Ok nakapasok na. Call-center job.

in #life6 years ago

No pun intended.

Mahirap din pala ang trabaho ng isang Call-center agent. Biro mo, Go with the flow kahit sinisigawan ka na. Tapos ikaw dahil baguhan ka, pwede mo itong ikamatay sa stress. Unless masmarunong pa kayo kaysa sakin.

Katatapos lang ng Grad Bay at ako ay nilapat sa isang Team Leader na sa simula, Nalalabuan ako hanggang sa Biglang naiintindihan ko na kung anu ang takbo ng utak niya. Ang trabaho ko ay Technical Support sa Kumpanya ng isa sa tanyag na internet provider ng buong London at nangangapa ako kahit dalawang buwan na ako sa training.

Ang kita ko o ang sweldo mo para sa mga baguhan ay mananatiling 15,000 pesos at magiging 22,000 pesos kung naging regular ka sa trabaho. Maliit na puhunan ay sapat na. Pero yung trabaho mo ay hindi nasusulit dahil sa napakalayo mo sa bahay. Every 2 weeks ang sweldo mo kaya, hindi mahirap kunin ang halaga. Kaya lang hirap ako sa mga tools ngayon dahil sinasabay ko ang pag-multi-task na aayusin ko yung problema ng bawat customer na kinakausap ko.

Eto po yung mga sumusunod sa listahan na aking natutunan sa gitna ng aking pagtatrabaho ayon sa sumusunod.

  • Ang Call-center na trabaho ay hindi basta-basta
  • Maliit ang kita, at nagdedepende pa sa gusto mo kung kakayanin mong magtrabaho ng ganito.
  • Dito mo malalaman ang salitang Stress
  • Sa trabaho, tapat at totoo sa lahat ng bagay
  • Kung hindi man binigyan ng dalawang araw na pahinga at isa na lang, sulitin mo na.
  • Huwag kang maniwala sa haka-haka at paniguraduhin mo na gagawin mo ang lahat upang hindi ka matatanggal sa trabaho.

Ano nga ba ang balak mo Juancho?

Naka 2 buwan palang ako sa industriya pero nagdadalawang-isip na umalis na lang sa ganitongntrabaho dahil nakakalungkot ang ganitong trabaho at ayokonngntumagal pa. Ok na ako sa 6 months na experiencenat least sa susunod, Mamimili na ako kung saan ko gustong pumasok. Sasusunod naman, gusto ko ng Call Center na pwede ka pa magtagalog at doon ko na siguro malalaman kung magiging masaya sa desisyon ko.

Sort:  

Sa panahon na ito mahirap talaga pumasok ng trabaho at kung meron man mahirap pa rin! Buti na lang meron Steemit.

Ipagpatuloy mo ang supporta sa paggamit ng #steemph at #philippines sa iyong mga post :)

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.028
BTC 66137.20
ETH 3543.37
USDT 1.00
SBD 2.56