Halaga ng Isang Tunay na Kaibigan :-)❤️

in #life6 years ago (edited)

Sadyang napakahirap din pala talaga kapag ikaw na mismo ang nakakaranas ng matitinding pagsubok sa buhay. Ito ay isang simpleng talinghaga na nahubaran ng katotohana dahil sa kasalukuyan ay aking nadarama. Madalas kong sabihin (minsan sa pamamagitan ng text messages) sa aking mga kaibigan na tuloy lang ang buhay. Huwag bibitaw, huwag titigil at huwag magpapatalo. Ramdam ko bawat bigkas ng mga salita niya nong ako ay kaniyang kausapin at mag lahad ng kaniyang mga pinagdadaanang pagsubok. Nakikinig lang ako at dinadama ko bawat sakit na kaniyang bigkasin. Hindi naman kasi kami nagkakalayo ng pinagdaanan. Halos parehas lang at minsan parang napagdaanan ko na din yon sinasabi nya. At bilang isang kaibigan, tungkulin kong maging tapat sa aking pagbibigay ng payo, lalo na kung ito ay kanyang hinihingi. At kahit hindi nya ito hingin, minsan ramdam ko na kailangan nya ng payo. Hindi naman sa minamaliit ko ang suliranin niya kumpara sa mga pinagdaanan ko. Ang sa akin lang, pinapahalagahan ko siya bilang kaibigan ko at nais ko lang na mapabuti ang kanyang kalagayan. Kaya naman kahit ako mismo ay dumadaan sa isang mabigat na pagsubok, ginagawa ko ang lahat upang maging epektibo akong halimbawa sa kanyang pagharap sa mga suliranin niya. Minsan kailangan ko ding magkunwaring malakas, masaya at walang dinaramdam upang siya ay mahawa sa aking positibong awra. Sa ganitong paraan, mas nagiging epektibo akong makumbinse siya na gawin ang aking mga payo. At bilang kaibigan naman niya, sinisiguro ko naman na ang payong binibigay ko ay naayon at alinsunod sa batas ng Diyos at tao. Higit pa diyan, ay nasubukan ko mismo. Sabi nga nila, hindi mo maibibigay ang bagay na wala ka. Tanging ang meron ka lang ang kaya mong ibigay. :-)❤️

Isang maulap na hapon sa inyong lahat, steemians! :-)

San Fernando City, La Union
January 30, 2018

Sort:  

really nice motivative speech
carry on dear
i want to work with you together

thank you for dropping by :-)

most welcome dear
follow me & upvote please

ako poy sumasang ayon sa mga sinabi mo ate, nararapat lng na tulungan ang isang kaibigan dahil sila rin ay mahalaga sa atin ngunit naniniwala po ako na hnd lang jan nasusukat ang pagiging tunay na magkaibigan. may mga tao kasi na kaibigan lang ang tingin sau pag kaylangan nila tulong mo at pag hnd mo naibigay ang tulong na hinihingi, jusko po patawarin nyo dahil halos isumpa ka na dhil dun. pero pray for them nlng db manang?

ay hahaha wen ading tumpak :-D

wow na wow mam pak na pak. hehhe

ganern bwhahahaha :-D

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60268.51
ETH 3201.96
USDT 1.00
SBD 2.43