HUGOT CONTEST : AKO AY TOTOO

in #hugotcontest6 years ago (edited)

AKO AY TOTOO

Hindi naman ako naghihingi ng pera,
Bakit di ka makapagbigay kahit isa,
Hindi naman ako humihingi nang isang kusing,
Bakit nahirapan kang humarap parang ako'y lasing.

Kamay ko'y wala naman batong dala,
Nagtataka, bakit binibini ika'y balisa,
Ako naman ay isang matinong lalaki,
Ika'y nakasimangot at sa aki'y walang paki.

Hindi naman ako nangangagat na parang aso,
Nanginginig ka na parang ako'y isang multo,
Bulaklak naman itong aking handog sa iyo,
Mukha mo'y nakasimangot parang galing sementeryo.

Ito lang ang masasabi ko,
Ang pag-ibig ko ay purong puro,
parang asukal at kape pag e pares mo,
Totoo, itong taong nauutal na humaharap sayo.

___________________________________________________________________

Subukan kung lumahok sa iyong patimpalak @lhyn na pinamagatang HUGOT CONTEST
Mga regulasyon ng patimpalak tingnan sa link.

Sort:  

Wow asukal at kape, perfect combination 😊😊

Masarap inumin pag malamig ang panahon. salamt @essan-san

Entered! Good luck ^_^

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65236.35
ETH 3483.12
USDT 1.00
SBD 2.51