ISANG KWENTO NG INA(kwentong alay para sa nag-iisang ina naming lahat)

in #kwentongnanay7 years ago (edited)

SINO GAH SI LUCIA?
ANG KWENTO NG ISANG BUTIHING INA

1535376_687148454638726_875330082_n.jpg

“Magsigising na kayo dyan! Tanghali na at mga tulog pa kayo ang tatamad ninyo.” sigaw ng nanay namin kada umaga sa aming anim na magkakapatid na tila lagi nalang may giyera sa loob ng bahay namin.

“ Hindi gah kayo tatayo dyan?! Bubuhusan ko kayo ng mainit na tubig! ang papangkal ninyo! Noong araw alas kuwatro palang ng umaga gising na kami para lang tumulong at pag hindi kami tumayo agad ay sya ! ika’y mapapalo ng patpat ng tatay” dagdag pa na bulyaw sa amin.

Nung narinig namin ang mga salita na yon ay agad agad kaming nagsipagbangon sa kama, syempre sino ba naming gustong mabuhusan ng mainit na tubig diba? Pagkabangon na pagkabangon namin eh malamang kanya-kanyang kuhaan ng tasa dahil lahat kaming magkakapatid ay adik sa kape. At ang nanay namin mukhang bubuga nanaman ng kakaibang salita, parang kada umaga nasa B-side kami ng FLIPTOP.

“ yan mga wala pa kayong nagagawa magsisipagkain at kape na kayo kami noon hangga’t wala kaming nagagawa nakakahiyang kumain” paulit na sermon nya sa amin.

Sa tuwing naaalala ko ang mga sermon na ito ni nanay araw-araw ko napagtatanto na kung gaano talaga kahirap ang buhay nila dati. Parang buong kwento ata ng buhay nya dati ay naisermon na nya samin, Hindi na nga mabilang kung ilang beses na nyang nabanggit yun sa amin. Pero maswerte kami sa kanya yan ang lagi kong iniisip, kase saan ka ba naman makakakita ng babaeng aalagaan kayo kahit masama pakiramdam nya. Mas uunahin nya pa yung mga anak nya at asawa nya kesa sa sarili nya. Kaya sapat na sapat na ang nanay LUCIA namin. SINO GAH SI LUCIA?

Sya si Lucia, Ang aming ina. Tubong Rosario, Batangas sa liblib na baryo ng Bulihan. Limapu’t apat na taong gulang, pang- pito sa sampung magkakapatid. Hindi nakapagtapos ng kolehiyo dahil na rin sa kahirapan noon ng buhay nila, tumutulong sa kanyang mga magulang upang kahit papano ay may maipang tawid gutom. At tulad ng isang babae nangarap din siya na magkaroon ng isang perpektong pamilya na mabibigyan nya ng ibang buhay hindi tulad ng sa kanila. Nakilala nya si Julito Pitao, Isang lalaking mapangarap sa buhay. Binigyan sila ng Diyos ng anim na anak, tatlong lalaki at tatlong mga babae. Awa naman ng Diyos lahat sila lumaking malusog (hindi lumaki ung iba kasi nasa lahi nila ang pagiging maliit). Masaya naman ang pagsasama nila ni Lito, nakapagtayo sila ng isang munting tindahan at paunti-unit ay napapalago nila ito. Nabigyan ng isang unang anak na babae yun ay si @cheche016( Lischelle U. Pitao at nasundan nila Jocelyn(pangalawa, John Ver(Ako yun, @itsmejayvee), JOseph(pang-apat), Ninopang-lima) at Maria Rose(bunso). Ngunit sadyang may mga pagsubok na dumadating sa buhay, sadyang sinusubok ang nanay naming si Lucia. Hindi nya alam na ang tatay namin ay isa palang lasenggo na pag nakakainom ay medyo nagiging palaaway. Mabait naman si tatay Lito yun nga lang pagkinakain ng problema eh medyo nagiging malaking problema sa bahay. Hagis dito, hampas doon, sigaw dito, sigaw doon at si nanay Lucia naman ang gagawin pigil dito, pigil doon, amo dito, amo doon. Yan ang gawain nya bilang asawa kay tatay Lito ang initindin sa kung ano lang ang kayang intindihin ng asawa nya. Habang lumalaki naman kami nagpapakita din naman si tatay Lito ng pagbabago dahil na din sa pagsesermon sa kanya ni nanay, maski kasi sya hindi umuubra pag si nanay na ang nagsalita haha.

Basta si nanay Lucia ang nagsalita para kang na-stun ni Sven ng DOTA, bakit? Pagkatapos kang ma-stun ni Sven maglalabas yan ng SS(specical skill) yun tas ngatngat kana, kumbaga BEYOND GODLIKE ! na wala nang makakapigil pa uupo kana lang at makikinig.
Isa pa sa mga hindi ko makakalimutang linya ni nanay Lucia yung parang doktor nyang mga payo na kala mo nakapagtapos sya ng medisina. Papainumin ka ng dinurog na katas ng OREGANO para sa sipon at ubo na kahit kelan di sumarap ang lasa. Sasabihin pa nya na mas magaling pa ang mga gamot nya kesa sa mga nabibili sa botika.

Huwag kang mag-paa pagkagaling sa sapatos mapapasma ka!

Maglagay ka ng barya sa paa mo para swertehin ka.

iligo mo sa dagat yang kati-kati mo at paniguradong gagaling yan, mas mainam na gamot ang tubig alat.

32186546_10210960494397849_8858871472546906112_n.jpg

Syempre hindi lang naman mga seryosong mga bagay ang masasabe ko sa kanya, makulit din yan. Punong-puno yan ng kakwelahan, minsan nga pilosopo pa yan sa kanya ata ako nagmana ng kakengkoyan. Hindi KJ si nanay Lucia kung saan masaya doon sya kukwela ng kuwento. Masaya ang pamilya namin dahil sa kanya. Sa mga pagsasakripisyo nya kahit sobrang hirap na syang intindihin ang lahat. Na minsan na ding syang nagsalita na ayaw na nya, na suko na sya sa amin. Na gusto na lang nyang umuwi ng probinsya at iwan kami, na sobra syang napupuyat para lang alagaan kami pag may sakit. Sya yung nanay na pag umalis ka at nagtravel ka ng malayo-layo e itetext ka nya maya’t maya. Magsasabi pa yan ng “BAKA NAMAN MAKALIMUTAN MO MAGPASALUBONG AH”. Gigising yan sa umaga para lamang handaan kami ng mainit na kape, paghandaan ng pwedeng maibaon sa trabaho at tatanungin ka pa ng kung anong ulam ang gusto pag-uwi. Yan ang mga katangian ng nanay ko na kahit kelan hindi ko maipagpapalit sa iba. Masasabe kong isa syang MALAKAS NA BABAE na kayang tiisin at intindihin lahat ng pagkakamali naming magkakapatid. Kahit maging tanga man kami sa pag-ibig o magkaroon man ng biglaang pagkakaroon ng pamilya. Makaranas man kami ng sakit pisikal o emosyonal lagi syang nakahandang payuhan kami. Hindi nawawala ang matatalinghaga nyang salita na talagang tumitimo sa mga isipan namin.

Ngayon nasa tatlumpung taon na sila sa maasukal at madramang pagsasama ni tatay Lito. Napagtapos na din nila kaming magkakapatid sa pag-aaral, masasabi kong dahil na din yon sa pag-aalaga sa amin ni nanay Lucia. Ngayong taon na ito ang pinakamasaya sa pakiramdam nya sa palagay ko, dahil natupad nya ang isa sa pangarap nila ni tatay Lito. Meron na silang isang anak na nasa DUBAI, isang anak na KATULONG SA PAGHAHANAPBUHAY, meron na din syang isang GURO, meron ding nakapagtapos ng PSYCHOLOGY na nakakaintindi ng baliw, isang anak na nakapagtapos ng HRDM at isang natatanging STENOGRAPHER. Hindi man nya natapos ang kursong COMMERCE sa ikatlong taon niya sa kolehiyo ang pakiramdam nya ngayon ay nakapagtapos na din sya, silang dalawa ni tatay Lito. Lahat ng ito ay dahil sa sakripisyo nya bilang ina sa amin ngayon kami naman ang magbibigay ng pag-aalaga sa kanya. Kaming anim na magkakapatid ang magtutulungan para sa pangarap ni nanay Lucia. HIndi namin bibiguin ang pangarap na yon ni nanay LUCIA. Magiging matatag kaming magkakapatid at kahit kailan ay hindi magwawatak-watak. Para sa amin sya ang tunay na nakapagtapos, hindi matatapos ang pagiging nanay nya sa amin ay lagi naming tatandaan lahat ng pangaral nya.

At sa huli mananatili kang isang matiyagang ina sa aming anim na magkakapatid samahan pa ng apat na apo at isang masipag na asawa. Salamat ng marami nanay Lucia mahal na mahal ka namin hindi man namin masabi ng harapan pero maipaparamdam namin ito hanggang sa matupad na lahat ng pangarap natin. MARAMING MARAMING SALAMAT NANAY LUCIA, ISA KANG DAKILANG INA.

15723800_10207236766066968_7233050131114068188_o.jpg

Maraming salamat @tagalogtrail sa patimpalak na ito at naibahagi ko ang kwento ng aming makulit na nanay Lucia. Salamat sa pagbabasa ng kwento ni Lucia :)

jhayve.jpg
FB_IMG_1518087930891.jpg

Sort:  

Omaygi. dapat kumpleto tlaga name ko?
At oo ako ang isa sa hindi lumaki. Well cute size naman. 😎

Hmmm. Hugs mo ko kay nanay .. Misyu all 😍😘

Haha sige ate @cheche016. Pag hindi ako pinalad dito ikaw na magpadala ng bag haha l

Lischelle! :D Ang ganda ng sharing ni @itsmejayvee. May pinagmanahan din pala talaga kayo sa kakulitan haha. Natawa ako sa Dota reference. Godlike pala si inay.

Jazz.. Ang daming nireveal ng kapatid ko pati ung hindi ko paglaki. Anyways nanay is life. Natawa ka ba parang na-stun..si hapon kasi.

Hahahaha. Naku hapon @itsmejayvee yare ka talaga kay nanay pag ito napili at pinalaminate tas mabasa ni nanay! Wala kang kape 1week!

Haha. Hindi ko na nga binanggit yun detalyeng yun, sinabi mo pa. Di bale damay-damay naman daw kayo ni JV na hindi lumaki :D Baka makabawi naman si JV kung sakali kasi may pa-bag si Toto haha.

Hahampas yun sa knya ni nanay dahil sa sinulat nia tapos wala xang kape for 1 week .. 😈

ikaw pala si Lischelle @cheche016 heheh 😁 sino ung Stenographer? naalala ko nung high school kami, isa yan sa pinag-aralan namin. pero ngayon nakalimutan ko na kung paano magsulat niyan.

Bunso naming kapatid @johnpd ung stenographer. hehehe. Utak kasi nun kasing gulo ng steno kaya un kinuha nia 😂
..

Pero malupit jan ung psychology nakakaintindi ng baliw .. Ewan ko ba sa lahi namin

Mabuhay si Nanay Lucia! Happy Mother's Day! @itsmejayvee, salamat sa kwento mo.

Sali na sa Fundition para mapondohan ang makataong proyekto mo.

Paanong proyekto po

@itsmejayvee, salamat at nakapag-usap tayo sa Fundition Discord channel. Ayos na ba yung project mo?

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.26
JST 0.039
BTC 98927.45
ETH 3456.69
USDT 1.00
SBD 3.19