Hugot nga ba sa Araw ng Mga Puso? ❤️

in #life6 years ago (edited)

Isang maaraw at katamtamang lamig ng panahon na Miyerkules, mga kaibigan. :-) Ngayon ay isang napakaespesyal na araw sa ating lahat, lalo na sa mga may minamahal at iniirog na kasintahan, kabiyak, kasama, kapartner at kahit ano pa yan, araw ito ng mga puso. :-) ❤️

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

Maaaring kayo ay nagtataka kung bakit ito ang larawang aking napili para sa aking simpleng pagbati ng Araw ng mga Puso sa inyong lahat. Ito po ay kuha ko sa loob ng isang hindi pampasaherong bus. Mangyari po ay dala na naman ng aking simpleng katangahan minsan. Hindi ko nabasa ang "REAL" sa gilid ng bus, huli na ng malaman kong ito pala ay hindi pampasaherong bus. Nadala po ako sa pagmamadali ng aking panganay na anak (Chauncey). Mangyari po kasi ay siya po ang lider sa kanilang performance task sa paaralan at ayaw ko po syang mahuli sa kanilang tagpuan sa pag papraktis ng kanilang gagawing palabas.

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

At ayaw po talagang makisama nong isa pang dilag sa aming gitna (Carleign Seth). Bahagya po akong kinabahan dahil kami lang pong tatlong mag-iina ang pasahero ng bus na ito. Natakot po ako baka hindi po kami makarating sa aming uuwian. Galing po kami ng Bacnotan, umaga po yan at kasalukuyan pong tumatakbo sa katamtamang bilis. Nagdasal po ako at kinunan ko ng litrato ang kalooban ng bus. Mangyari po kasi ay nakaisip po ako ng kaunting hugot patungkol po sa mga upuan.

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

Ito ang karaniwang anyo ng loob ng isang bus, meron upuang pang dalawahan, isahan at pang maramihan sa may bandang likod. Dahil po dito ay nagkakaroon po ng kaunting diskriminasyon patungkol po sa mga single sa buhay (kawawa laging sila ang tampulan ng ganitong mga pagkakataon).

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

Itong pang isahan na upuan ay para daw po sa mga single, mga mag-isa sa buhay, walang kasama, ka partner, o kahit ano pa man. Napahugot tuloy ako habang kinukuhanan ko itong mga larawang ito. Mabuti na lang pala at ako ay pinagpala ng Diyos ng 2 mga butihing anak at nakasama ko sila sa upuang pang dalawahan. Hindi man kami buo sa mga panahon ngayon, masasabi kong masaya ako at nandiyan sila nakakasama kong umuukopa sa mga upuhang pandalawahan. :-)

Sa may bandang likuran naman kung saan kasya ang apat hanggang limang katao, masasabi ko pong yon ang pinakamasayang upuan dahil marami kayong makakasama sa pagtawa, pagkukwentuhan at pang-uukray sa mga kapwa pasahero kung kinakailangan. :-D hahahaha ukray talaga! Marami po kayong magsasalo sa paggawa ng mga kwento sa bawat pasaherong sasakay at bababa. :-) Mga kaibigang kasama mo na sa halos lahat ng pinagdaanan mo sa buhay. :-)

Bago po matapos itong aking kaunting hugot sa araw ng mga puso, ako po ay nagpapasalamat sa Diyos dahil mabait po ang drayber, hindi po niya kami siningil ng pamasahe. At hindi lang po iyan, pinarahahn din po niya kami ng pampasaherong jeep papuntang San Fernando, La Union dito po sa may bandang San Juan, La Union na niya kami ibinaba. Ang bait lang din po ng drayber na ito. Hindi po siya paasa kagaya ng karamihan. :-)

Sa susunod na tayo ay sasakay ng bus, siguraduhing ito ay pampasaherong bus talaga hahahaha at kasama natin ang ating mga mahal sa buhay para makaupo tayo sa pandalawahan, o kaya naman mga kaibigang tunay para makaupo tayo sa pang maramihan sa bandang likod, makapagkwentuhan at malibang tayo sa ating medyo mahabang biyahe. :-) ❤️ Iwasan na lang po natin ang mag-ingay para sa mga nananahimik na pasaherong nakaupo sa mga pang-isahan. :-)

Happy Valentine's Day :-) ❤️

I am @sashley a.k.a. shirleynpenalosa, a recipient of God's love, mercy and grace. ❤️

Have a blessed L❤️ve Month 2018 everyone :-)❤️

I am forever grateful to God every day of my life for giving me everything that I need and praise Him all the more for not giving me everything I want. To God be all the honor, praise and glory ❤️ :-)

@surpassinggoogle is such a generous person and has a very big heart for all of us here. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.


(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

@paradise-found is a wonderful person, a very humble and generous encourager, let us also support him by voting and typing in "gratefulvibes" at the search box


(Photo credits: mam @sunnylife)

Other good witnesses to recommend:

@yabapmatt
@teamsteem
@bayanihan
@jerrybanfield
@hr1
@acidyo
@blocktrades
@curie
@cloh76.witness
@rcarter.witness
@reggaemuffin
@arcange

They need our support

Sort:  

hapy valentines sis!
Have a good one.
God bless!

Happy valentines mam @sunnylife :-) God bless you and your wonderful family <3

Hehehe.. okay lang yan ate ang importante safe kayo at nakarating kayo sa pupuntahan nyo kasama mga cute na kids...Happy Valentines! 😊😊

hehehe oo nga ading thank you &Happy Valentines <3

Ang saya ng paglalakbay nyo po ma'am libre na may nagawa pa kayong idea sa pagsusulat. ;) Saan po ba yang Real, Quezon po? May nabanggit din kayong San Fernando, ang alam ko ibang province na po yon. Nalilito lang po ko hehe. Nung nag wowork pa po ko, yung service namin laging kaming agawan sa single na upuan hehe

salamat po sir na edit ko na po. La Union province po kami sir :-) God bless & happy valentines po :-)

Happy Valentine's Day, @vegasgambler :-) thank you & God bless :-)

Happy Valentine's Day sis :)

Happy Valentine's Day sis ingat ka lagi God bless <3

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59876.72
ETH 3191.77
USDT 1.00
SBD 2.43