Morning Reliever!!!๐Ÿ˜

in #life โ€ข 7 years ago (edited)

Good morning my fellow steemians,

IMG_20180207_091907.jpg
Tuwing lalabas ako ng bahay sa umaga eto po ginagawa ko nagdidilig ng aking mga halaman dito sa labas ng bahay habang ang aking anak nakikipag play sa mga playmates nya dito saaming village. Eto po yung isa nakakarelaks saakin ang paghahalaman parang stress reliever kona. Lalo na pag nakikita ko namumulaklak na sila tuwangtuwa ako at ipinagmamalaki ko sa aking mga kapitbahay!๐Ÿ˜

IMG_20180207_091915.jpg
At sila naman ay na aappreciate yun tuwing dadaan sila dito babatiin nila na sobra na daw ganda ng mga halaman ko maganda na tingnan dito sa labas. Ako naman gingagawa ko para makontra ko para hindi magtampo ang mga halaman Pwera buyag pwera buhag ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚. Tawang tawa naman sila tuwing sasabihin ko yun. Siguro ginagawa ninyo din yun noh? Para hindi magtampo ang mga halaman. At isang secret guys sa paghahalaman kakausapin din natin sila para hindi sila magtampo at mamulaklak pa sila ng madami. Tuwing dinidiligan ko sila kinakausap ko sila sana tumaba kayo at mamulaklak ng madami. Kaya paggising ko kinabukasan eto yung nakita ko agad. Ang dami nyang bulaklak.

Eto guys yung sobra kung love na halaman grabe sya mamulaklak at wala ako nilalagay jan na pampabulaklak. Water lang at alaga ko din himas-himas at lage ko kinakausap.
IMG_20180204_154203.jpg
IMG_20180207_111214.jpg

Hindi lang din halaman ang tanim ko nagtatanim din ako ng gulay eto po gaya ng kamatis, luya, sili talong at my tanim din ako dito ng talbos ng kamote sana tumaba din at dumami.
IMG_20180207_111226.jpg
IMG_20180207_111232.jpg

Bukod sa mga namumulaklak na halaman meron din akong mga halaman na all green leaves lang masarap kasi sa mata paglahat kulay green na dahon presko pa tingnan sa bahay. Siguro guys naalala ninyo nagshare ako ng mga gulay nakatanim dito sa lugar na eto? Namatay sila guys kaya ang ipinalit ko eto nalang mga halaman na kulay green.
IMG_20180207_111247.jpg
IMG_20180207_111253.jpg

Simula nung andito nalang ako sa bahay eto nalang po ang isa sa pinagkakaabalahan ko ang pagtatanim ng mga halaman at pag-aalaga sa anak ko pagiging full time housewife. Sana guys isa din kayo sa kagaya ko na mahilig sa mga halaman.

Maraming salamat sa pagbasa at pagdaan dito sa aking munting blog sa araw-araw sana po magustuhan ninyo!!!

Thank you for viewing and dro by my blog. I hope you like it guys!

Guys please follow and continue to sulport kuya terry or @surpassinggoogle us our voting witness!
Write: @steemgigs and other witnesses
https://steemit.com/~witnesses

Screenshot_20180202_165836.png

Until next time... Have a great day everyOne!!!

Thank you for your support!๐Ÿ˜๐Ÿ˜˜
DQmeDka8VDGrorYwbQkWmqzttojbPGkVAFewwg6tnZV296E.png

Sort: ย 

grabee sis dami mo halaman ok to sis

Salamat sis sa dalaw at sa appreciation sis๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜
Oo sis libangan ko sis paghindi ako nag eesteem habang nakikipagplay si ashlyn sa labas yan ginagawa ko inaayos ko at dinidiligan lage. Sarap sa pakiramdam sis pagmeron ka napagkakaabalahan. Minsan kasi bored ang buhay ko hehe echos lang sis๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚
Mis you a lot sis @sunnylife๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜

๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘galing galing naman..happy for you sis sa achievement mo ..who knows one day ito yong daan para maging successful ka sa buhay mabuhay ang mga nanay na blogger :)resteemed

Maraming salamat ate๐Ÿ˜
Isa ka sa naging daan kung bakit andito ako ngayon sa steemit at kung anu yung nararating ko Ngayon!๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜
At maraming salamat sa pagsuporta ate! Godbless you all the time๐Ÿ™

Your welcome :)

Mam @ashlyncurvey ang gaganda ng mga halaman po ninyo... ang mga halaman ay nakakaganda din ho ng bahay. Ang ganda ng rose, may oregano pa akong nakita. Hayyy sana ako rin ho hehee. Bilib na talaga ako say inyo mam. Idol ko din po layo sa gardening ang landscaping.

Maraming salamat po ma'am @shielashraf๐Ÿ˜‡
Sis nalang po o kaya ashlyn nalang po itawag mo saakin.
Maraming salamat po sa pag appreciate ma'am sobra po ako natutuwA at pati ikaw nagustuhan mo ang aking paghahalaman. Pwede mo po yan gawin kahit sa paso lang pwede na po magtanim ng halaman. Yung iba jan na halaman ko pinaghihingi ko at binibigay ng kapitbahay.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 63597.74
ETH 2476.06
USDT 1.00
SBD 2.53