Hugot Contest | Oo Bitterano na Ako

in #hugotcontest6 years ago (edited)

My Post(7).jpg

Ang buhay ay parang kamera
Kailangan harapin ng nakangiti
Ngunit noong ako'y iniwan niya
Para na akong bumbay na nalugi

Alam mo ba na ang tapang ko ay sobra?
Kahit sinasabi nilang maling tao ka pinaglaban kita!
Pero ano ang iyong isinukli?!
Isang text lang ni bes pag nagdedate tayo agad kang nauwi.

My Post(8).jpg

Aminin mo nga ano ba talaga ako sa iyo?
Ikaw kasi ang araw na nagbibigay init sa buhay ko.
At alam mo ba kung bakit ikaw parin ay parang isang araw?
Sa yabang mong taglay, ikaw na ngayon ay nakakasilaw.

Sinubukan kong limutin ka;
Pero alam mo hindi ko talaga kaya.
Kasi parang politiko nitong nakaraang eleksyon;
Kalat na kalat ang mukha mo kahit saang destinasyon.

Dahil alam kong makakalimutin ka;
Kaya madalas sa gala natin pitaka mo ay di dala.
Tatapusin ko na ang aking drama dahil pagod na talaga akong umasa.
Tanggap ko na di mo na ako babalikan pa.



Pinagkunan ng larawan ay mula sa pixabay.com na nakategorya na creative commons. Ang editing naman ay nagmula sa http://spark.adobe.com/

Ito ang aking entry sa #hugotcontest ni @lhyn na matatapuan sa link na ito HUGOT Contest - 10 SBDs Up For Grab!

Sort:  

Great post!
Thanks for tasting the eden!

Yun oh. Hugot na hugot @tpkidkai.

Hahaha kailangan eh. Kailangan ng pambili ng bigas. Sali ng sali lang ng contest!

Hahaha, tama ka diyan @tpkidkai. lalo na ngayon pasukan na naman.

Entry received ^_^ but brod kindly read the instructions again on how to submit the entry and let me know once done! Thanks! c",)

hahaha pagkatapos kong ma compose hit send na agad. Edited some stuff thanks for the reminder hehehe

Entered! Good Luck! ^_^

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 63585.64
ETH 3035.86
USDT 1.00
SBD 3.84