Blockchain at Crytocurrency - Ang Panimulang Pagsasalarawan

in #language7 years ago (edited)

@sndbox toolkit posts ay dinisenyo upang tulungan ang mga cryptocurrency newcomers na makabisa ang pasikot-sikot ng Steemit at ang kumunidad at sistema ng blockchain. Kung mayroon kang gustong sangkap o sistemang may kinalaman sa Steemit na gusto mong makitang ipaliwanag, maari lamang na ipaalam mo sa kumentong nasa ibaba

Ano ang Cryptocurrency?


Cryptocurrency ay isang digital currency na nagawa, hawak at ipinamamahagi sa pamamagitan ng online network. (Na tinatawag na virtual currency, digital na pera o tokens.)

  • Ang salitang crypto ay hango mula sa "cryptography" na pagsasagawa ng tiyak na pakikipag-usap. Crytography ay nasa paligid lamang natin. Ito'y matalinong paraan ng pagsasagawa ng code na naka-embed sa buong kasaysayan, kahit saan mula sa WWII ng hindi kaaya-ayang Enigma Machine upang mapagtibay ang website browsing ng kasalukuyan.

Ano ang Blockchain?


Blockchain ay isang teknolohiya. Ito'y makabagong imprastraktura para sa datos at napakahalagang bagay para sa digital currencies katulad ng Bitcoin at STEEM. Sa halip na may central server kung saan ang lahat ng iyong kaalaman ay hawak at dapat na dumaan, ang Blockchain ay pinahihintulutan ang maramihang "centers" upang ikalat at i-validate ang paparating na impormasyon ng sabay-sabay. Ito'y matalino at ligtas na pamamaraan (hindi lamang para sa digital currencies) na para din sa malawakang pag-resolba ng problemang kumonidad.

Pagtatayo ng Bloke


Ano nga ba talaga ang Blockchain at ano ang itsura nito? Upang lubos na maintindihan ang paglaki ng matalinong network na ito, una dapat nating malaman paano ito pinagsama. Bago ang "Block" ay maidagdag sa "Chain" dapat ito ay nakatatanggap ng apat na mahalagang piraso ng impormasyon:

  1. Pagkakakilanlan : Isang ID code o tinatawag na "Hash"
  2. Timeline : Ang Hash number mula sa naunang bloke, ay naayos ng magkasunod
  3. Transaksiyon : Lahat ng paglilipat mula sa nagpadala at ng tatanggap
  4. Public Key : Kumikilala ng nagpadala at ng tatanggap

Pagbuo ng Chain


Ang mismong "Chain" ay kahalintulad ng napaka-talinong ledger. Ano ang ledger? Isipin mo ang library book. Ang ledger ay ang maliit na dilaw na papel na naka-suksok sa likod ng likurang cover. Itong rehimyentong papel ay isang talaang listahan ng mga taong humiram ng libro noon. Ito'y timeline na nagkakalap ng due date para ang libro ay maisauli kasama ang pangalan ng taong humiram ng libro. Sa halimbawang ito - kung gaano kadami ang nagbabasa ng libro, mas mainam na napapatunayan at ligtas ang chain ng impormasyon.

Ngayon, sino ang nagsama-sama nitong lahat?


Ang chains ay gawa ng network of super computers sa lahat ng panig ng mundo. Kapag pinagsama-sama, kinu-curate nila ang paglaki ng blockchain, isa-isa, tinatawag silang "peers" (at nodes o witnesses o miners depende sa uri ng blockchain na kanilang pinatatakbo).

Para sa STEEM blockchain - itong mga network-builders ay tinatawag na "witnesses". STEEM Witnesses ay binoto ng buong kumonidad ng Steemit. Itong mga indibidwal na ito ay gumawa ng kanilang case at pinagkakatiwalaang mga miyembro ng kumonidad. (Nais mo bang matuto pa? pindutin ito)

Mabilis, Malakas, Malaya.


Itong bagong imprastraktura para sa data - ang worldwide information ay maaring hawakan ng ligtas, matipid, at naipakakalat sa paraang mas maabilidad. Sa global economy na umaasa sa pagyabong ng brain of data araw-araw; ang Blockchain ay patunay na isang disruptive technologies ng internet era. Gamit ang susunod na mga post, sasabihin namin ang napakaraming paraan kung saan itong umuusbong na ecosystem ay iniiba ang industriya at gawi at pagtulak nito sa world wide web patungo sa 21st century.


Maraming salamat sa pagpapabasa! Para sa kahit na anong suhestiyon para sa posibleng pagsangguni o mapagkukunan, maari lamang na ipaalam sa amin sa komentaryo sa ibaba. Siguraduhing sundan kami para sa aming araw-araw na post at lingguhang pahayagan.


Sort:  

Maraming salamat po attorney. Magaling din po iyong naisulat ninyong "Why I love Bitcoin". Marami po ako nalamang bago..

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 58225.92
ETH 3120.30
USDT 1.00
SBD 2.50