JOWABLE OR NOT, YOU ARE VALUABLE.

in #jowable6 years ago

Df-eSOgV4AA72GV.jpg

36259842_10216361313096025_3834763087831891968_n.jpg

DEPRESSION STARTS WHEN SOMEONE MAKES YOU FEEL YOU ARE NOT VALUABLE.

Karamihan sa atin ay naghahangad ng ibat-ibang aspeto at klase ng pagmamahal.

Pagmamahal sa diyos, sa pamilya, sa mga kaibigan, pagmamahal sa bayan, kapaligiran, pagmamahal sa mga hayop at halaman. At pagmamahal sa espesyal na tao sa ating buhay na bumubuo ng ating pagkatao at ito ang pag-ibig.

Hindi lahat ay madali at hindi lahat ay mapalad na magkaroon ng taong minamahal at mamahalin ka ng tapat at totoo.

Lahat tayo ay gustong magmahal at mahalin ngunit takot din tayo masaktan at mabigo. Sa kabila ng lahat ng ibat-ibang tagumpay natin mula sa pamilya, pangarap, pagaaral, makamit ang magandang trabaho at kumita ng magandang sweldo para pasuportahan ang lahat ng ating pangangailangan at kagustuhan sa buhay. Minsan sadyang ang buhay ay di perpekto.

May kulang, may kalungkutan, may bagay na hindi natutupad ayon sa ating kagustuhan, may bagay na umaasa tayo sa matagal na panahon, may mga bagay na sawi tayo na makamit kahit paulit-ulit nating pinagdadasal at gusto nating hangarin ngunit hindi dumarating at madalas uhaw, pagod, ubos na ang pasensya natin at umaasa sa wala, na hangarin ang mag ka “JOWA” o magkaroon ng taong magmamahal sa atin.

Hindi bingi, bulag at pipe ang Diyos pero may mga bagay na itinuturo sya sa atin bago dumating ang hinahangad natin sa buhay. Minsan sinusubok nya ang ating pasensya at tinuturuang maghintay at madalas pa nga binibigay nya ang mga bagay na higit pa sa ating inaasahan.

Hindi natin dapat tanungin, sisihin at subukin ang diyos bakit hindi tayo nagkakaroon at nakakakilala ng taong mamahalin at magmamahal sa atin. Alam ng diyos ang halaga natin kahit sino at anu ka pa.

May tamang tao, may tamang takdang panahon at oras na makikilala mo at darating sa buhay mo ang taong iibig at iibigin mo.

Hindi ang pagiging desperado/desperada ang solusyon kundi ang maisip at maintindihan mo na kahit hindi ka “JOWABLE” ikaw ay Valuable. Hindi dapat natin madalas Makita ang negatibo sa ating buhay, na maingit, mag-apura o magmadali, tanungin ang ating sarili at ang diyos bakit wala tayong JOWA o nagmamahal sa atin ng paulit-ulit.

Dahil sa madalas na pagfocus natin sa kalungkutan, pakiwari'y tila ba tayo’y nagiisa at nagaalinlangan sa ating buhay. May mga bagay na di natin maunawaan dahil punong-puno tayo ng negatibong aspeto sa ating isip at puso.

Natural lamang na maging malungkot paminsan pero hindi ito nangangahulugan na wala ka nang halaga sa mundong ito.

Mas higit nating pairalin ang mga positibong bagay, pagmamahal sa maraming bagay at pagmamahal sa sarili na makita natin na tayo ay may halaga. At tayo ay may karapatan na sumaya na may malawak na pangunawa sa malungkot na katotohanan na handang magbago at may pagtanggap sa pagbabago. Na hindi malaking problema na wala kang JOWA o nagmamahal sayo. Ang mahalaga ay darating ang tamang panahon na ang bawat bagay ay may dahilan sa tamang pagaantay at panatiliin ang pagpapahalaga saiyong sarili.

JOWABLE ka man OR NOT, YOU ARE VALUABLE.

Photo Credit: Daryl Yap

Love
Rio

Sort:  

Trooo. Pero walang jowa-jowable sa taong cheater 😂

TRUE the best thing to do in cheater is to LOVE yourself better :)

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 62233.47
ETH 2998.30
USDT 1.00
SBD 3.50