Tagay pa!

in #life8 years ago

May nakasakay kami sa jeep kagabi na lalaking lasing. Pansin na pansin ko siya kasi nasa harapan ko siya mismo nakaupo. Kausap niya ang girlfriend niya (tingin ko ay kasintahan niya iyin dahil nagshare sila sa softdrinks na nakalagay sa baso ng Jollibee.) Hindi ko maintindihan yung sinabi ng lasing sa kasama niya pero parang sinasabi niya kung bakit siya naglasing. "Malaki yung @#^#&-#!!. Kaya nga ako naglasing kasi malaki yung /!@#)#@" Siguro yung utang niya? O yung bayarin niya? O ang problema niya ang malaki. Isa lang ang alam ko. Ang haba ng binti niya at nasisipa niya ang paa ko. Napansin ko tuloy siya at napaisip isip tuloy ako.

images (11).jpeg
Pinagkunan

Naalala ko ang nabasa ko sa librong "The Little Prince." Naglakbay ang munting prinsipe palayo sa kanyang Rose. Kung saan-saang planeta siya nakarating hanggang sa makarating siya sa planetang isang tippler o manginginom ang nakatira. Katulad ng mga naunang planetang napuntahan niya, tinanong niya kung anong ginagawa ng manginginom. Sumagot ito na siya'y umiinom. Siya ay umiinom dahil gusto niyang makalimot. Gusto niyang makalimot na siya'y nahihiya. Siya ay nahihiya dahil isa siyang manginginom.

Ako rin ay isang dating manginginom. Hindi ako sigurado kung pasok na nga ba ako sa krayterya ng isang manginginom. Ang naaalala ko lang ay tuwing sweldo ay paniguradong nandoon ako sa tambayan sa kanto namin, kasama ang mga katropa ko, nakaupo sa mahabang bangkuan, may lamesang kahoy sa gilid ng kalsada na naglalaman ng red horse o di kaya'y tanduay o di kaya'y emperador o di kaya'y gin. Kung wala ako doon ay nandoon naman ako sa Malate. Doon sa bar na may payong-payong sa gilid at doon nakikipag inuman sa mga kabarkada ko sa kolehiyo. Kapag may out of town ay isa ako sa mga nagmumumog ng alak sa umaga at nagtataob ng ilang case ng beer sa gabi. Walang matutulog hangga't hindi tumatawag mg uwak o yumayakap sa kubeta. Ang mga kabarkada ko'y inaabangan ang matatas kong pag-iingles kapag ako'y lasing na.

cheers-839865_1280.jpg
Pinagkunan

Kay saya ng paligid kapag ako'y lango na. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Hindi ko alintana ang mga tingin ng mga taong mapanghusga. Ako'y matapang na at handa nang makipagsabayan sa kanila. Kay gaan ng pakiramdam. Literal. Halos parang di sumasayad ang aking paa sa lupa. Minsan ay hindi ko na alam kung paano ako nakakarating ng bahay basta paggising ko na lang, nasa bahay na ako. Buo pa rin naman. Sa katunayan, suot ko pa ang sapatos at nakasukbit pa rin ang Jansport kong backpack hanggang sa paggising. Naaalala ko pa ang litanya ng nanay ko. "Huwag ka nang mag-abalang maglaba ng mga damit mo. Pangkalahatan na pala iyang damit mong iyan eh. Pwede nang pang-alis, pambahay at pantulog! Papasok ka na ulit sa opisina. Iyan na lang din ang isuot mo. Wag ka nang mahiya! Di ka na rin naman nahiya sa higaan mo eh!"

Pumasok pa ako minsan sa opisina nang lasing ako. (Huwag na huwag niyo pong tutularan, tinalikuran ko na ang gawain ko na iyan at hinding hindi na uulitin pa. Inuulit ko po, huwag niyo pong tutularan ang ganyang gawi.)

Natatawa (at bahagyang nahihiya) na lang ako kapag naaalala ko ang mga kalokohan ko noon. Pero nang makita ko si kuyang lasing kagabi, napaisip ako. "Bakit nga ba tayo umiinom at naglalasing?" Marami akong naiisip na dahilan.

Sawi

Tayo ay sawi sa pag-ibig, iniwan ng kasintahan, ipinagpalit sa panget, ipinagpalit sa gwapo o maganda, ipinagpalitbsa trabaho, hindi natanggap sa inaapplyan na trabaho, tinanggal sa trabaho, mawawalan ng trabaho. Malungkot tayo at pakiramdam natin ay katapusan na ng mundo. Minsan kasi yung mga problema, hindi sapat na isipan mo lang ng solusyon. Meron din namang wala na talagang solusyon. Meon din namang alam na natin ang solusyon, masakit lang sa puso isagawa. Tatakbo tayo sa malamig na malamig at halos nagyeyelong beer. Hindi ka pa ba nauuhaw?

Muling pagkikita kita ng mga kaibigan

alcoholic-beverages-1845295_1280.jpg
Pili na!

Sa aming magbabarkada noong kolehiyo, bonding na namin dati ang magpunta doon sa payong payong sa Malate halos linggo linggo tapos magda-drive papuntang Starbucks sa Tagaytay o di kaya ay sa bulalohan doon para magtanggal ng tama. Pasahero lang ako palagi dahil wala naman akong sasakyan kaya madalas ako ang pinakalasing sa amin. Masaya lang kami. Nagkukuwentuhan, o di kaya'y pinagtitrip-an ang isa't isa. O di kaya'y pagti-trip-an ang nasa kabilang lamesa. Yun na ang pangtanggal namin ng stress mula sa lahat ng pinaggagagawa namin sa mga opi-opisina namin.

O di kaya'y kapag umuwi galing abroad ang isa sa mga barkada, alam na, inuman na naman. Iyon yjng pinakalibangan namin habang nagkakamustahan. Sa tuwing may camping kami, pihado may malalasing. Habang naglalaro kami ng tong its o kaya pusoy, may umiikot na alak. Masaya kami eh.

Selebrasyon

adult-1854191_1280.jpg
Beer Manong

Na-promote. Nakuha ang hinihintay na deal. Sinagot ng oo ang proposal. Nakalipat na sa bagong bahay. At kung anu ano pang magagandang pangyayari sa buhay. Ano pa'ng hinihintay mo? Ilabas na ang alak! Inuman na! Sabay magpapatugtog ng "Happy birthday" song. Noong bata tayo, ang inaabangan natin ay cake. Pagtanda, kinakalimutan na ang cake, alak na agad ang hanap kapag magdiriwang ng kaarawan.

Nakakatawa lang dahil may mga nakilala akong tao na sa kahit na anong sitwasyon, siguradong ang bukambibig nila ay "Tara, shot na!" At aminin ko man o hindi, naging isa ako sa mga iyon. Tingin ko kasi dati, cool ka kapag malakas kang uminom. Lalo na kung babae ka. Astig ang datingan, di ba? Ipinagmamalaki ko pa dati na ako ang tagasalo ng shot ng asawa ko kapag di niya na kayang uminom.

Pero lahat ng iyon ay nag-iba noong nalaman kong buntis ako. Bigla-bigla ay nag-iba ang pananaw ko sa alak. Hindi na ito "main course" sa mga handaang pinupuntahan ko. Hindi ko naman ayaw ng alak. Umiinom pa rin ako paminsan minsan. Pero hindi ko na tinotodo katulad ng dati.

Oo, totoo na kapag may problema ka, walang nabibigay na solusyon ang alak. Pero sa mga kasama mo habang umiinom ka nang sawi ka, alam mong kahit papaano ay hindi ka nag-iisa. Pwede rin namang magdiwang nang indi umiinom. Pero hundi ba't napapasaya ang kuwentuhan habang tumatagal ang inuman?

Gayun pa man, lagi nating isasaisip na anu mang labis ay hindi nakabubuti. Ang alkohol ay alkohol pa rin at pag sumobra ka nito ay lason sa iyong katawan at isipan. Hindi masama ang paminsan-minsan ay malasing ka. Lalo na kung ang pinagdadaanan mo at matindi. Basta huwag mo lamang kakalimutan na hindi iyon ang solusyon at wag din kakalimutang magtira ng pang-uwi.


Maraming salamat sa pagbabasa!



2123526103.gif

Sort:  

Hahaha! Apir sis! Siguro dahil narin sa environment natin sa kolsener. Lahat kasi talaga halos nag iinom. Lol!

May minsang nagpunta rin aq ng Starbucks Tagaytay para mag inom (anlayo diba?). 😂 Pro hindi dun sa Starbucks, dun sa likod ng starbucks. Ung open bar doon. Haha. Baka nagkasalubong tau ng di natin alam. 😅

Pero tinalikuran q na rin ang buhay na to. Ngaun, kape at tea nlng ang kaya ng aking system 😅

Cheers! 🍻

FB_IMG_1530516202085.jpg

Tama! Tinalikuran ko na rin ang buhay na yan. Kahit na sa kolsenner pa rin ako nagtatrabaho. Hahaha... Kailangang maging isang mabuti pero rock n roll ma ehemplo sa junakis. Baka may nakita kang lasing na nagsisisigaw doon sa SB Tagaytay.. may chance na ako yon pero kung tagalog ang sinisigaw, di ako yun. Englishment only ako pag lasheng.. hahaha

Wow shala shala! Hahahaha. Ako bisaya ra jud sis! Hahahaha

Hahaha. Pag lasing lang naman. Pag matino ako ewan kung san napupunta ang english ko. Wahahaha

Huwag ka mag-alala sister hindi lang ikaw ang pumapasok sa trabaho ng lasiing. Alam na alam ko ang feeling ng ganiyan. Yes naiintindihan ko rin englishment tayo kapag lasing na haha. Kahit mukha na akong tanga kasi iniisip nila bakit ka nageenglishment e lahat naman ng tao rito nakakaintindi tagalog haha.

Hahaha. Ganun ata pag lasing na. Lumalakas na ang loob. Wahahaha

Haha hindi lang iyan. Pumapasok din ako sa school dati lasing na lasing. Ewan ko kung kaya mo iyan haha.

Haham di. Mabait ako noong estudyante pa lang ako. Di ako nagpapakalasing noon lasi nagwwork ako. Tumodo lang talaga ako nung naka graduate na.. hahahaha

Ajijiji @romeskie, di talaga ako maka relate. LOL. At kahit nung sa corporate world pa ako (chereeeet), alala ko pinagtatawanan nila ang iced tea ko, minsan fresh milk, pero kahit gayun pa man, I think mahal ako ng mga katrabaho ko kasi tinitolerate nila ang ka ek ekan ko at sinasama pa rin ako sa tomahan kahit juice lang tinitira ko. LOL. Tanggap nila, ako ang the geek next door. LOL.

Haha. Ngayon iced tea na lang din tinitira ko pag nag iinuman ang tropa. Ayaw kong mag alaga ng bata habang lasing.. hahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.086
BTC 59400.15
ETH 1585.26
USDT 1.00
SBD 0.41