Mga Daan Sa Buhay

in #life6 years ago

Minsan ang buhay ay hindi mo maintindihan
Nakakalito kung ano ang daang tatahakin
Minsan akala mo iyon na ang tamang daan
Minsan akala mo iyon na ang tamang desisyon
Hindi pala, dahil sa mga daan na iyon at may mga pagsubok.

Pagsubok na minsan ay mabigat at hindi mo na kayang pasanin
Hindi mo na kayang buhatin at hindi mo na kayang ipagpatuloy pa
Dahil sa daming balakid na nakaharang
Minsan gusto mo ng tumigil ay umayaw
Nakaka pang hina at wala kang magawa
Kundi ang lumuhod o umiyak

Bangon kapatid, lahat tayo ay may mga sariling pagsubok sa buhay
Hindi ka nag-iisa, kung ano mang daaan ang iyong tinatahak
Ipagpatuloy mo lang iyan, talunan lang ang sumusuko sabi nga nila
Walang daan na perpekto, magpasalamat ka sa daan na yan
Dahil yan ang nagpatibay sayo kung sino ka ngayon
Habang may buhay may pag asa, basta lumaban at manalig ka lang.

Keep shining everyone.

Gratefuvibes Discord Channel https://discord.gg/ckGqMG

Yours truly,
The village girl @sunnylife
Thansk Papa bear for the footer:)

Sort:  

Minsan, nung inakala mong naligaw ka na at lahat, doon mo lang mapagtatanto na kung saan ka napadpad ay kung saan ka pala nararapat mapunta. Hindi porke't nagkaroon ka ng maling liku sa buhay ibig sabihin ay hindi na maaring tumahak ng tama at maayos na landas. Salamat sa paalala sis! GOD BLESS palagi.
#up-gage

Posted using Partiko Android

I expect next summer to be eager

go lang ng go sis , laban tayo! hehe , love the photo

you've been recommended on my #up-gage challenge by @filnette

Love the picture.
Great shot, dear friend.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 60482.94
ETH 2613.04
USDT 1.00
SBD 2.63