Spoken words (bahay kubo)

in #inspiring6 years ago (edited)

"bahay kubo"

Makapal kong kilay
Malakas na dighay
Paa kong may pilay
Pero ikaw ang gusto kong makasama habang buhay

Di ako mahilig sa gulay
Masarap kumain ng atay
Pwet kong laging may latay
Ngunit sa Pag-ibig mo'y ayokong mawalay

Bibig kong naglalaway
Kapit bahay naming mahilig sa away
Ang gwapo kong tatay
Sa anak ko'y ikaw ang gusto kong maging nanay

Mga ipis na namatay
Mga baboy na kinatay
Mga manok na walang kamay
Pag wala ka'y Puso'y hahandusay

Ano nga ba ang nauna "Itlog o manok?, Manok o itlog?"
Hindi ko alam, basta ako sayo'y nahulog

Bahay kubo kahit munti
Ang halaman doon ay sari sari
Manok na matulis na tari
Sa puso ko'y ikaw ang may mayari

Hinanap ko si spongebob kay garry
Kasi gusto kong mag order ng crabby Patty
Na imbento ni Mr. Crabby
Sa puso mo'y gusto kong mag hari

Napaka dami ko ng tinuran
Ang gusto ko lang naman
Na tayo'y mag Iloveyouhan
Pwede rin naman na ika'y aking pakasalan

Sort:  

Wow ang galing hahahahahha

Nakakatuwa pero may lalim :D

Hehehe, salamat po.

Masarap talaga kumain ng atay haha adobong atay!😂😂 Galing naman nakakatuwa!😄

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59933.20
ETH 3191.47
USDT 1.00
SBD 2.44