Paano Ba Magtiis?

Ang sabi nila magtiis hangga't kaya pa. Pero ang masaklap walang metro ang pagtitiis kung kailan ito matatapos! Walang sukatan na parang tinitimbang mo sa timbangan ng palengke kung gaano kabigat na ang iyong pagtitiis. May nakapagsasabi na ba sa iyo na ang pagtitiis ay parang hanging daraan lang at maya-amaya ay mawawalang parang wala lang at naibsan ang iyong pagtitiis? Kung ang pagtitiis ay madaling pasanin, hakutin na natin ang lahat ng mga taong nagtitiis sa kanilang buhay ng matagal na at akuin na natin ang pagtitiis na iyan at magtayo na tayo ng foundation at pangalanang Magtiis Foundation! Logical naman di ba?
Ngayon bakit nga ba nangyayari ito? Itinatanong ko lang din, kaya huwag mo akong tanungin, problema ko rin nga kung bakit ko kailangang magtiis dito sa Steemit at magsulat at maghanap ng mga litrato para iakma sa blog na ginagawa ko at kapag natapos na ay ipopost mo... ngayon tutunganga ka ng ilang minuto habang tinititigan mo kung may magbyu-view ba ng post mo at kapag ilang minuto nang hindi gumagalaw ay hahanap ka ng paraan para magkaroon ka man lang ng UPVOTE kahit isa kasi nagtiis kang magsulat, naiiritang nag-iisip ng title, nag-iisip paano magsimula ng sinusulat at pinagtyagaang magcompose ng iyong sinusulat at magkalahating oras na ay wala pa ring kinita! Hayun parang ka nang umiiyak o ngumingiyawyaw at mabilis kang magtataype ng www.discord.com at HUMANHANGOS kang pasimpleng sisingit ng pahapyaw sa TeamPhilippines na habang ang saya-sayang nagtsachat sila sa channel na iyon at sabay magsasalitayp ka ng: "Papromote naman at paki-upvote na rin! Salamat!"
... na nagkataon naman nagpost itong friend ko at napasilip ako sa TeamPhilippine sa Discord... pakitingnan na lang... kilala mo naman siya... What an Irony di ba? Pati sa title ng post na ito, di ba?
Ahh, iyon na nga... Paano nga ba magtiis sa lahat ng bagay?
Teka tingnan natin kung maaisa-isa ko... At siyempre magkakaiba naman tayo kung paano ba natin dalhin ang lahat ng anumang pagtitiis na ating nararanasan.
1. Tanggapin ng maluwag sa dibdib na kahit anong bigat at sakit na nararanasan nating ito na parte ng buhay ang pagtitiis.
2. Matatapos din ang pagtitiis, balik ka sa number 1 kapag hind mo matanggap na matatapos ang pagtitiis!
3. Walang pinipiling tao, kultura o ano man ang katungkulan mo sa sosyodad, ang pagtitiis ay laganap ng walang pakundangan!
4. Dumarating ito nang hindi nagpapaalam na magtitiis ka, basta namamalayan mo na lang nag nagtitiis ka at kung ano man iyon, iyon ay paniguradong sa iyo!
5. Wala na akong maidugtong, kung gusto mo ikaw na ang magdugtong nito. Madaling araw ko na ito ginawa, at nagtiis din ako ng ilang oras maka-compose ako ng pampondo at kumita naman kahit kaunti....
6. Balik sa number 1 kapag makulit ka pa rin at di mo matanggap na magtitiis ka sa isang banda ng buhay mo
O, siya... marami pang hugot moments... wait lang...
Sampaloc, Manila
August 26, 2017
Congratulations @iwrite! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOPSa pagtitiis ay may tagumpay walang madali sa buhay..
Yes, hindi talaga ang mabuhay sa buhay na itoi!
great content! and thanks again for following!
Your are most welcome...
Alam kong ika'y isang matapang at matatag , kuya @iwrite kaya nga nandito ka sa Steemit eh. Magandang umaga :)