PARA KANINO KA BUMABANGON?
Para kanino ka bumabangon?

Source: pixabay(direct link to img)
Tagline ng isang coffee Commercial sa TV...Habang paulit-ulit na naririnig at napapanood, napapaisip tuloy ako. Oo, nga, para kanino nga ba tayo talaga bumabangon?
Para sa sarili? sa pamilya? sa mahal mo sa buhay,? sa kaibigan? o sa trabaho?
Maaring sila nga ang mga dahilan kong bakit ka bumabangon. At sa araw-araw na pagbabanat mo ng buto, lahat ng pagsasakripisyo ay gagawin mo para sa pamilya mo o mahal mo sa buhay. Pero minsan di mo maiwasan tanongin sarili mo, bakit ganito nalang ba? nakakapagod, nakakasawa parang paulit-ulit nalang. Gigising, kakain, papasok sa trabaho, uuwi at matulog.. ganito nalang ang routine mo sa buhay. Parang ang hirap palang mabuhay lalo na kung kulang na kulang ka sa mga ibang bagay at kaya minsan gusto mo nang bumitaw. Oo, dahil nakakapagod, parang mas gustuhin mo na lang mag laho parang bula. para wala ka ng iisipin at iintindihan pa.
Lahat naman tayo may kanya kanyang mabigat na dahilan kung kanino nga ba tayo bumabangon. Sa buhay natin may Iba’t ibang sagot depende sa lalim ng suliraning pinapasan. Ang iba blessed sila sa kanilang buhay at pamilya , ang iba naman masalimuot ang buhay nila. Pero lahat tayo ay nakakaranas ng pagsubok, kahit sino ka man o ano ka man, mahirap o mayaman. May kanya kanyang struggles at pinagdaraanang dagok at pasanin sa buhay natin. Kaya minsan nalulumo at hapong-hapo tayo dahil di natin alam kung saan tayo kakapit o di kaya'y nag hahanap tayo ng tunay na kasagutan.
Maaring ang buhay mo ay di gaanong masalimuot na di tulad ng buhay ng iba. Isa ka doon sa masaya ang buhay o masaya ang pamilya...halos lahat nasa sayo, pero minsan nakakaranas ka din ng parang may kulang na di nila kayang punuan ang kalungkutan na ‘yong nararamdaman. Kaya minsan ‘di maiwasan natatanong sa sarili mo, ano ba talaga ang purpose mo sa buhay.
Para kanino ka ba bumabangon?
Para sa akin ang tunay na dahilan ng ating pagbangon ay hindi para sa anupaman o sinuman, kundi ang lahat ay para sa mapagmahal at makapangyarihang nating Diyos na may kapal. Sa kanya ko nasumpongan ang aking kasagutan. bakit? sa bawat umaga na pag bangon ko isang pikamalaking milagro na sa buhay ko dahil nagising pa ako. Higit sa lahat bumabangon ako dahil alam kong may purpose ang buhay ko. Sabi ni Ptr. Rick Warren sa libro niyang The Purpose Driven Life, bakit ba ako naririto sa Mundo? Sadyang nilikha ng Diyos angTao para sa kanyang layunin at dakilang plano..Bago ka pa ipinanganak, inihanda na ng Diyos ang sandaling ito sa buhay mo. Sabi sa Biblia Efeso 1:11-19
Kami ay pinili ng Diyos mula pa sa simula na maging kanya sa pamamagitan ni Cristo, ayon sa kanyang plano. Ang Diyos ang gumagawa sa lahat ng bagay ayon sa layunin ng kanyang kalooban

Source: google(direct link to img)
Una nabubuhay na ako para sa kanya at pangalawa ay para sa mga mahal ko sa buhay. Hindi ibig sabihin na wala na akong mararansang promblema. Pero dahil kasama ko at sina samahan niya ako sa bawat dagok at problemang dumating, di na ako naka focus sa mga problema kundi sa pagmamahal niya
Ikaw para kanino ka bumabangon?
Kung ang lahat ay bunga lamang ng mga di-sinasadyang pagbabago, ang buhay ay walang halaga at katuturan …ang lahat ay nagsisimula sa Diyos.....
Maraming Salamat sa inyong pagbasa at ang sarap ng Umaga pag Diyos ang kasama..
Peace and blessings, God bless us all :-)
Please support @surpassinggoogle as a witness, Please vote him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

(©️ @bloghound )
Yeah I'm so amazed by the line 'para kanino ka bumabangon' and tumagos siya sa puso. Bagay na bagay talaga ito sa mga taong nagtratrabaho abroad most especially kasi sa layo ng kanikanilang pamilya ito ay magsisilbing inspirasyon nila.
My sister my aunt and other relatives who work abroad they always get their inspiration from the people who depend on them and they support kasi they always tell me na it's so hard to wake up every day away from their loved ones. =)
Hello po mam @purepinay. salamat sa pag-comment, tama po mam, ako din may mga kapatid na ofw, at sa Diyos at Family nag silbing Inspiration nila. Maraming salamat. God Bless.
Amen, thanks bro sa pag share nito :-)
Salamat din bro. God bless.
para kanino?para sa Diyos..
ganda naman ng message mo best! joe na joe!
hehehe salamat, salamat. Para kay Lord.
Ganda! Worth it basahin 😊
Salamat po mam @gwenbyyy. God Bless