Ang bawat araw ay biyaya na aking pinasasalamatan
sa ating Panginoon na hindi ko nalilimutan
buhay ko ma'y nabago at patuloy na babangon
upang maiwasto ang mali ng aking kapahon

airiesbrielle.png

Ang aking tula ay hango sa buhay ng aking kaibigan na sadyang aking hinahangaan dahil sa tibay at sipag na kanyang taglay..

sanay inyong nagustuhan ang tula na aking ginawa

(ang imahe ay mula sa google)

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 58503.45
ETH 2594.59
USDT 1.00
SBD 2.45