Maligayang Pagdating sa Steemit! - Ang Paunang Gabay Sa Mga Malikhain
Magandang Pagbati sa mga Malikhain, Maligayang Pagdating sa Steemit!
Itong lathala ay naisulat para sa IYO - ang mahilig sa internet, mga manunulat, mga mahilig mamahagi ng link, pintor, guro, nag-dedesenyo, tagapangasiwa, o ang simpleng mausisa sa perang crypto.
Ang Steemit ay makabagong social media website.
Sa itsura naman, ang Steemit.com ay kamukha at nag-aaktong kahalintulad ng website na Reddit.com. Mayroon kaming "trending/madalas na pinag-uusapan" sa paunang pahina kung saan maari mong makita ang malawakang pang araw araw na nilalaman... mayroong mga sariling profiles, mga pumapasok na post, mga sumusubaybay at kung ano-ano pa..
Ngunit may malaking pinagkaiba kaya ang Steemit ay namumukod-tangi sa ibang social media network ngayon.
Dito, ikaw ay may parangal sa pamamahagi ng isang nilalaman... at hindi na namin bibigyang diin ito... Likes (tinatawag na "upvotes") = nagsasabi ng totoong halaga. Araw-araw - ikaw ay may parangal dahil sa paggawa ng isang nilalaman, pag-didiskubre, pangangasiwa at pagkokomento.
Gawing Laro ang Karanasan Ng Social Media
Ang pagkuha ng pansin ay may parangal. Kung iyong nagustuhan ang isang post na ibinahagi, pindutin lamang ang "upvote" ^ na buton para maipaalam ang iyong pagsang-ayon. Kahalintulad lamang ito ng "like" sa Facebook, maliban lamang ang iyong pag-pindot = pera.
Ang pagboto sa mga likha o posts ng iba ay hindi nangangahulugang pagkuha ng anumang pera sa iyo. Ito ay libre, at nakakatuwang gamiting social-media na istilong laro.
Steemit.com ay ipinagagana ng kaparehong teknolohiya na nasa likod ng Bitcoin. Mayroong lokal na perang ginagamit dito na ang tawag ay "STEEM" na isang digital na pera.
Parehong Bitcoin at STEEM ay na organisa sa pamamagitan ng data-sharing na teknolohiya na ang tawag ay "blockchain". Maaring narinig muna itong mga salitang ito noon na ginamit sa mga balita bilang respeto sa malalaking kumpanya tulad ng Microsoft, Blackrock o IBM. Sa kanila, ang blockchain ay nakakatuwa dahil pinahihintulutan nito ang napakabilis, tiyak at pati na ang matalinong pamamahagi ng data. Paglipat ng kaalaman mula A patungong B sa pamamagitan ng blockchain ay maaring mangyari sa ilang segundo, na salungat sa isang oras o hindi naman kaya mga araw. Halimbawa, isipin mo na lamang gaano katagal. ideposito ang cheke sa iyong bank account… ibinigay mo sa bank teller ang cheke at mag-aantay ng 3-5 business days para ang pera ay makita. Kapag inilipat mo ang pera sa mapapagitan ng STEEM blockchain ang transaksiyon ay tumatagal ng mga ilang segundo. [Mic drop]
Kaya ang blockchain tech hindi lamang nakakaantala ng tanawin ng social media, maaari din baguhin kung papaano ibinahagi ang data, ng tiyak at pagpapakalat sa buong mundo. Maaring tayo ay nasa bingit ng bagong world wide web, ginawang wasto at mas mahusay para sa 21st century!
Ang STEEM blockchain ay gumagawa ng “pool / lawa” ng pera araw-araw. Kapag ikaw ay nag-limbag ng nilalaman sa Steemit, ikaw ay makakatanggap ng upvotes. Ang boto na may porsiyento ay tumutungo sa reward pool ng iyong account. Ang buong pamamaraan ay kahalintulad kung papaano ang Bitcoin ay gumagana, kung saan ang miners/nagmimina nakakatanggap ng Bitcoin bilang gantimpala para sa kanilang ginawa (process transaction). Sa STEEM, sa halip na bigyang parangal ang mga minero, ang blockchain ay nagbibigay gantimpala sa mga bloggers!
Kami na @sndbox ay nagsusulat nitong post, isang STEEM token ay nagkakahalaga ng isang dolyar (US). Kaya apat na STEEM ay apat na dolyar. Bilang halimbawa: kapag nakita mo ang post ay nagkakahalagang sampong dolyar, ang lumikha nito ay pararangalan ng sampong STEEM.
Paanong ang Steem Tokens ay nagkakaroon ng $ na halaga sa USD?
Katulad ng Bitcoin, maari mong ipagpalit ang STEEM sa digital currency exchange. (kahalintulad kung paano ka bibili o mamuhunan sa Euro, Yuan, Rupee o USD.) Mayroong ilang daang tokens kung saan-saan na magagamit para bumili at makipagpalit. Ang halaga ng dolyar ay suportado ng pangangailangan para sa token at dalas ng palitan para sa ibang ari-arian/assets.
Ngunit, ang STEEM ay hindi lamang tuwirang perang kahalintulad ng Bitcoin. Steem ay nakatali sa social media na plataporma. Ang nilalalaman at kadalasan rito ay naaapektuhan ang halaga. Ang halaga ng galawan ng STEEM ay nakatali kung ano ang nangyayari at nilalaman ng naipamahagi sa Steemit.com. Ang halaga ay maaring tumaas o bumaba batay sa pagbago ng blockchain, pagbanggit sa balita, bagong STEEM-powered na proyekto o tampok. Ibang paraan upang ito ay tignan ay kahalintulad ng pagbahagi ng stock / laan. Kung ikaw ay shareholder / kasosyo ng Facebook, ang halaga ng iyong stock ay magbabagu-bago kapag ang kumpanya ay naghayag ng biglaang pagdami ng bagong gumagamit na sumali sa plataporma o bagong tampok. Sa huli, ang halaga ay tumatali pabalik sa kadalasan ng likhang nagawa sa plataporma.
Ang nilalaman ay napakahalaga!
Naglalathala ka ng mga bagay sa web araw-araw, bakit hindi ka nababayaran para sa lahat ng nagawa at oras na naigugol? Ang kumpanyang Social media ay gumagawa ng pera mula sa iyong nagawa at ano ang ibinigay nila sa iyo pabalik? Ang value-factor (sukatan ng silbi) ng Steemit gumagawa ng makabagong online na kapaligiran (environment). Ang pagkakaroon ng kahit anong may taya (o premyo) ay lumilikha ng kakaibang karanasan sa social-media. Ang kuminidad dito ay nagbibigay kapangyarihan sa magandang nilalaman habang ang may kapareha o walang masyadong saysay ay napupunta sa likuran. Ang mga Steemians ay may malaking bilib sa kanilang kumunidad at ang suporta nila ay nasa magaling na authors at tagalikha ng mga content.
Ang kumunidad ay Susi
Noong ang plataporma ay mga ilang buwan pa lamang nagkaroon ng bandilang pagbati na ipinahayag ang Steemit bilang “ang unang maliit na bayan sa internet.” Iyon ay parating tumatatak sa amin. Bakit? Ang gumagamit nito (tinatawag na “Steemians”) ay totoong tinatrato ang Steemit na katulad ng malliit na bayan. Malalaman mo na kami ay lubos na sumusuporta at nakatutulong. Walang insentibo para sa mga bastos na kumento, kaya kakaunti lamang sila. Ang mga Steemian ay gusto lamang na maging matagumpay ang social platform na ito! Ito’y makabagong eksperimento, totoong bagong ekonomiya at bagong daan para makisalamuha at bigyang lakas ang isat-isa.
Maari kang makipag-ugnayan sa mga tao. Hindi lamang kaibigang high-school, kapitbahay o ka-trabaho. Ang Steemit ay tumutulong na humanap ng taong kahalintulad ng gusto at ideya at tumulong sa iyo na humalubilo sa kanila. Ang mga kumento ay may matatamong gantimpala, kaya ang mga tao ay totoong naglalaan ng oras para magawa ang pinag-isipang mga sagot at tugon. Hindi mo bastang makikita ang ganyang labis na gawa kahit saan man sa web (internet). Ang Steemit ay maaring unang tunay na social media platform.
Ito ang pangunahing dahilan bakit kami nagsusulat sa iyo, ngayon. Gusto naming maging parte KA nito. Kailangan namin ang iyong kakaibang perspektibo sa mundo, ang iyong talento, pag-ibig at tulong para tulungang buohin ang matibay na hinaharap para sa Steemit.
Maligayang pagbati sa Steemit!
Sabay nating buoin. Nais naming pagisipan mong maging miyembro ng kumunidad na ito! Libreng sumali rito, sa katunayan, ang Steemit ay nagbibigay ng kaunting token upang makapagsimula. Nais naming makarinig mula sa iyo. Maligayang pagbati!
1.Mag-sign up at bumati! Introduceyourself.
Gumawa ng likha/post at sabihin mo sa amin kung sino ka.
2.Magsiyasat! Magtingin-tingin at maghanap ng mga likhang gusto mo.
Sundan ang mga tao rito. Magbasa ng mga likha. Magkumento at makisalamuha!
3.Makipag-ugnayan! Makisalamuha at mag-umpisang makipag-usap.
Tignan mo kung saan ka dadalhin nito…
Snbox Sa Hinaharap
Maligayang pagbati sa lahat! @sndbox ay narito. Ang aming koponan ay gagamitin itong panimulang post upang makakalap ng bagong talentong likha para sa kumunidad ng Steemit. Itong salin 2.0 ay pinabuti at binago mula sa orihinal na likha kay @voronoi, ito! Ang nais namin ay magamit ninyo ito bilang isang mapagkukunan ng paliwanag kung ano ang STEEM at Steemit maging sa mga baguhan! Linggu-lingo, ang aming koponan ay maglalagay ng paglalarawan at paliwanag na mga post katulad ng isang ito. Mangyari lang na sundan kami @sndbox at antayin ang iba pa nito. Sulong STEEM!
What she said.
Whoaa!!! Yeah yeah. I experience this. 😀 Thanks. And still learning 😀