Gamitin Ang Payong Kahit Hindi Umuulan

in #life6 years ago

Kahit hindi pala umuulan mas mabuting protektahan ang iyong sarili
Kahit pala hindi umuulan, kailangang handa ka sa darating na pagsubok sa buhay
Umulan man o hindi, mas maganda pala na palagi kang may payong na dala
Bakit payong? Para hindi lang mabasa sa ulan, para hindi ikaw maanbunan
Madampian ng isang maliit na patak ng ulan o magkasakit.

May mga ulan na mahirap saluhin
May mga ulan na matindi ang hagupit
Akala mo patak lang, hindi pala maari ka nitong lunurin
Maari ka nitong hilahin para hindi ka makabangon sa pagkakadapa.

Hindi masamang mangpayong kahit hindi umuulan
Para protektahan mo ang iyong isip at kalooban
Sa mga negatibong bagay na pumapatak dahan dahan
Maari mo syang saluhin gamit ang payong kahit walang ambon.

Hindi masama ang maulanan basta alam mong saluhin ang ulan
Gamitin ang payong kung kinakailangan
Para hindi ka makontamida ang iyong buhay sa mga negatibong bagay
At higit sa lahat ay ang mabisang proteksyon ay ang dasal.

Keep shining everyone.

Gratefuvibes Discord Channel https://discord.gg/ckGqMG

Yours truly,
The village girl @sunnylife

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63438.65
ETH 2632.46
USDT 1.00
SBD 2.75