A Goal Without A Plan Is Just A Wish

in #life6 years ago (edited)

If you fail to plan, you are planning to Fail.
-Benjamin Franklin


Minsan marami talaga akong mga tanong sa isip ko. . Marami akong mga bagay na gustong gawin pero hindi ko alam kung kailan at papaano ko sisimulan. Ano ba talagang gusto kong mangyari sa buhay ko? Malapit na ako grumaduate, Saan kaya ako mag tratrabaho? anong klaseng trabaho ang gusto ko? Tama ba tong landas na tinatahak ko? Kailan ba ako magsisimula? Makakapasa kaya ako? Bakit ang unfair ng life? Para kanino ka bumabangon?(tanong ng Nescafe na hindi ko masagot nuon)
Gusto kong kumita ng malaki at tulungan ang pamilya ko. Gusto kong magkaroon ng maganda at stable na trabaho. Gusto kong mag travel sa ibat-ibang lugar. Mag iipon ako at bibilhin ang mga bagay na gusto ko gamit ang sarili kong pera. Pag marami na talaga akong pera magpapatayo ako ng negosyo at pagagawan ko ng sariling bahay ang pamilya ko. Ilan lang yan sa mga bagay na pinapangarap ng isang simpleng taong tulad ko. Kasi di naman bawal mangarap di ba?

Libre lang ang mangarap!

Ou! Sino bang nagsasabing wala ng libre ngayong panahon? Meron kaya! Libre lang ang mangarap.. At habang may pangarap tayo, walang imposible sa mundo.

image.png
Image Source

Paano ba natin maabot ang mga pangarap natin? Hanggang pangarap nalang ba talaga tayo?
Syempre hindi di ba. Para maging totoo lahat ng pangarap natin kailangan nating planohin at pagsikapan ang mga mga bagay na gusto nating mangyari sa buhay natin. Kasi sa totoong buhay wala namang bote na dadating sayo at pag binuksan mo merong laman na gennie tapos paghumiling ka matutupad agad.. WALANG GANON!

PAANO NGA BA?

DEFINITENESS OF PURPOSE.

Image Source

The knowledge of what one wants, and a burning DESIRE to possess it.
By: Napoleon Hill

Mahilig akong magbasa ng mga motivational books. Isa sa mga nabasa ko nang libro ay ang Think And Grow Rich by Napoleon Hill. Iba ang naidulot nito sa buhay ko mula ng nabasa ko ang librong ito. I want to share it to you dahil marami talaga tayong matututunan dito. Isa talaga ito sa mga nagpamotivate at nag inspire sa akin para gumawa ng Definite Plan.

GEDC2269.JPG

Desire is a strong emotion. Probably one of the strongest in my opinion. The power of desire can do many things in your life.
Everything you do starts with desire. Before you do anything in your life, you have to have the desire to do so. If you don’t have the desire, even the faintest, you won’t do it.

Magsimula tayo sa pag tukoy sa mga bagay na gusto nating makamit sa buhay. Yung bagay na talagang gusto mong paghirapan para lang magkatotoo. Pwede kang gumawa ng isang planner.

Ilista mo ang mga bagay na nais mong makamit. Have a Definite Purpose.Dito magsisimula ang iyong desire.

  • Magiipon ako ng 50,000Php within 5 months.

By the time na meron ka ng Definite Purpose, Start creating your Definite Plan. Gaano mo ba ka gustong makamit ang mga bagay na yan? Anong ang maari mong gawin upang makamit ito?
Uumpisahan ko sa pag save ng money. Eliminate unnecessary expenses.


Image Source
Alam naman siguro natin kung ano ang mga mahalaga at hindi gaanong mahalaga sa buhay natin. Iwasan ang pag gasta para sa mga bagay na alam mong hindi mo naman talaga kailangan.

Don't spend more than what you earn.

At dapat gawin mo talaga yan. Hindi puro salita lang. Unti-untiin mo hanggang sa masanay ka. If you really have that strong desire to achieve your goal, then you can do it.
Most of us lose that desire at some point and stop. Kung sakaling mangyari man sa'yo yan, just read your planner. Remind yourself na meron kang goal na dapat ma-achieve at kailangan mong gawin yun para sa iyong sarili.

The bigger the desire – the bigger of that internal burning feel-it-in-your-gut sensation you can create, the less likely you are to have the desire fade away.

Minsan nawawalan tayo ng pagnanais na gawin ang isang bagay kung tayo ay nagkakamali. Nawawalan tayo ng gana dahil akala natin hindi na pwede. Pero nangyayari lamang yun sa mga taong hindi ganun kalakas ang desire, o hindi passionate sa kanyang ginagawa.

Desire is the starting point of all achievement

INVEST YOUR TIME

Walang taong nagiging successful sa isang iglap lang. Lahat ng taong kilalang matagumpay sa buhay ay dumaan sa hirap. Lahat nagsimula sa wala. Hanggang sa sila ay nagsumikap at naglaan sila ng mahabang panahon para lang maabot ang estado ng buhay na mayroon sila ngayon.
Isang magandang halimbawa ay ang steemit. Lahat ng Members ng Steemit community ay nagsimula sa wala. Sa simula, para kang mawawalan ng gana dahil wala masyadong nagfo-follow sayo, o hindi ganun karami ang nag-a-upvote at nagreresteem ng mga blogs mo. Some will get discourage at some point, and then decided to stop.
But i tell you

Image Source

Sa pagsisimula, kailangan talaga natin ng Patience. It really takes time to gain something. That's why you have to invest your time for something you really desire.

The key is in not spending time, but in investing it.
-Stephen R. Covey

Exert more effort and Maximize your time. Wag mong sayangin ang oras mo sa mga bagay na wala kang mapapala. Take time to create an article, a blog, a poem or anything that can help you gain. Take time to appreciate other people's work. Everything takes time.

USE YOUR POTENTIAL


Image Source

Mula nang nagstart akong mag blog, marami nagtatanong sa akin kung papano ko ba ginagawa ang mga articles ko? Saan ako humuhugot? Sinasabi rin nila na gusto daw nilang sumali rin sa steemit pero wala daw silang talent sa pagblo-blog. Kaya na patanong ako, Talent? Para sakin hindi naman talaga kailangan na may talent ko dito eh, o hindi ko naman sinasabing walang talent, pero kapag may gusto ka, gawin mo. Kung passionate sa lahat ng ginagawa mo, mag rereflect yun sa'yo. Kasi para sa akin bawat tao ay may Potential, potential na kayang gawin ang kahit anong bagay na ninanais nila.


Image Source

Hindi ko naman ginagawa to dahil may talent ako, ginagawa ako dahil gusto ko to. Ginagawa ko 'to kasi alam kong kaya ko, at may potential ako. At kahit sino kayang gawin ang ginagawa kung gugustuhin nila. At dito nadedevelop ang tinatawag nating talent. Habang tumatagal nasasanay ka sa ginagawa mo, at nagiging madali nlng yun para sa'yo. Yung akala mong simpleng ginagawa mo, hinahangaan na ng iba, na pwede rin nmn nilang magawa. Kaya wala talagang imposible sa mundo kung gugustuhin mo at kakayanin mo.

Potential is a priceless treasure, like gold. All of us have gold hidden within, but we have to dig to get it out.
-Joyce Meyer


Image Source

LEARN FROM OTHER'S MISTAKE

Image Source

Hindi naman sa lahat ng oras nagkakamali tayo, o hindi lahat ng kamali-an sa buhay ay nararanasan natin. Minsan natututo din tayo sa pagkakamali ng iba. Kadalasan nating naririnig na sinasabi ng ating mga magulang na "huwag mong gawin yan", "huwag mong gawin yun", sobrang higpit nila sa atin. Pero ang ginagawa nila yun para lang naman din sa atin, dahil ayaw nilang maranasan natin ang mga pagkakamaling minsan na nilang naranasan nuon. At dapat nating maintindihan yun. Minsan hinahayaan rin nila tayong magkamali dahil duon tayo natututo. Kailangan din nating matutunan na matututo sa pagkakamali ng iba. Subukan mong ilagay ang sarili mo sa posisyon nila then try to reflect about it in your point of view. Minsan kasi hindi mo kailangan maging matalino, kailangan mo lang talagang maging Wise.


Image Source

Iilan lang ito sa mga katangian na dapat mong madevelop sa iyong sarili. Ito ang unang step para ma achieve mo iyong mga goals.

Summary:

  • Definiteness of Purpose
  • Invest Your Time
  • Use Your Potential
  • Learn From Other's Mistake

Ilan lang ito sa mga bagay na natutunan ko at gusto kong ibahagi sa inyo.. Dahil dito nasagot ko na ang tanong ng Nescafe, "Para Saan Ka Bumabangon?"

Bumabangon ako para sa Sarili ko. I wake up to make myself better everyday. Bumabangon ako para sa pangarap ko. Bumabangon ako para sa mga taong mahalaga sa buhay ko. At higit sa lahat bumabangon ako dahil maaga ang pasok ko. lol

Hahah. . Anyways, Thank you so much for reading my post. I hope you learned something from this. :)

_There's no better day than today to do the things you've been putting off. Take Action! It's the only way to change your life!
-Hal Elrod

image.png

Image Source

Hanggang sa muli,
@geeyang15

STEEMIT FOOTER.jpg

Sort:  

Geko1967 Gerd Kopp tweeted @ 13 Apr 2016 - 20:17 UTC

It takes a wise man to learn from his mistakes, but an even wiser man to learn from others. #ZenProverb https://t.co/a67xAxp0Ll

Disclaimer: I am just a bot trying to be helpful.

Solid tips! @geeyang15 great job on this one.
Also this main quote

If you fail to plan, you are planning to Fail.
Benjamin Franklin

Ito talaga yun eh. Dapat positive tayo lagi na magiging matagumpay into everything that we will do. Article resteemed :) Btw the first image yung link ata broken kasi walang image na lumalabas pero overall good job!

Here's your upvote :)

Maraming salamat po sa pag appreciate.. :) dyan po talaga nag uumpisa lahat para maachieve ang golas.. hehe..cge i update ko po yung link..hehe.

na update ko na po yung link.. thank you... :)

Napoleon Hill is <3 this is such a well written post @geeyang15! Indeed, everything is achievable if we carefully plan how to achieve it! AJA!

Thank you @namranna ^_^ Nothing's impossible.. AJA! :D

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 62625.86
ETH 3333.11
USDT 1.00
SBD 2.47