Ang Mahal kong Ina

in #kwentong-ina6 years ago (edited)

Magandang umaga po sa lahat kong kapatid sa buong lawak ng Pilipinas at sa buong mundo at sa lahat na steemians higit sa lahat sa may akda ng patimpalak na ito @tagalogtrail.

Nais ko pong magpapasalamat sa may akda nito at maibaling ang lahat sa sariling ating salita dahil mas masarap mahalin ang sariling atin at higit sa lahat sa magiging kwento natin sa buhay ng bawat nanay natin.
20180511_063040.png
nanay at tatay ko

Bago po ako magsisimula,ako po ay magpapakilala sa inyo na ako ay si Nanay Deborah ng Loon.,Bohol,kwarenta'y otso anyos biyuda at nakikipagsapalaran sa buhay sa malayong gitnang silangan sa loob ng dalawang dekada dahil sa aking pagmamahal sa magulang kapatid at higit sa lahat sa aking nag iisang anak.Heto ako ngayon ng iisa para sa ikabubuhay ng pamilya.Bilang ina at ank ng nanay at tatay,masakit mapalayo sa kanila ngunit ito lang ang tanging paraan para maiba ang takbo at daloy ng tadhana sa buhay kong puro pagsubok ang dinadala.
20180511_062209.png
Wala akong bagong larawan kasama si nanay at ito nalang

Ang nanay ko po ay si Nanay Belly,Isabelita Mejorada Castrojo 65 na anyos,naging bulag na sa loob ng tatlong taon dahil sa kanyang sakit sa sobrang taas ng asukal sa dugo na nagresulta sa sakit sa kidney at nadamay pa ang dalawang mga mata niya.Ang masakit po sa lahat naging bulag na si nanay ay hindi ko pa nakikita dahil apat na taon na pong hindi ako nakapagbakasyon.Mas pinili ko na may maipadala sa kanila kaysa mgpapakita na wala namang pera ngunit nagsisikap po ako na akoy makauwi sa susunod na taon.Sa telepono nalang namin binubuhos ang aming pagmamahalan bilang ina at anak sa aking nanay ganun din sa aking anak at dalawang apo.
20180511_062119.png
bunso kong kapatid at si nanay

Ako ang panganay na anak ni nanay.Si nanay po ay nag asawa noong 15 anyos pa siya at akoy isinilang noong 16 pa lang siya.Dahil sobrang bata pa si nanay sobra yong ginawa niyang disiplina sa akin.Maaga akong tinuruan ng mga gawaing bahay at hindi nakikipaglaro sa mga bata.Bata pa ako anim na taong gulang ay marunong na magsaing.Sa bundok lang kami nakatira masaya at masigla.Si nanay noong nag asawa walang trabaho na alam at tinuruan pa daw ni tatay sa mga gawain kaya ako ang bogbog sarado dahil ayaw niya na ako'y magiging tulad niya na maagang nag asawa at walang alam sa gawaing bahay.Simulat sapul akoy maaga niyang tinuturaan sa trabaho kaya ngayon akoy masipag at ako'y nagpspasalamat sa akin nanay dahil ang mga tinuturo niya ay nadala ko sa king paglalakbay sa buhay.

Sobra sobra ang kanyang pagdisiplina,konting mali ko palo dito palo doon kahit saang bahagi ng aking katawan.Minsan akoy nagtatampo.iniiyakan ko nalang na patago dahil sabi niya pag ako raw ay kanyang dinidisiplina pag umiyak raw ako ay isa lang ang ibig saabihin na ayaw ko ng kanyang pagdisiplina .Ayoko isipin niya na akoy nagagalit.Nagtitimpi nalang ako at umiiyak sa isang sulok.Sa kabila ng lahat mahal na mahal ko si Nanay.Itinuturing ko a rin siyang bayani sa buhay ko dahil kung hindi niya ginawa yon baka wala akong natutunan sa buhay.

Si Nanay ko ay isang mananahi at masipag na magsasaka.Kung gaano siya ka walang alam sa trabaho noong siya ay nag aasawa ,malaking kabaligtaran ang lahat dahil naging masigasig siya sa lahat na bagay.Isa siyang palaban a ayaw aapak apakan at katwiran niya ang laging ipinaglaban at ayaw niya ng gawaing kalye ng maraming mga kababaihan,tsismis dito tsismis doon.Sa isang salita ang nanay ko masipag,matalino,mapagmahal sa aming lahat at sa tatay ko na nag iisang minahal niya.Ang pinakaayaw ni nanay ay yong pakialaman siya at yong pakialaman ang buhay ng may buhay dahil matapang siya para ipaglalaban niya sarili at kung sino yong pinagkaisahan.

Si Nanay ay naging mananahi sa loob ng 25 ma taon sa isang Chinese na amo sa Cebu at nahinto nalang iyon noong lumala ang kanyang sakit sa dugo at pinapahinga na rin namin ang aming mahal na nanay.

Ngayon bulag na si Nanay,nagpapasalamat pa rin ako sa Dyos,dahil kung hindi siya nabulag ay hindi siya humihinto sa pagsumikap pumupunta sa sakahan at nagtatanim sa aming bakuran.Ayaw niya paawat dahil doon siya masaya pag may ginagawa.Ngayon ang Dyos na gumawa ng paraan at kaya namin siyang susuportahan sa kanyang pangangailangan at kaya siyang alagaan ni tatay.

20180511_070730.png
mga kapatid ko at inset ako at panganay kong kapatid dahil nasa manila siya nkatira

Anim po kaming mga anak ni Nanay.Ang kapatid kong kasunod sa akin ay nasunod ang kanyang pagiging mananahi.Ang unang kapatid ko na babae ay isang magsasaka at isa sa nag aalaga ni Nanay,Yong pangatlo kong kapatid na nag alaga sa aking anak simula noong isinilang ko at noong akoy nangingibang bansa ay naging magtuturo dahil pinapaaral ko po sila.Ang pang apat ko na kapatid na babae ay pinagpaaral ko ng midwifery at naging lesensyado na siya at ang pinakabunso na lalaki ay isang Accountancy na nagtrabaho sa Cebu.

May mga apo na si nanay at tatay na 12 na piraso at may apat na apo sa tuhod (anak ng mga apo ni nanay at tatay.

Mahal na mhal ko si nanay at pangako ko akoy magbabakasyon sa sunod na taon.Malapit na ang ika 50 na taon na anibersaryo sa kasal nila ni tatay.Sana po ipakaloob ng Maykapal na maipagdiriwang namin ang araw na yon.

Marami pa akong dapat sasabihin tungkol sa aking mahal na Nanay ngunit malapit na ang deadline na oras kaya hanggang dito nalang po.

Maraming salamat sa inyong lahat.

Hanggang dito nalang.

Nagmamahal po sa inyo,
Nanay Deevi (@olivia08)

Ibuto natin
@steemgigs

At sa proxy ko
@surpassinggoogle

Suportahan po natin;
#teardrop smt token
#steemsecrets
#ulog
#untalented

DQmXdHUUhVjmsEa9jd62rBGgYTmmHfet15CjLYWJG25wKth.gif

received_1493892964073315.jpegFB_IMG_1520339959611.jpgreceived_1904414459577800.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 68779.72
ETH 3920.72
USDT 1.00
SBD 3.64