Hugot | Listahan

in #hugotcontest6 years ago

Mamamalengke na naman.
Gagawa na ako ng listahan. Mainam nang ito na lang ang nililista ko, hindi yung mga pagkukulang kong pilit kong inuunawa at pinupunan.
Kailangan maaga makapunta sa Puregold kasi pag tinanghali, marami nang tao. Siksikan. Para bang naisip ng mga nanay at mga yayabelles na sabay sabay tayong pumunta para pare'pareho taying nagkakabungguan, nagkakaunahan at nagkakasikipan. Ang sabi lang kasi Tuloy po kayo" hindi naman sinabing Sabay sabay tayo! Ganun naman ata talaga. Mas masaya yung nakikipag-agawan at nakikipagpaligsahan. Parang yung ex mo. Nasa iyo na eh, inaagaw pa ng iba. Ikinasaya nya yun eh! Edi magsama sila! Akala ko pa naman dito "Always panalo."

Pero ipinagtataka ko talaga. Puregold nga raw. Bakit green? Sabagay. Sabi nga ng mama ko, wag basta basta magtitiwala, hindi totooo lahat ng makikita ng paningin.
unnamed.png
P
Ayan na ang listahan.

  1. Sabong panlaba. Gusto ko yung Champion. Kasi ang sabi nila "Tapat po sa inyo". Buti pa siya, di ba? Kaya sigurado kang hindi ka maloloko. Hindi ka madidismaya.
  2. Zonrox. Hindi naman to nawawala sa listahan ko. Gusto ko ito kasi pangkalahatang paglilinis na to. Pwede sa damit, sa paglilinis ng lababo, paglalampaso ng sahig, paglilinis ng banyo. Gusto ko na nga rin isubok ipanlinis to sa kapitbahay ng nanay ko. Baka sakaling luminis ang budhi nito.
  3. Tissue. Yung rolyo at yung pangkusina. Ayaw ko kasing babad sa mantika ang mga pini-prito. Kaya pagkaahon, sa tissue muna ang lapag nila. Para na rin mas madali maghugas. Hindi ko na kailangang ulit uliting sabunin. Ayaw ko kasi ng paulit ulit. Nakakapagod. Nakakasawa. Nakakaubos ng pasensiya.
  4. Champion dishwashing liquid. Naalala ko lang kasi dahil sa hugasin. Ganun talaga eh. May mga bagay bagay na laging magpapaalala sa atin. Kahit yung mga bagay na gusto na lang sana natin kalimutan at ibaon sa nakaraan. Parang yung birthday reminder sa google calendar mo. Matagal nang walang kayo pero andun pa rin. "Babe's birthday". Paano mo siya kakalimutan nito?
  5. Shampoo, conditioner, safeguard. Sama sama naman sila sa iisang isle kaya siguradong hindi ko makakaligtaan isa man sa kanila. Sila, ayos lang yan sila pagsabay sabayin. Pero yung magsabay sabay ka ng tatlong jowa, aba matindi ka rin!
  6. Noodles. Etong mga to, para lang to sa mga biglaang gutom. Yung mga tipong tinatamad kang magluto, o kaya petsa de peligro wala ka nang baon, yan. Ito ang magiging iyong takbuhan. Pero pag yung mga panahong sagana ka, ni hindi mo man lang sila naisip, hindi mo man lang sila naalala. Manggagamit lang ang peg? Wag ganun! Hindi yan maganda.
  7. Kape. Ayoko ng 3 in 1. Galit na galit nga ako sa pinagsasabay sabayan eh. Gusto ko yung Nescafe original. Dahil ako, ako ang original. Ako ang may karapatan. Ako ang dapat nagmamatapang.
  8. Asukal (mascovado). Dahil kailangan ko ng tamis sa mundo kong punong puno na ng pait! Pero ang gusto ko yung purong puro at sigurado. Mahirap kapag dumaan na sa kung anu-anong proseso. Baka kung anong dumi ang napulot nito.
  9. Baboy, manok, isda. Ipahiwa ayon sa iluluto ni yaya. Yung baboy yung hindi gaanor maraming taba. Inaalagaan ko lang ang puso mo. Sisiguraduhin kong hindi yan mapupuno ng cholesterol. Gusto ko laging maayos ang lagay ng puso mo. Gusto ko malinaw kong maririnig na ako ang itinitibok nito.
  10. Bigas. Limang kilo. Kahit gustuhin kong sampung kilo na ang bilhin, may limitasyon din ang bigat na kaya kong pasanin. Minsan akala mo kaya ko pa. Pero nahihirapan din ako, di mo lang halata.

Yan na lang muna ang bilihin natin. Saka na yung iba. Dapat kasi yung kaya lang natin bitbitin. At siyempre, sa mahal ng bilihin, yan na lang muna ang ating pagkasyahin. Dahil buti pa ang presyo, tumataas. Ang tangkad ko kaya, kailan? Ayoko na rin namang umasa. Minsan na akong nabiktima ng pag asa. Akala ko kami na talaga. Yun pala, may mahal na siyang iba.
Pero ayos lang din naman. Nakilala ko naman ang aking asawa. Ang James Reid ng buhay ko. Na kahit nuknuka ng sungit ay mahal na mahal ko namang talaga.


Ito po ang aking entry sa Hugot contest ni @lhyn.


Thank you for visiting my blog!


I am @romeskie and I love you all!



2123526103.gif

Sort:  

Ang galing. Natuwa ako sa kwento at parang pro talaga bumitaw ng hugot haha. Deserve manalo.

Wow! Salamat @jazzhero. Natutuwa ako at nalilibang kayo sa mga hugot ko sa buhay. Hahaha

Ang aga kong nabasa ang mga hugot lines ng mga tao ahhh!

Wahahaha. Nakatulog din kasi ako kagabi nung pinapatulog ang bebe ko. Ngayon lang nakasulat tuloy. Hahaha

Ajaja mainam yan! Para presko ang mga hugot lines, from the refreshed brain talaga!

..ang safeguard 99.9 lng ang kayang ibigay...samantalang ako 200% na.. balewala parin..ahahahaha char lng..

Ayyy. Iba ang pinaghuhugutan nito. May dalawandaang porsiyento! Daig pa si Taguro. Hahaha

ang aga namang hugot nito. nyahaha! 😂
kaya hindi ako nag-grocery sa Puregold eh, sabi nila "Always panalo!"
pero hindi pala dapat palaging ganun. minsan, dapat nagpapatalo ka din.
minsan dapat mas iniisip mo kalagayan nung kapartner mo kaysa sa pride mo na ayaw mong magpatalo sa tuwing nag-aaway kayo.
ayan, napahugot din tuloy ako. nyahaha! 😂

Master @johnpd naku mahirap yan. Kasi nung nakilala ko ang asawa ko, naisip ko siya si Mr. Right. Ayun lang nung nagpakasal na kami, ako na si Mrs. Always Right. Nyahahahahah!

Zonrox lagi din ako mayroon niya, tissue haha yes at ang kape ang buhay ko haha. Grabe hugot mo e may yayabells ka na naman, kuha ka pa isa para sitting pretty ka na lang pala palagi.

Haha. Para san ang tissue mo? Nagpi-prito ka rin ba madalas? Ano ang kape mo? Yung matapang o yung 3-in-1? Hahaha

Madalas ako mag-prito, ganiyan palagi ulam ko kasi. Hindi naman ako marunong mag-luto. Ang alam ko lang talaga mag-prito. 3-1 siyempre hindi ako nakakatulog kapag pure black. Ang tataas na talaga ng mga bilihin, ano na lang talaga ang binababa talaga. Hay naku ang buhay talaga. Haha.

Entered! Good Luck! ^_^

Thank you! :-)

Yun oh! May nanalo na! 💪🏻💪🏻💪🏻

Haha. Nawa'y magdilang anghel ka. Hahaha

Congratulations Hugot Princess for winning the 1st Place! ^_^ hanggang sa muli. Maraming salamat po! c",)

Salamat din po @lhyn napakasaya po ng contest nyo. More powers!!!

Gusto ko ung kape, orig!!, ang galing galing nyo po.😊

Ahahaha.. salamat @essan-san. Pwede rin namang black coffee.. yung matapang. Yung hindi ka iiwan sa gitna ng laban.. hahaha... char!

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65359.95
ETH 3492.90
USDT 1.00
SBD 2.51