Mga Kwento Ni Lola Anle: BAKASYON (Part 2/2)

in #likhang-filipino6 years ago

Hello-hello again!!

Eto ulit ako para ipagpatuloy ang Mga Kwento Ni Lola Anle na pinamagatang Bakasyon. Para sa mga nakaligta sa unang parte, maari n'yong mabasa dito: Mga Kwento Ni Lola Anle: BAKASYON (Part 1/2)


Ang larawan ay pagmamay-ari ni StockSnap ng Pixabay

Ang BAKASYON ay kwento ng wagas na pagmamahal. Ito ay kwento ng magkakaibigang umuwi ng probinsya upang ipagdiwang ang kaarawan ng Kambal nilang kaibigan. Ngunit higit sa pagdiriwang, isang nakakatakot na lihim ng nakaraan ang nabunyag, gayun pama'y hindi natinag bagkos mas tumibay ang kanilang pagsasamahan dahil sa di inaasahang pangyayare.

Ito'y orihinal na pinamagatan kong TAMBAYAN, Saksi Sa Kanilang Samahan. Ngunit noong ito'y nalimbag sa aking blogspot account noong ika-isa ng Hulyo taong dalawang-libo't labing-isa, pinamagatan ko itong BAKASYON at nahati sa Siyam Na Kabanata.

twirl line.png

Pagpapatuloy...

Ika-limang Kabanata — Bakasyon: "Ang Katotohanan!"

....Nawalan ng malay si Myka sa sobrang lakas ng pagkakahampas niya sa dingding, patakbong lumapit si Brent sa minamahal at paiyak na niyakap si Myka ng malamang walang malay at duguan sa lakas ng hampas nito sa dingding....

Brent: Myka, Myka, Mayyy.... Wake up!!! Please, wake up Myka.. wake up!!!
Lyka: Mykaaaa......

Chelly: Ano na bang nangyayare diyan?
Gilbert: Andrei! Myka! Brent! Tol! Lyka, Drew!! Ano na bang nangyayare? Bakit hindi namin mabuksan ang pinto?
Mau: Hoy ano na ba, buksan nyo na!
....paiyak na sambit ng mga kasamang nag-aalala sa kung anong nangyayare sa loob....

Drew: Lyka, ano'ng nangyayare? Ano to? Bakit ganto?

Andrei: Lyka, what's happening nga ba? Tell me... What's going on?

Lyka: LOLO, TAMA NA PO!!
....paiyak na pagmamakaawa ni Lyka sa kanyang lolo, pagmamakaawang hindi lang para sa kanya kundi higit para sa kakambal at sa mga kaibigang nadadamay...
Lolo, parang awa nyo na po, tama na po!
Wala kaming kasalanan ni Myka, kinuha nyo na si Fyka, pati ba naman si Myka, pati ba naman ako? Maawan na po kayo please... nahihirapan na po kami.... Aaaaahhhh!!!!

...Isang boses ang naulinigan, nakakatakot, nakakakilabot.....

"Malaking kasalanan ang nagawa ng nanay mo! Namatay akong hindi siya npapatawad! Hindi ako matahimik ng dahil sa'kanya!
Unang-una hinayaan nýa akong mamatay ng hindi tinatanggap ang aking kapangyarihan at kaalaman, ang kanyang pinagmulan! Mas pinili niya'ng maging karaniwan sa mata ng tao at mamuhay sa ibang lugar at iwan ako! Hindi ako matatahimik hanggat hindi ako nakakaganti!"

Lyka: Lolo parang awa nyo na, alam kong pinagsisisihan ni Mamang ang nagawa niya. Alam kong.... aaaaahhhhh......

"TUMAHIMIK KA! Isa lang ang paraan upang kayoý makaligtas... mamili kayo,
....ang patayin ko kayo o ang isalin ko sa'nyo ang kaalaman ng ating lahi.
Nasa hustong gulang na kayo, panahon na upang buhayin ang dugong aswang na nananalaytay sa inyong pagkatao!"

Lyka: Lola, tama na po! Parang-awa nyo na!

"Mamili ka, nauubusan na ako ng oras!"

Lyka: Lo, ayoko! Ayoko po! Maawa kayo... Looo....

...biglang tumayo si Drew at wari moý nakikipag-usap sa hangin....

strong>Drew: Asan ka ba?! Magpakita ka! Isa kang duwag, walang awa, walang puso!!

"Manahimik ka! Hindi mo alam ang sinasabi mo! Gusto mo bang buhay mo ang kunin kong kapalit?"

Drew: Kung ýan amh makakapagpabago ng isip mo para lubayan ang mga apo mo, sige, pumapayag ako! Lumabas ka, magpakita ka!
Lyka: Wag lolo! Wag!! Drew parang awa mo na, ayokong madamay pa kayo, lalo na ikaw! Ito'ng dahilan kung bakit nagdadalwang isip kami ni Myka. Ito'ng kinatatakutan namin, Drew... wag, please... nakikiusap ako!
Drew: Kung iyon lang ang paraan upang maligtas kayo, Lyka, mahal kita, mahal na mahal, kahit ano ka pa, kahit sino ka pa!
Lyka: Pero Drew, ayokong mawala ka, mahal na mahal din kita!

"Hahahaha.... Manang-mana ka sa iyong ina! Mga suwail! Kayang-kayang ipagpalit ang kanyang tunay na katauhan sa ngalan ng pag-ibig...
Huwag kang atat binata, pagbibigyan ko ang nais mo!"

Lyka: Huwag! Huwag! Pumapayag na 'ko!!
Pumapayag na ako, tatanggapin ko na! Tatanggapin ko na.... 'wag mo lang siyang sasaktan... 'wag mo silang sasaktan... tama na.... tigilan na natin to... tinatanggap ko na!!
Drew: No!! Lyka No!! Hindi ako papayag! Ayoko!
Lyka: Ayokong madamay ka, hindi ko kaya....
Problema to ng pamilya namin...

"Mahusay na mag-isip, matalinong bata!"

Lyka: Pero meron akong kahilingan...

"Ano iyon, mahal kong apo?!"

Lyka: Huwag nyo na pong idamay si Myka.... Ako nalang!
Drew, Andrei: Lyka NO!
Andrei: Tama si Drew, Lyka! Huwag, parang awa mo na!

"Hindi maaari! Bunga rin siya ng kasuwailan ng iyong ina! Sa tuwing makikita ko siya, mabubuhay at mabubuhay ang galit ko!!!"

Lyka: Pero....

"HINDI!"

....Wala paring kaalam-alam sina Dong na nasa labas ng bahay sa nangyayare sa mga kaibigan. Wala namang maisip pang ibang paraan sina Gilbert upang makapasok sa loob ng silid upang matulungan ang mga kaibigang nasa panganib. Hanggang sa naalala nila ang mga kaibigang kasama ni Benito...

Chelly: Bert, sina Dong!
Mau, Gilbert: Oo, tama!
Gilbert: Tara, puntahan natin sila!

....Bago pa sila makalabas ay dumating na ang Mamang ng kambal....

Aimee: May sasakyang dumarating!
Benito: Sino kaya, wala namang dumarating ng gantong dis-oras ng gabi!
Dong: Aimee, si Mamang ba yun?
Lanie: Si Mamang nga!
Aimee: Mamang!!

Mamang: O, ano'ng ginagawa nyo dito? Dis-oras na ng gabi nasa labas pa kayo, delikado dito! Pumasok na kayo, halina kayo!
Aimee: Kasi sa...saa... loo...

Chelly: Mamang!?!?
....biglang nabuksan nila ang pinto....

Mamang: Grachelly, anong nangyayare? Bakit kayo nag-iiyakan? Ang mga anak ko?
Dong: Mamang sa loob, tara!
Gilbert: Dito tayo sa taas Mamang, ang kambal!
Mamang: Anong nangyare sa kambal ko?!?!

....Patakbong sumugod silang lahat sa itaas para malaman kung ano ba talaga ang nangyari subalit habang papalapit sila'y sobrang paghihirap ni Lyka habang nasasa bisig ng kanyang minamahal....

Mamang: Lykaaaaa.....

....biglang nagbukas ang pinto at natigilan ang lahat sa isang sigaw....

Brent: Mykaaaaa.......

"Mahal kong anak na walang dinulot sa'kin kundi paghihirap, sakit at dusa, sa wakas ay dumating ka na! Kanina pa kita iniintay! Halika't tingnan mo kung haano ko paghihigantihan ang kambal mo!"

Mamang: Tama na, papa! Manahimik ka na! Tigilan mo na kami, ang mga anak ko!
Brent: Mamang, si Myka nawawala...

....nagsipaglapitan ang mga kaibigan kina Lyka.....

Mamang: Ibalik mo'ng anak ko! Tigilan mo na kami! Nagmamakaawa ako papa, mga apo mo ang pinapahirapan mo... Tahimik na ang buhay namin... parang awa mo na, papa! Patawarin mo na ako! H'wag mon idamay ang mga bata, ako ang may kasalanan saýo! Kinuha mo na si Fyka, pabayaan mo na ang kambal ko! Nakikiusap ako... Papa, parang awa mo na...

....nagsusumamong pakiusap ng isang anak sa nasaktang ama.....

"Hindi mo inisip ýan, noon! Noong panahong inuna nýo pa ng Kiko'ng ýon ang pag-ibig! Ang pagtalikod sa akin bilang ama mo at ang pagsuway sa ating mga ninuno, ang pagsasalin at pananatili ng ating kultura ay isang malinaw na magtalikod sa ating lahi at alam mong walang lugar duon ang pagpapatawad. Inuna mo ang iyong kapakanan at hindi ang kinabukasan! Kaya ngayon, pagsisihan mo!"

Mamang: Papang, patawarin mo ako! Gagawin ko ang lahat mabawi ko lanng at 'wag ng madamay ang mga anak ko!

"Isuko moáng iyong sarili, palalayain ko'ng anak mo! Balang araw, ikaw ang maghihirap at mapipilitan mong isalin ang kaalaman mo!"

Lyka: Mamang huwag!
Mamang: Sige, pumapayag ako, pakawalan mo lang ang mga anak ko!
Lyka: Mamang, huwag po! Mamang!!!
....haguhol na protesta ng anak sa kanyang ina....

....Biglang bumagsak sa tabi ni Brent ang kanyang lihim na minamahal, si Myka....

Brent: Myka?!? Myka wake up!!
....masuyo niyang niyakap at ikinulong ang minamahal sa kanyang bisig upang maprotektahan sa kung ano man ang maaaring mangyare....

Lyka: Mamang!!!
Mamang: Lagi mong tatandaang ginawa ko ito hindi dahil gusto ko kundi dahil sa kaligtasan nyo ang uunahin ko! Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kapatid mo! Mahal na mahal ko kayo!
....masuyong niyakap at hinakan ang anak na umiiyak at tumututol sa gagawin niya....

Aaaahhhhhh......

Lyka: Mammmaaaannnggggg...............

Mamang: Aaahhhh!!! haaaaahhhhhh...... gggaaaaarrrrr....rrrrrrr!!!!

....Nag-iba ang anyo ng kanyang ina, nagmistulang hayop. Nababanat at nawawasak ang balat, tinutubuan ng maiitim, makakapat at mahahabang balahibo.... Malaking bibig, matatalim na ngipin, nangingintab na pangil, matiitilos na kuko at nanlilisik na talas ng mata....

Lubhang natakot ang anak at nabitawan ang ina sa kanyang bisig... Sa tabi ng nanay niya'y lumitaw ang isang matandang lalaki, payat at kulubot ang balat, maputi ang buhok at walang malay....

Maya-maya paý tumahimik ang paligid mapera lang sa impit ng hagulhol ng mga magkakaibigan... Nagsindi ang ilaw, nagliwanag ang paligid at nakita nila ang nkahandusay nilang lolo at mamang.

Nagkamalay si Myka sa bisig ni Brent, umiiyak na nilapitan ni Lyka si Myka......

Lyka: Myka....
Myka: Ate, anong nangyare?!
Ang, ang mamang?? Sino'ng matandang lalaki? A-anong nangyare kay mamang???
Lyka: Shhh.... magpahinga ka muna... ipapaliwanag ko sayo ang lahat mamaya....

twirl line.png

Ika-anim na Kabanata — Bakasyon: "Ang Kaarawan!"

....Lumiwanag na ang kalangitan, pasado-alas-sais na ng umaga, naidlip ang lahat sa sobrng pagod at takot.
Nagising si Lyka nang....

Manang Ason: Lyka, Lyka! Anong nangyare, hija?!
Lyka: Hah?! Manang Ason?
Manang Ason: Oo, ako nga. Ano'ng nangyare? Bakit ang gulo ng bahay? Bukas ang pinto at hindi nakakandado? Aka koý nanakawan na tayo kagabi. Bakit dito kayo natulog?
Ano'ng nangyare sa Mamang nyo? Veronica,,, Veronica... gising!
Mamang: Mmmm.... mmm.....
Lyka: Mamang.... Mamang, buhay ka, Mamang!!!

....niyakap ng mahigpit at hinalik-halikan ang knyang inang parang walang kalakas-lakas na kumilos....

Mamang: Huwag kang mag-alala, buhay ako! Si Myka?
Lyka: Ang, ang lolo, Mamang!
Mamang: Tahimik na siya! Wag ka ng mag-alala pa.

….nakangiting sambit sa anak na hanggang ngayo’y may bakas pa rin ng takot sa mga mata…

Mamang: Si Myka, Hija? Ang kapatid mo?
Lyka: Nakatulog po ng mahimbing, nawala narin ang kanyang mga sugat.
Manang Ason: Aba, ano ba’ng nangyare talaga, bakit hinahanap mo ang lolo mo? Sus maryosep ‘tong batang ito!
Magsibaba na nga kayo’t magsipaghanda, igayak at ilista ang mga bibilihin para sa handa mamayang gabi!
Happy Birthday, Kambal! Sya sige’t ako’y bababa na!
Lyka: Maraming salamat po, Manang Ason!

….Walang ilang saglit pa’y isa-isang nagising ang lahat. Wala naring naglakas ng loob na ungkatin ang nangyare kagabi, animo’y walang nangyare at normal lang ang lahat nang nasaksihan. Tahimik silang kumain ng sinangag na kanin, hotdog at itlog. Naghain din ng mainit na sopas na maraming nilagang itlog ng pugo na specialty ni Manang Ason.

Walang magtangkang basagin ang katahimikan hanggang sa….

Andrei: “Happy Birthday My-Ly!
Happy Birthday My-Ly!...

…at sabay-sabay silang umawit…
Happy Birthday…. Happy Birthday…
Happy Birthday My-Ly!!!”

….At napalitan ng saya, tawanan at ingay ang kaniya’y nakakabinging katahimikan.
Maya-maya pa’y naging abala na ang lahat sa paghahanda….

Myka: Mamang, ang sarap naman ng niluluto mo!
Mamang: Syempre, para sa inyo yan ni Lyka, sobrang mahal ko kayo, yan ang lagi nyong tatandaan, ok?!
My,Ly: Yes, Mamang!!!
I love you too….

….Alas-singko pa la’ng ay nagkakasiyahan na sila. Malakas na tugtugan, may mga nagsasayawan, nagkakantahan, nagkakainan.
S’yempre mawawala ba’ng mga mensahe para sa magkapatid, may mga naiyak sa mensahe ng bawat isa subalit ang tanging pumukas sa puso ng kambal ay ang mensaheng nagmula sa taong sobrang lapit sa puso nila….

Drew: Para sa “makulet” ng buhay ko, Lyka….
Sobrang dami na natin napagdaanan, may mga iyakan, nasaktan narin natin ang isa’t-isa pero kahit ano pa’ng mga nangyare, mahal kita… Mahal na mahal at mamahalin pa… Hindi ko mapapanghawakan kung ano’ng meron para sa’tin bukas, pero isa lang ang mapapangako ko, mamahalin kita ng tapat at hindi ko man mapapangako na hindi kita masasaktan pero hinding hindi ko naman hahayaan na masaktan kita ng sobra…
Mahal kita, “kahit” ano ka o sino ka pa…. Handa kong harapin kung ano man ang nakalaan sa’tin… Mahal kita, mahal na mahal!!

….naiyak si Lyka at niyakap niya ng mahigpit ang kasintahan. Tama nga si Mamang, dun nya malalaman kung gaano katapat ang pagmamahal ni Andrew sakanya, na “kahit” ano pa o sino pa siya’y handa n’yang tanggapin at mahalin ang totoong siya. Hindi na n’ya kailangan magkubli sa minamahal. Galak na galak ang kanyang kalooban, ito na ata ang pinakamagandang regalong natanggap niya sa buhay nya, hindi materyal na bagay kundi ang totoong pagmamahal, ang pagtanggap sa totoo n'yang pagkatao....

Brent: Myka, ikaw na ata ang pinakamaingay na babaeng nakilala ko, maarte at masungit. Kadamay ko kahit saan ulti mong panliligaw, taga pagbigay ng love letters, bulaklak at chocolate. Nasabi ko na ata sayo ang lahat ng tungkol sa'kin ngunit meron pa akong isang gustong sabihin subalit hindi ako mabigyan ng lakas ng loob upang sabihin sayo. Tuwing susubukan kong aminin ay pinangungunahan ako ng takot na baka lumayo ka at magalit.
Pero sa nasaksihan ko kagabi, hindi pala natin hawak ang mga oras, maaaring mawala sa isang iglap ang tao sa buhay mo at hindi ko hahayaang mawala ka sa'kin ng hindi ko manlang na aamin na...
Mahal na mahal kita.... yung mga sulat na pinapaabot ko sayo, para sayo yun, pero tuwing ibibigay ko sayo lagi mong ina-assume na para kay Charlotte yun. Yung flowers, natatandaan mo tinanong kita kung anong kulay ng rosas ang gusto mo, di mo ba napapansin na dilaw lang ang binibili ko, kase para sayo yun. Yung chocolate, sabi mo sa'kin "Favorite ko to.... sana sa'kin nalang!"
Nang sinabi kong, "sayo naman talaga yan eh!", ano'ng sagot mo, "weeehh? akina nga idadaan ko na sa classroom nina Charlotte, tutal papunta ako kina Lanie..."
Mahal kita Myka at kahit ano pa'ng maging reaksyon mo, tatanggapin ko.... ayoko na lang palampasin pa'ng araw na di ko nasasabi sayo... "Maha...

Myka: Tama na! Ang dami mong drama...
....naiinis na tono ngunit biglang ngumiti at umaliwalas ang mukha....
"Mahal din kita, noon pa!"

....Hindi makapaniwala si Brent sa narinig, ilang beses nýang pinaulit-ulit kay Myka ang mga katagang hindi niya inakalang maririnig sa minamahal. Mahigpit niyang niyakap ito at maluha-luhang tinitigan sa mata....

Brent: Hindi mo alam kung ga'no ako kasaya, ni hindi ko inasahan, mahal na mahal kita....

....Naiyak ang mga kabarkada nila dahil kahit silaý hindi nila alam ang nararamdaman ni Brent para kay Myka, maliban lamang kay Drew....

Andrei: "Tama na yan, inuman na!!!"
....at lahat ay nagsaya....

.....Mag-aalas-diyes na nang matapos ang kasiyahan, umakyat na ang magkakaibigan para makapag pahinga. Pasado alas-onse na ngunit hindi pa dalawin ng antok ang kambal....

Myka: Ate, masaya ako! Sobra!
Lyka: Ako din, Hindi ko alam na ganto'ng mangyayare, akala koý magkakahiwalay na talaga kami ni Drew.

....Nagbibiruan at nagtatawanan ang kambal nang nagulat sila at naputol ang kasiyahan sa narinig na tawag....

Lykaaaa.... Mykaaaaa....

Ly, My: si Caloy??!?

....Napagbuksan nila ang humihingal na si Caloy kasunod ang kapatid niyang si Corazon, pagod na pagod at animoý merong humahabol sa kanila....

Lyka: Oh Caloy, ate Corazon, napasugod kayo? Tuloy kayo, dis oras na ng gabi ah, 11:35 pm na!
Myka: Maay-may problema ba?
Bakit nga pala wala kayo kanina?
Corazon: Importante lang kaya kami napasugod kahit hating gabi na!
Ipinabibigay ito ng Inang bago siya namatay, ibigay ko daw bago sumapit ang ika-labing walong taon ninyo.
....isang puti ngunit gusgusing sobre sa kalumaan....
Ngunit hindi sa'kin ipinaalam ni Caloy na kayoý naririto, nabanggit la'ng niya ng nasa Dolores na kami kanina kaya dali-dali kaming bumalik!
Basahin nyo na, importante daw iyan!
Myka: Ano kaya ýan?!
Lyka: Ewan ko, basahin natin...

....binuksan nila ng dahan-dahan ang sobreng halos mapunit na sa kalumaan. Nakalakip ay isang dilaw na papel, liham mula kay Aling Maring. Halos mabura na ang nakasulat at mababakas na ang katagalan ng sulat....


Ika-12 ng Abril 2004
Alas-Onse-Singko ng gabi

Mahal kong kambal,

Mag-iingat kayo sa mga araw bago sumapit ang ika-labing walong kaarawan nýo. Hanggat maariý lumayo kayo at huwag ng babalik sa inyong tahanan dito sa Atimonan.

Lisanin nýo nala'ng at kalimutan kung hindi maý... susunod sa'kin sa araw ng inyong kaarawan!

Pangalagaan nýo ang inyong sarili, ayokong matulad kayo sa kapatid nyong si Fyka!

Nagmamahal,
Aling Maring


....naguluhan ang kambal at hindi nila alam ang gagawin....

Myka: Ate?!?
Lyka: Si Mamang! Puntahan natin si Mamang...

twirl line.png

Ika-Pitong Kabanata — Bakasyon: "Ang Lihim!"

....Dali-daling inakyat ng kambal ang silid ng kanilang Mamang at kumatok....

Lyka: Mamang.... Mamang, gising ka pa po ba?
Myka: Mamang.... Mamang....

....Nang walang tugon na narinig mula sa silid ay nagpatulong sila kina Caloy at Corazon na hanapin ang susi upang mabuksan ang kwarto ng kanilang Mamang....

Lyka: Saan kaya itinatago ang susi ng mga silid?
Corazon: Ang alam ko'y sa dulong kwarto sa kaliwa, duon itinatabi ang mga importanteng gamit dito sa bahay.

....Hindi nga nagkamali si Corazon, duon nila nahanap ang mga susi. Pagkalipas ng halos limang minuto'y nabuksan din nila ang silid....

Lyka: Mamaaaaannnggg!!!!


Ang larawan ay pagmamay-ari ni SoFuego ng Pixabay

....Napasigaw sa takot si Lyka, bumungad sa kanila ang duguan at walang malay na si Veronica....

Myka: Mammmaaaannngggg....
Maaaammmaaannngggg.... gumising ka, mammaaannnggg!!!
....paiyak na sigaw ni Myka habang papalapit sa nakahandusay na ina....

Natulala sina Corazon at Caloy, hindi nila alam ang gagawin.
Sa sobrang lakas ng iyakan ng kambal ay nagising ang kanilang mga kaibigan. Dumadagundong at umaagit-it ang sahig na kahoy dahil sa mga kaibigan nilang patakbong tumutungo sa kanila....

Drew: Anong nangyare kay Mamang??

....Lumapit si Brent kay Myka na nakayakap sa duguang ina at nakita niya ang puting papel na nakalapag sa sahig malapit sa kamay ni Veronica....

Brent: Myka, ano 'to?

....Katabi ng puting papel ay ang patalim na ginamit ni Veronica upang saktan ang sarili....

Myka: Ate, may sulat

....Nagmamadaling binuklat ni Lyka ang nkatuping papel, liham mula sa ina....


Mga Anak kong Mahal,

Patawarin ninyo ako sa pagiging duwag ko. Ayoko nang madamay pa kayo, tama ng hanggang sa'kin nalang! Ayoko ng isalin ang sumpa ng pamilya, ayoko ng pati kayo'y madamay pa.

Patawarin nyo ako sa gulong pinasok ko, ako ang dahilan kung bakit pati kayo ay nasaktan ng inyong Lolo. Mahal na mahal ko kayo kaya ko ito ginawa, mahal ko kayo ng sobra!

Huwag kayong mag-alala, hindi ko kayo pababayaan, babantayan ko kayo, parati lang akong nasa sa tabi n'yo. Huwag n'yo sana akong kamuhian dahil nagawa ko la'ng ang pagtalikod sa aking lahi dahil sa pagmamahal at ginawa ko ang pagbuwis ng aking buhay, dahil sa pagmamahal, pagmamahal sa inyo, Lyka at Myka.

Mga anak, meron akong ipagtatapat sa'nyo, itinago ko ito upang protektahan ang bawat isa sa'nyo. Mga anak ko, buhay ang ate Fy nyo! Nasa Maynila siya, sa tita Imelda nyo, kapatid ng inyong ama. Alam niya ang lahat at inaantay niya kayo.

213 Bonifacio Street, Hero Village, Quezon City
04-999-5136, tawagan n'yo agad siya pagdating nyo sa Maynila.

Patawarin nyo ako, mahal ko lang talaga kayo!

Nagmamahal,
Mamang


Myka: Ate, iniwan na tayo ng Mamang!
Lyka: Kailangan niyang gawin iyon, masakit pero kailangang tanggapin.

....Kinakalma ni Lyka ang kapatid kahit siya'y hindi matanggap ang katotohanang wala na ang kanilang Mamang. Masakit ngunit kailangan, napilitan lang ang ina na gawin iyon, alang-alang sa kanila.

Napag-usapang iburol lang ng isang magdamag at kinabukasa'y inilibing na nila't nagpasya na rin silang umuwi na ng Batangas....

Lyka: Manang Ason, aalis narin po kami para hindi po kami abutin ng dilim sa daan. Mahaba pa ho ang byahe.
Manang Ason: Hindi nyo na ba talaga maaaring ipagpabukas?
Benito: Oo nga Ly, gagabihin na kayo niyan.
Myka: Mahirap po atang magtagal pa kami dito, masyadong masakit ang mga pangyayare.
Manang Ason: O siya sige, kung hindi kayo mapipigilan ay wala akong magagawa, mag-iingat kayo ha!
Lyka: Oho, kayo rin ho!
Kayo na po'ng bahala dito sa bahay, baka po matagalan na ang aming pagbabalik, o baka hindi na!
Benito: O sige, basta 'wag naman kayong makakalimot tumawag dito, ha?
Myka: Ok, s'ya pano? Uuna na kami!
Benito, Caloy: Sige, mag-iingat kayo!
Boys: Sige mga pare, alis na kami!
Girls: Paalam, alis na ho kami Manang Ason! Maraming salamat po!
Andrei: Sige poh!
Lyka, tara na para hindi tayo masyadong gabihin!

....Nilisan nila ang Atimonan, iniwan ang lahat ng mapait na nangyare. Nagluluksa ma'y nagagalak parin silang malaman na buhay ang kanilang ate Fyka!

Sa sobrang bilis ng mga pangyayare'y parang walang maglakas ng loob na pag-usapan ang mga nangyare. Nakarating sila sa bahay nila sa Batanggas pasado alas-nuwebe na ng gabi at nagpasya ang magbabarkada na samahan na muna ang dalawa.

Hindi nila pinabayaan ang kambal, lalo na nina Brent at Drew....

Brent: Mahal kita, My... Mahal na mahal....
Myka: Brent, I'm sorry.... matapos ng lahat ng nangyare, hindi pa ata ako handang....
Brent: Shhhhh... 'wag ka ng magsalita, maghihintay ako... Kahit kailan!
Myka: Salamat sa pang-unawa!
Brent: Sige na, ipikit mo na ang mga mata mo, dito lang ako, hindi ako aalis...

...Nakatulog ng mahimbing ang kambal.

Kinabukasan, hindi na nag-aksaya pa ng panahon ang kambal, pinag-usapan agad nila kung pa'no nila makikita si Fyka. Si Brent at Drew ang sumama sa kambal upang tuntunin ang tirahan ng kanilang Tita Imelda....

Lyka: My, handa ka na bang makita si ate?!
Myka: Oo naman, gusto kong malaman kung anong pakiramdam ng kumpleto tayo! Eh, ikaw?
Lyka: Oo, pero natatakot ako'ng nae-excite! Ano kayang itsura nya?
Myka: S'yempre kamukha ko, maganda!
Lyka: Nyay! Mas kamukha ko sigurado yun, mas maganda kami kasi ikaw, latak ka na! Pang-huli kang inilabas eh!
Myka: Naku, ako nga ang pinakamaganda, kasi kayo, pinag-praktisan palang pano i-ire!

....KRRIIINNGGGGG.... KRRRIINNGGG.... KRRRIIINNGGGG....

Myka: Ako na'ng sasagot!
Hello?!
Andrei: Myks, san ang lakad?
Myka: Sa Maynila, hahanapin ang bahay ni tita Imelda, bakit?
Andrei: Pwede bang sumama? Sino ba'ng mga kasama, malay mo, ma-type-an ako ng ate mo, eh di, ok na! May partner na din ako!
Myka: Ulol, sige na! Sumama ka na, si Brent at Drew ang kasama namin.
Andrei: Yes, sige see you later!

twirl line.png

Ika-Walong Kabanata — Bakasyon: "Ang Pagtatagpo!"

....BEEEPP.... BEEEPPP..... BEEEEEPPP.....

Myka: Ate, and'yan na sila!
Lyka: Oo, pababa na ako!

....Pasado alas-nuwebe na nag umaga ng sila ay umalis at wala pang tanghalia'y narating na nila ang Quezon City. Nagtanong-tanong sila hanggang sa matunton ang Hero Village at Bonifacio Street....

Andrei: Baka ito na 'yun, 213 ung house number oh!
Myka: Ate, handa ka na ba?
Lyka: Andito na tayo, walang urungan ito!
Drew: Ok lang ba kayo? Gusto nyo itanong muna namin kung d'yan nga nakatira si tita Imelda?
Lyka: Ok lang, sabay-sabay tayong bababa, ako'ng magdo-doorbell.

....Ipinarada ng maayos ni Andrei ang sasakyan at bumaba silang lima.
Huminga ng malalim si Lyka bago nya ni-press ang doorbell....

...DIINNGGG-DOONNNGGG....

Yaya: Fay, si-sinoong kasama mo? Aahh,, Fay... ikaw ba 'yan? Bakit dalawa?

....nabungadan ni Yaya sina Lyka at Myka....

Lyka: Magandang tanghali po, ako po si Lyka, s'ya naman po si Myka.
And'yan po ba si Fyka o si Tita Imelda?
Yaya: Haa? Pap-pano nangyare??
Halikayo, pasok... pasok kayo, upo kayo at tatawagin ko...

....Maya-maya'y may babaeng mahaba ang buhok, mga nasa idad trentay-otso ang dumating mula sa kusina....

Tita Imelda: Lyka, Myka?
Sino sa'nyo si Lyka?
Lyka: Ako po tita,,,, Imelda?
Tita Imelda: Oo, ako nga. Naku, kamukhang-kamukha n'yo si Fay!
Halinga kayo't payakap...

....Mahigpit na nikayap ni Imelda ang kambal na sabik na sabik.

Napatingin ang lahat sa bumababang dalaga sa hagdan. Naka mini-skirt, spaghetti top na yellow at sandals. Mala-porselana ang kutis, mahaba ang buhok at matangkad, maganda at di maiapagkakailang siya nga si Fyka. Kamukhang-kamukha siya nina Lyka at Myka....

Myka: A-aate Fy?
Fyka: Lyka o Myka?

....Patakbong niyakap ni Myka si Fyka, gayun din si Lyka, napaluha si Fyka dahil sa wakas nakita rin niya ang mga kapatid na matagal na niyang gustong mayakap....

Fyka: Thank you God! Natupad din ang hiling ko!
Lyka: Ang saya-saya ko!
Myka: Salamat po...
Fyka: Teka, ang Mamang?!

....Malungkot na ikinuwento ng dalawa ang mga nagyari na naging dahilan ng tuluyang pagbagsak ng kanilang mga luha....

Fyka: Kaya pala, kaya pala parang nagpapaalam si Mamang bago sya pumuntang Atimonan.

...Malungkot na bigkas ni Fyka...

Lyka: Si Mamang ang nagsabi sa'min ng address mo, nag-iwan siya ng sulat.

....Mahabang oaras ang ginugol ng magkakapatid sa kwentuhan kaya inabot na sila ng takip-silim....

Lyka: Naku ate Fy, ginabi na kami. Kailangan na naming umuwi at mahirap umagahin sa daan, traffic pa naman sa byahe.
Fyka: Bakit, sa Atimonan pa ba kayo uuwi?
Myka: Hindi, ibinilin na namain kay Manang Ason ang tungkol sa bahay duon.
Fyka: Saan na kayo ngayon, sa Batangas?
Lyka: Oo, tska yung mga kasama namin, sobrang abala na'ng nagawa namin.
Fyka: Oo nga! Malaking abala na pero ni hindi nyo pa manlang sila naipapakilala, paalis na kayo't lahat!
Lyka: Ay pasensya na, natuwa lang kami masyado ng makita ka!
Myka: Sorry, masyado kasi kaming nasabik sayo, nakalimutan tuloy namin sila!
Lyka: Naku, pasenya na kayo
Andrei: Ok lang!
Sya nga pala, Fyka, right? I'm Andrei!
Eto naman si Drew...
Drew: Hi!
Fyka: Hello!
Andrei: Boyfriend siya ni Lyka!
Eto naman si Brent...
Brent: Nice meeting you!
Fyka: Same here!
Andrei: Magiging boyfriend na'yan ni Myka!
Myka: Sobra ka naman!
Andrei: 'wag na sila, di na sila available! hehehehe...
Ako nalang, wink
Cute.... Single... and Available...
Phone call away, kahit nasa Batangas ako patatakbuhin ko ng 180kph ang sasakyan ko, mabilis lang na makarating sayo! Ganun ka ka-special!

....At sabay-sabay silang nagkatawanan, pati si tita Imelda....

Fyka: Naku, mukhang ma-humor 'tong kaibigan nyo! T'yak magkakasundo tayo!
Andrei: Talaga?! Yes!
Ok, pag kailangan mo ng kausap, text mo lang ako't tatawagan kita. Save mo'ng number ko, 09165997143...
Lyka: Abs ka talaga, puro ka biro!
Myka: Ate, pasensya ka na ha, ganyan lang talaga yan!
Fyka: Ok lang, don't worry!
Andrei: Hey, seryoso ako ha! Kunin ko na'ng number ko.
O kaya, number mo nalang kunin ko, tatawagan kita!
Fyka: Oo na, sige mamaya!
Andrei: Yes!
Lyka: O sige na, tama na! gabi na!
Baka abutin kami ng umaga!
Tita Imelda: Bakit hindi dito nalang kayo matulog at bukas na umuwi?
Myka: Naku, salamat po tita, pero baka mag-alala si Manang Yolley, yun pong kasama namin sa bahay.
Lyka: Tsaka po nakakahiya na sa mga tita, yun pong nanay ng mga kasama namin, ang paalam po namin uuwi rin kami ngayon.
Tita Imelda: Ah ganun ba, o sige, mag-iingat kayo ha!
Fyka: Pwede bang sumama? Gusto kong makita'ng luar nyo!
Myka: Ha, pero baka kung anong mangyare pag nalaman ng angkan nating buhay ka!
Fyka: Pero tulad ng sabi nyo, tapos na, nakapaghiganti na'ng lolo. Tinapos na ng Mamang!
Lyka: Oo nga pero, di ba delikado?
Andrei: Walang problema, di naman namin kayo pababayaan noh!
Fyka: Sige na, tita Imelda... tita Mel.... pleaseeee....
Tita Imelda: O sige! Papayag ako, pero... Kasama ako!
Lyka: Yeeyy!! Sige po!
Tita Imelda: At pagbalik natin, kasama ko na kayong tatlo!
Dito na kayo sa puder ko, dito na kayo mag-aaral, ok?
Myka: Talaga po?
Fyka: Oo, yun ang sinabi ko kay Mamang na inimumungkahi ni tita Mel sa kanya noon pa!
Andrei: Tamang tama, halos lahat sa tropa dito sa Maynila magkokolehiyo!
Brent: Magkakasama prin tayo!
Drew: At madaragdagan pa, yun ay kung gusto ni Fy!
Fyka: Oo, Oo... Wala kase akong friends dito eh, kaya school, bahay, school lang ako!
Myka: Yess!!
Tita Imelda: Eh ako ba, pwede pa ba ako?
Lyka: Why not tita!
Pero bago ka makapasok sa tropa namin, may pinapagawa kami eh!
Fyka: Walang problema!
Tita Imelda: Siya sige na, maggayak ka na't aalis na tayo...

....Wala pang kalahating oras ay tapos na silang mag-ayos ng gamit nila. Maya-maya pa'y umalis na sila, halos 4 na oras din silang nagbyahe. Sa sobrang pagod ay nagsitulog na't napag-usapan na bukas nalang sila magkita-kita....

twirl line.png

Ika-Siyam na Kabanata — Bakasyon: "Walang iwanan!"

Lanie: Yun talagang kambal laging late!
Aimee: Tatlo na sila!

Chelly: Lyks!
Lyka: Hello, pasensya na...
Lanie, Mau: Late na naman kami...

....At nagtawanan ang lahat....

Myka: Guys, si ate Fyka!
Mau: Wow, ang ganda! Mas maganda sa'nyo!
Lyka: Tse!
Ate Fyka, si Aimee, Lanie, Chelly, Mau, Gilbert, Dong at yung tatlong itlog na kasama natin kagabi.
Andrei: I'm Andrei, I'm glad to meet you!
Fyka: Loko!

....Nag-usap-usap ang tropa kung ano'ng ipapagawa nila kay Fyka para makasali sa grupo...

Andrei: Alam ko na!
Mau, Chelly: Yung pinagawa nyo sakin?
Dong, Aimee: Tama!

....Kinabukasan....

Fyka: Mga bata, ako si ate Fyka
Bata 1: Ikaw si ate Lyka eh!
Bata 2: Hindi, si ate Myka!
Myka: Igo, Michael... si ate Fyka yan, kakambal din namin ni ate Lyka....
Igo: Pano nangyare yun?
Lyka: Simple lang... magkakapatid kaming lahat... :)
Nica: Triplet kayo?
Fyka: Tamaa!
Nica: Eh di ate Lyka, apat na tayo?
Fyka: Basta ba, payag kang maging ate mo ako eh!
Nica: Opo! Si ate Fyka, ate Lyka, ate Myka at Nica!
Fyka: O sige, ako ang magiging guro nyo sa tatlong araw, payag ba kayo?
Mga Bata: Opo...
Fyka: Ok, may kwento ako, gusto nyo?

Igo: Sige... sigee...

....Matamang nakikinig ang mga bata kay teacher Fyka. Nakalipas ang 3 araw at nagustuhan siya ng mga bata. Sa araw-araw ay nadadagdagan ang bilang ng maga batang nakikinig at gustong matuto. Nakuha ni Fyka ang 49 na bilang na higit pa sa napag-usapan nilang at least 30 students, kaya nakapasok na siya sa Tropa ng kakambal.

Bago magpasukan, lumuwas na sila ng Manila. Si Brent, Drew, Andrei at Dong ay nakakuha ng boarding-house na malapit sa magkakapatid. Si Aimee, Lanie, Chelly at Mau ay kumuha rin ng boarding house na sa kabilang kalye ng boarding house nina Brent Samantalang si Gilbert ay napahiwalay dahil sa tita nýa sa Maynila siya tumira, pero kahit ganoon, kahit magkakaiba ng course at school na pinapasukan, sinisigurado nilang nagkikita-kita parin sila at may "quality time" para sa barkada.

Tuwing Huwebes ng hapon, sama-sama silang umuuwi sa Batangas gamit ang sasakyan nina Brent, Andrei at Gilbert.Tuwing Biyernes ng gabi o Sabado ng madaling araw ay bumabyahe sila pabalik ng Manila dahil pumapasok sila ng Sabado. Gumi-gimik ang barkada paminsan-minsan tuwing Sabado ng gabi.

Pinag-uusapan nila ang schedule na kukunin para sabay-sabay ang oras ng bakante nila.

Masayang-masaya ang lahat dahil dumaan na ang isang taon nila sa kolehiyoý sila parin ang magkakasama, sila prin ang magkakaibigan at sinisigurado parin nilang may panahon sila sa bawat isa... magkakadamay sa lahat ng oras... walang iwanan....

Aimee: Yan ang tropa natin!
Lanie: Walang iwanan!
Brent, Drew: Tropa habang buhay!
Andrei: Hanggang sa kamatayan!
Fy, Ly, My: Maging sa kabilang buhay!
Chelly, Gilbert: Kasama natin si Batman!
Dong, Mau: Kakain tayo ng suman!
Aimee: Sa paburito nating....
All: TAMBAYAN!!!


Ang larawan ay pagmamay-ari ni paulbr75 ng Pixabay</sup

twirl line.png


Ang kwentong ito'y unang nalimbag sa aking blogspot account: http://aldevangelista.blogspot.com/ noong Biyernes, ika-isa ng Hulyo taong Dalawang Libo at Labing-isa

Proof.png


Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64386.10
ETH 3142.17
USDT 1.00
SBD 3.98