💚Andito Lang Ako💚 (Maikling Kwento)🥰😁 part 8

in #life5 years ago

Nakakalungkot at napakasaklap na bangungot ang nangyari kay Inday. Parte na pag momoved on niya ay binalikan niya ang kanyang first love --> ang pagsusulat. 5 taon na rin ang lumipas mula noon. Salamat sa Diyos dahil nakamit din ng pamilya Supera ang hustisya. Nahuli at nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang pumatay kay Vincent. Isa sa mga may lihim na galit at inggit sa kanya. Kapwa niya ito contractor. Naipagbili naman ni Inday ang kanilang house and lot at ginamit na lamang niya ang perang napagbentahan para magpatayo ng simpleng negosyo. Nagpundar siya ng isang sari-sari store kasi request nila Aling Amelia at Mang Ricky sa kanya. Gusto nila ng may pinagkakaabalahan lalo na at wala pa naman silang mga apo. Patuloy siya sa pagtatrabaho bilang cpa sa law firm na pinapasukan niya.

"Hwag kang mawawala sa kasal ko ha?" Punung puno ng kilig na pagpapaalala ni Irene kay Inday. "Oo naman! Di pwedeng mawala ang maid of honor mo bruha!" Masayang sambit niya sa kaibigan. Isang masaya at napakasolemn na seremonyas ang garden wedding ni Irene at Engr. Alvin Naron. Masayang masaya ang lahat ng dumalo. Napapangiti si Irene nang iabot niya ang kanyang bouquet sa bestfriend. "Ano ba binalik mo lang sa akin ha ang binigay ko sa iyo 5 years ago!" Natatawa ngunit maluha-luhang reaksyon ni Inday habang inaabot ang napakagandang bouquet ng kaibigan. Niyakap siya ni Irene. "Alam mo frenship hindi pa tapos ang love story mo. Remember hindi mo pa tapos ang tula." May kung anong kilig na tugon ni Irene sa kaibigan. "Ganon! Hahaha at sino naman kaya ang maswerteng lalaki ang magkakagusto sa byudang tulad ko hahahah!" Sabay hampas sa kaibigan. Parang exchange gift lang talaga. Si Inday ang emcee sa program ng kasal ni Irene. After ng masayang program nagpaalam na ang mag-asawa. Papunta sila ng Maldives para doon maghoneymoon. Nagyakap ng mahigpit ang magkaibigan at napaluha ang dalawa. "Basta kahit misis na ako ni sir natin walang magbabago sa atin ha Inday?" Nangingilid ang luha ni Irene. Pinunasan iyon ni Inday at sinabayan ng isang mahigpit na yakap. "Wala pong magbabago ate."

Pauwi na siya nang biglang may isang magarang sasakyan ang biglang tumigil sa harap niya. Nagulat siya ng hindi naman iyon umaalis na. Then biglang nagbaba ng salamin ang bintana. Bumungad ang napaka gwapong lalake para kay Inday. OMG! Siya na nga ba ito! Ang gwapo a bagay na bagay pala sa kanya ang clean cut! At ambango talaga niyang tignan huh! Snap out of it Inday! Ano ka kabit! May asawa na siya ano! "Uy! Inday! What a small world! Anong ginagawa mo dito?" As usual nakangisi na naman si Norman na pawang mang aasar lang ang peg. "Pauwi na ako Norman. Naghatid lang kina Irene at Sir Alvin. On the way na sila ngayon sa Maldives para sa honeymoon nila." Ewan ba kung bakit napaka kumpleto at detalyado lagi sagot nito sa binata. "Ay ganon ba? So sila pala ang nagkatuluyan. Akala ko kayo kasi ikaw yong patay na patay don di ba?" Nakakunot noo nitong halos di pa rin makapaniwala. "Maraming namamatay sa maling akala Norman." Malumanay nitong sagot saka humakbang papalayo. Ambilis lang din ng mga pangyayari. Hindi na niya halos namalayan na nakalabas na pala sa sasakyan ang binata at inaakay siya nitong sumakay. "Hatid na kita sa inyo." Alok niya rito. "Pagod na din si Inday kaya pinaunlakan niya ang pagyaya ni Norman.

For the very first time nagkaroon ng awkwardness between them. Hindi naman ganito dati a bakit ngayon? Dahil ba may asawa na si Norman? Pakiramdaman ang dalawa. Hindi nakatiis si Norman. "Kumusta ka na Ingrid?" Nagulat siya dahil unang beses niyang marinig mula sa binata ang tawagin siya nito sa tunay niyang pangalan. Pero antok na antok na siya. "Inaantok na ako Norman." Halos pahikab na sagot niya sa binata. Itinigil niya ito sa may pinakamalapit na starbucks. "Sige halika magkape muna tayo. Ako din medyo inaantok na. Malayo layo pa ang byahe natin." Sang-ayon naman niya sa dalaga. Este byuda pala.

Ang simple coffee break na yon naging opportunity para sa dalawa upang magkakilala ng lubusan. Kumustahan to the max. Madaming revealation ang naganap. Siyempre ladies first. Besides si Norman naman ang unang nangamusta talaga di ba? Sa sasakyan pa lang kinakamusta na niya si Inday.

Kitang kita ni Inday ang lungkot at simpatiya sa mga mata ni Norman sa kanya habang kinokwento niya ang napakasaklap na nangyari sa kanya. Hindi rin mapigilan ni Inday ang maluha. And as usual napaka automatic ang response ni Norman. Pinahid niya ang mga luha ni Inday. Langit naman ang feeling ng ating byudang bida. Pero bigla ang reminder ng kunsensya nya. May asawa na siya Inday. Wag kang ma fall ha? "Ano ka ba? Di mo kailangang gawin yan!" Saway niya sa kausap. Inayos niya ang sarili at nagpaka prim and proper ito sabay higop sa mainit na kape. Naluha na naman siya. Ang init pa kasi ng kape e hinigop ba naman. Ay naku Inday!😁

Inabutan na lamang siya ni Norman ng tissue. "Salamat. Ikaw kumusta ka naman? Ilan na ang anak niyo ni Claire?" Pakaswal na tanong nito sa binata. Imbes na sagutin siya at umorder pa ito ng 2 tasang kape para sa kanilang dalawa. "Kape pa tayo. Mahaba habang usapan pa ito Inday." Nakangiti lang nitong tugon sa tanong nya.

Itutuloy...

Sort:  

wow sulit na sulit c inday. grabe oras oras hehehe

Kailangan ng tapusin sir hahahaha

Wen sulitem GM sayang. habang may kita ka. lalaki pa vote lab, lab babli.

Kulelat jay maysa alud hahaha ada gamin natay nga character bwhahaha

andito ako.. sabi ni...

Ado da met nagibaga ketdi a dayta kanakan hahaha

Congratulations @shirleynpenalosa! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You published a post every day of the week

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!

Thank you so much. ❤

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.26
JST 0.039
BTC 99024.83
ETH 3475.09
USDT 1.00
SBD 3.20