kwentong-nanay : Salamat sayo mahal kong Nanay

in #kwentong-nanay6 years ago

Happy Mother's day

FB_IMG_1526004352400.jpg

FB_IMG_1526004230010.jpg

Hello Steemit !

Sa mundo ng mga tao walang hihigit pa sating pinakamamahal na ina. Hayaan nyo po akong sulatan ang buhay ko. Bakit ako ganito ngayon? Bakit ganito pag-uugali ko ngayon at sa nagdaang pang mga araw buwan at taon-taon.

Alam mo ba ang salitang " Mama's boy " ganon ako dati. Kahit sa pagtulog nang aking ina palagi akong katabi. Kahit saan siya magpunta kasama ako at kung hindi man papayagan agad ako'y iiyak. Ganon ko ka mahal ang mama ko ayaw kong maiwan sa kanya.

Ano ba ang ugaling tinutukoy ko. Bakit ganito ang pag-uugali ko? Oo, tama ang naisip nyo sa mama ko namana ang pag-uugali ko. Ang ugaling kahit masakit na pinipilit paring ito para maging maayos ang lahat. Para ang pamilya ay hindi masira at mananatiling masaya. Ganon ang ugali nang mama ko sobrang bait. Kahit nasasaktan na siya iiyak lang niya para maging maayos ang lahat. Minsan pa nga pinapagalitan nang aking mga kapatid dahil sa sobrang kabaitan.

Kapag ang tatay ko'y umuwi ng lagpas sa hating gabi. Hindi natu makatulog dahil sa subrang pag-alala. Marami kaming magkakapatid at kahit isa samin hindi nakakatikim ng latigo. Kapag kami ay may nagawang mali o kasalanan palagi niya lang itong sasabihin samin. Dahil ba malaki na kayo at ayaw nyo na akong sundin. Yung salitang may kasamang malungkot na emosyon doon mapaiyak talaga ako saking ina.

Ang mama ko kapag nagagalit umiiyak lang lahat nang sakit sa damdamin nya edadaan lang niya ito sa pag-iyak. Ang pag-uugaling iyon ay aking minana sa aking ina. Hayaan nyo akong ipaliwanag kung bakit? Pangatlo po ako sa walong magkakapatid pangalawang panganay po ako na lalaki. Yung panganay namin ay lalaki siya si kuya tapos ang kasunod niya ay babae. Pangalan niya ay ate tapos ako na ang kasunod pangalan ko ay dodong. At yung iba ay hindi muna kasali dahil mga bata pa at wala pang malay yung iba naman ay hindi pa sinilang.

Medyo mahaba-haba po ang intro ko hehehe. Pero salamat narin dahil binasa nyo ang kwentong nanay. Mother's day ngayon at proud ako sa mama ko. Maraming salamat sa kanya ♡ I love you my mama ♡♡♡

Magsimula na tayo sa kwento para sa aking mabuting nanay .

received_1541005576025873.jpeg

received_1541005586025872.jpeg

kwentong-nanay

Salamat sayo mahal kong Nanay

May isang binata na ang pangalan ay Lubiano ang tamad magtrabaho at sugarol pa ito. Palaging umiiskapo pag gabi tumatakas at doon pa sa bintana dumadaan. Para lang makapag disco kahit saang lugar at iba pang mga gawain na pinagbabawal sa kanyang itay.

Sa hindi inaasahang pagkakataon na kilala ni Lubiano si Mariana. Habang siya ay pinapatulong sa kanyang Itay sa pag-aararo sa mga taniman ng mais nila Mariana

Hindi rin ng tagal nagka-iibigan ang dalawa at nagpapakasal. Si Mariana ay isang masunurin na bata mabait, masipag at mapagmahal sa kanyang magulang. Dahil doon napa-ibig niya si Lubiano

Sa unang araw bilang isang masayang mag-asawa . Nabuo ang isang batang lalaki na nag-ngangalangkuya. Nasundan agad ito ng pangalawa na ang pangalan ay ate dahil babae. Nasudan ulit nang batang lalaki na ang pangalan ay dodong.

Habang lumalaki ang mga magkakapatid doon narin bumalik ang dating gawain nang kanilang Itay. Malakas ng uminom marami ng bisyong pinasukan pagsusugal at iba pa. Kahit lasing ito umuwi at galit pa ang kanilang ina ay pilit paring magpakumbaba kahit nasasaktan na.

Palagi nalang umiiyak ang kanilang ina dahil sa nangyaring pagbabago sa kanilang Itay. Tuluyan nang lumaki ang magkakapatid at may sarili na itong gawain. Si kuya ay may sariling alagang kalabaw si dodong naman ay may alagang baboy si ate naman ay tagaluto, laba at iba pang gawaing bahay.

Sa kasawaing palad si kuya ay isang tamad palaging umaalis kasama ang kanyang barkada. Ang ugaling kung ano ang ginawa nang kanyang Tatay nung binata pa ay ginagawa rin niya. Manang-mana talaga si kuya sa kanyang ama.

Ang kanilang ama ay araw-araw umaalis at ang mga alagang hayop nito ay pinag-bibilin kay kuya. Dahil malakas at marunong nang magpakain nang hayop gaya nang kalabaw. Palagi niya itong sinasabi sa kanyang asawa na si Mariana. kapag siya ay aalis. Uuwi ng lasing at magagalit kapag yung bilin niya ay hindi tinupad.

Lubiano
Mahal aalis ako yung alaga nating hayop pakainin nyo nang maaga.

Mariana
Opo mahal, Ano oras ka uuwi mahal?

Hindi sinagot ni Lubiano tinalikuran niya si Mariana at hinanap niya si Kuya.

Lubiano
Kuya yung kalabaw pakainin munang maaga at damihan mo para mabusog. Wang kang gala ng gala naintindihan mo ba ?

Kuya
( Hindi sinagot umalis kaagad at nagpapalipad nang saranggola )

Naisip ni Lubiano na ang tigas ng ulo ni Kuya hinayaan niya lang ito at umalis.

Malapit na ang gabi at hindi pa rin pinapakain ni kuya ang kalabaw. Inutusan si Kuya sa kanyang ina na si Mariana.

Mariana
Kuya pakainin muna ang kalabaw malapit na mag gabi.

Kuya
Ahh ayoko! Si dodong ang utusan nyo walang ibang ginawa mag pakain lang nang baboy.

Mariana
Alam mo namang maliit pa yang kapatid mo. Ikaw ang tanda-tanda muna pakainin muna yung kalabaw para hindi magalit ang tatay mo pag-uwi nya.

Umalis si kuya at hinanap si dodong nakita niya itong kasama ang kanyang Ate na nag-iigib ng tubig. Inutusan niya itong pakainin ang kalabaw.

Kuya
Dodong pakainin mo yung kalabaw.

Dodong
Bakit ako? Ikaw ang inutusan ni Itay para pakainin ang kalabaw.

Kuya
Kung magmamatigas ka susuntukin talaga kita.

Nagmamatigas talaga si Dodong at hindi sinunod ang utos sa kanyang Kuya. Pagdating sa bahay ay pilit pa rin tinakot ni Kuya si Dodong na pakainin ang kalabaw.

Kuya
Ano ? Matigas ka pa rin susuntukin na talaga kita. ( galit na galit si kuya )

Dodong
Ikaw ang magpakain nun! Wala ka nga ibang ginawa magpalipad lang ng saranggola.

Nagalit nang tuluyan si Kuya at sinuntok niya ito ng maraming beses. Pati na ang Ate na nag-aawat sa kanila sinuntok din ni Kuya. Umiiyak si Dodong si dodong at Ate dahil sa kamao ni Kuya. Hanggat nakita ni Mariana ang nangyari at biglang napahinto si Kuya sa kakasuntok sa kanyang mga kapatid.

Mariana
Anong gaguluhan ito?

Kuya
Itong si Dodong ang tigas ng ulo ayaw sundin utos ko.

Mariana
Oo, Dodong bakit hindi mo sinunod ang utos ng kuya mo?

Dodong
( Hindi sinagot at patuloy sa pag-iyak )

Ate
Yan si Kuya may pakanan nang lahat ng to.

Kuya
Bakit ako!? Kayo nga tung ang titigas nang mga ulo.

AteBakit mo inutusan si Dodong si dodong magpakain ng kalabaw. ey, Wala ka namang ibang ginawa magpalipad lang ng saranggola.

Kuya
Isa kapa ! ( Tinuro ang ulo ni ate sabay tulak )

Dahil gusto ni Mariana na walang away. Dahil alam niya mainitin ang ulo ni Kuya. Nilapitan ni Mariana si Dodong at kinausap na sila lang dalawa.

Mariana
Dodong bakit hindi mo sinunod ang utos nang kuya mo? Alam mo namang madaling magalit ang Kuya mo.

Dodong
Bakit ako wala naman siyang ginawa buong araw ah! Puro palipad lang ng saranggola niya.

Mariana
Sundin muna lang kasi para walang away.

Dodong
Ganon! Kahit bugbog na ako susundin ko pa rin sya? ( tuloy sa pag-iyak si dodong ) Ako pa ang binugbog ako pa rin ang sasabihan mo nang ganyan.

Umalis si Dodong at kinuha ang itak at kumuha ng pagkain para sa kalabaw. Napakaliit pa ni Dodong para suntukin sa kanyang kuya. Hindi pa rin sa kanya pwede ang magpakain nang kalabaw. Pilit pa rin niya itong ginawa kahit siya ngay bata pa. Pag-uwi ni Dodong may sinabi siya sa kanyang ina.

Dodong
Isusumbong ko si kuya kay Itay pag-uwi nya.

Mariana
Wag munang isumbong ang Kuya mo ikaw lang ang maging dahilan ba't mag-aaway Kuya at Tatay mo.

Dodong
( napa-iyak ) Bakit Inay? Bakit si Kuya ang kinakampihan nyo?

Mariana
Dong ayaw ko lang mag-away Kuya at tatay mo sundin mo nalang anong utos ng Kuya mo. Nandito lang ako sabihin mo lang sakin ano ang inutos nang Kuya mo sayo. Para matulungan kita pagkatapos.

Pagkatapos nang masensinang pag-uusap niyakap ni Mariana si Dodong at sinabi salamat anak. Ganon ko kayo ka mahal ayaw ko kayong makitang nag-aaway. Magpakumbaba ka lang Dong at malayo ang mararating mo nyan.

FB_IMG_1526004517096.jpg

At dito na tapos ang kwento tungkol sa isang mabuting Ina. Sana'y nagustuhan nyo ang kwento.

FB_IMG_1526004317628.jpg

Salamat sayo mahal kong Nanay.

Dahil sayo natutu akong magpakumbaba kahit nasasaktan na. Dahil sayo pinalaki mo akong mabuting anak at mahal na mahal kita aking Inay.

FB_IMG_1526005357371.jpg

Happy Mother's Day

I love you my mama ♡

Naisipan ni @tagalogtrail na gumawa nang paligsahan tungkol sa ating pinaka the best nanay in the world. Dahil malapit na ang Mother's Day" at hindi ako nagdalawang-isip na sumali kasi mahal ko mama ko. At hindi yun magbabago kailanman.

Ito po ang link ni @tagalogtrail pwede nyo pong e click upang mabasa nyo ng buo ang istorya sa paligsahan natu at kung nais nyo pung sumali :)

TagalogTrail: Kwentong Nanay Isang Patimpalak na Alay sa ating mga Inay

Bakit nga ba may ganitong patimpalak kaming naisip ngayon?

●Ito ay dahil sa napapanahon ang magiging patimpalak sa araw ng Linggo Mayo 13 ay gaganapin ang Araw ng mga Ina o sa Ingles ay Mothers day.

HAPPY STEEMIT

Salamat sa pagbasa

Mabuhay Steemians

kwentong-nanay

♡♡♡ @aiyeecanoy ♡♡♡

DQmVSYeumMmWtnQxztrTRRuwAa31JmHpUJKKYGxA3z1gwfQ.gif

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by aiyeecanoy being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 75263.74
ETH 2718.66
USDT 1.00
SBD 2.46