Kagalakan

in #kwento6 years ago

FB_IMG_1525571470521.jpg
Ilang araw na akong balisa mula ng umuwi ako sa aming probinsya. Sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata ay iba't ibang imahe ang naalala ko mula ng naging tirahan ko ang bahay gamutan. Masaya ako, at sa katunayan ay may konteng salo-salo sa bahay pag'uwi ko bilang pasasalamat sa lahat ng biyaya at pagkakataong mabuhay muli.
Ngayon, ramdam ko na ang totoong daplis ng hangin mula sa paligid.
Sumilip ako sa bintanang naka tiwangwang ng narinig akong konteng kaluskos mula sa labas ng aking silid.
Nabahiran ng ngiti ang aking labi ng makitang nag uunahan ang mga bata sa pag kuha ng kulisap. " Talagang malaya na pala ako."
Ilang b'wan din akong nakatago sa isang silid na pinapalibutan ng naka puting uniporme at iba't ibang gamot ang pinapasok sa aking katawan hanggang sa akoy tuluyan nang magaling.

Unti-unti no nanunumbalik na ang dating ako. 😀

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 54336.36
ETH 2283.81
USDT 1.00
SBD 2.34