THE BROKEN HEARTED WRITING CONTEST " FIRST LOVE, FIRST HEARTACHE "

in #life7 years ago (edited)

They say first never dies... Pero bakit yong sa akin, namatay !?
Yes , literal na patay. As in wala na siya.
Naalala ko pa noon
It was way back 2011 when we started texting
It was his friend(A) who gave my number to him(J). So A, who was my suitor wanted me to entertain his friend J for he is new to the clan. Yes ! Clan, yong clan sa text. Yong gumagamit ng codenames.
So we started texting. Exchanging life stories and iba pang kadramahan sa buhay.
From text, it slowly turn to calls. Even late nights nagtatawagan kami ni J. Kahit anu-ano lang pinag-uusapan namin hanggang sa dumating yong time na nagtapat siya sa akin. Tinanong niya ako kung pwede ba siyang manligaw. Nag aalangan ako dahil nga kaibigan nya nanlilgaw din sa akin. Pinaalam ko muna sa kaibigan niya na si A na nagtapat siya at tinanong kun pwede ba siyang manligaw sa akin. Sinagot naman niya na okay lang daw. So ayon nga, tuloy parin ang txt and call sessions namin ni J. Si A naman wala ng time kasi busy sa paglalaro ng dota. At yong nga dahil sa constant communication namin ni J, i reaized im already starting to fall for him. Humingi naman ako ng depensa kay A. Sa una hindi nya tanggap dahil kun tutuusin, kung hondi dahil kay A hindi kami magkakakilala ni J. So in short, si A pa ang naging bridge namin.
Lumipas ang mga araw at buwan,naging masayang masaya kami sa piling nang isat isa. Sa panahon na naging kami, isang away lang ang pinadaanan namin at yong ay dahil lang sa gusto niya akong makatxt at tawag kaso lang nag aaral ako dahil periodical test namin kinabukasan. Masayang masaya ako kay J. Siya yong type ng guy na hindi lang sa una magaling .. Consistent siya. Kun ano kami noon na hindi ko pa siya sinasagot, ay ganon parin siya sakin kahit kami na. Sobra sweet at caring niy saakin.
Pinakilala na nga niya ako sa kanyang pamilya at mga barkada. We even talked about our plans in the future. He said he will give all the things ive wanted and make me his queen. Ako naman, sabi ko sa kanya, hindi ako nagsisisi na siyang ang pinili ko.

Pero, heres the twist.
Hanggang sa biglang hindi sa nagparamdam. Hindi ko siya makontak. Deactivated fb niya. Tinatawagan ko barkada niya pero ang sabi lang hindi nila lam kung nasaan si J. Until one day, tinawagan ko mama ni J, si tita Jan. Tinanong ko siya kung nasaan si J at bakit hindi niya sinasagot mga tawag at text ko. Sabi lang ni tita, pumunta ako sa lugar na itetext niya.
Laking gulat ko ng mareceive ko text niya ay address iyon ng isang hospital. Agad-agd akong pumunta at doon nakita ko si J, natutulog, payat at maputla. Tinanong ko si tita kung ano ang nangyari, sabi niya nadiagnose si J ng Stage 4 Leukemia. Yes ! Stage 4 --terminal stage na at wala nang cure. Tinaningan na J ng mga doctor. Wala akong magawa kundi umiyak lang.. Tumigil lang ako sa pag iyak nong namalayan kong gising na si J. Ayoko komg makita nya akong umiiyak dahil.alam kong masasaktan siya.
Weekends ko lang siya nadadalaw dahil nag aaral pa ako nong panahon na yong. Everytime na dumadalaw ako sa kanya, sinasabihan ko siyang lumaban lang siya. Nandito lang kami naghihintay sa kanya paggaling. Makikita ko sa mata ni tita ang sakit habang tinitingnan niya ang anak niya na unti unting nanghihina.

December 24,2012. The day before our 11 monthsary. Naghahanda na ako para isurprise siya kinabukasan. Ready na lahat para bukas. Pagkatapos noon ay natulog na ako. Habang natutulog ako, nanaginip ako ng kabaong. Hindi ko alam kung bakit hanggan sa chineck ko phone ko para malaman yong time. Noong pagcheck ko, may text pala galing kay tita.
It was 2:11 , the saddest part of our love story. He left me. Hindi man lang niya ako hinintay. Maagang maaga pumunta kaagad ako sa hospital dahil sabi ni tita nandoon pa sila. Pagdating ko doon, may sulat na binigay si tita. Sulat galing kay J.
Sabi nya ,
" Bhe, mahal kita alam mo yon. If ever mareceive mo to galing kay mama, it mwans wala na ako. Wag kang umiyak ha ! Alam mong ayaw kong nakikita kang umiiyak at nasasaktan. Pasensya ka na kung hindi ko mabibigay yong mga promises ko sayo in the future. Mahal na mahal kita bhe. Wala man ako sa tabi mo, always bare in mind palagi akong nakasubaybay sa inyo. Mahal kita bhe. Wala akong ibang babae na minahal ng ganito. Alagaan mo sarili mo ha gaya ng pag aalaga ko sayo noon.
Love, your J"

Yon ang huling message na natanggap ko galing kay J.
To J, it's been 5 years but your memory still remains in my heart. Makakita man ako ng iba, hindi parin nila mapapantayan ang halaga mo sakin. You changed me. You.made me a better version of myself. You made me feel that i am worth loving for. Thank you for everything. Thank you foraking me special. I hope youre in peace now together with our creator. I missed you badly J.

Lesson learned..
Show your loved ones how much you value and love them while they are still there. Every second is a chance to thank and show to them how grateful you are having them in your life.
grief_after_long_goodbye_shutterstock_1600x500.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 62817.54
ETH 2573.14
USDT 1.00
SBD 2.74