i-Hugot Mo Kay Ate @pingcess, 83.54—Nasaktan Ako.Dahil Sayo Radio

in #hugotcontest6 years ago (edited)
Mabuhay Mga Ka-Hugot!

Andito na naman po tayo sa programang "i-Hugot Mo Kay Ate @pingcess, 83.54—Nasaktan Ako.Dahil Sayo Radio!"

182884_501343197150_1045374_n.png

Salamat po sa inyong walang sawang pagsubaybay sa kinaaaliwan ng mga hibang at kinare-relate-tan ng mga sawi. Kung saan kahit anong bagay o gawain pwede mong paghugutan o pwedeng ibaon mo nalang ang pait ng nakaraan.

Ngayong gabi, meron tayong babasahin mula sa isang dilag na itatago natin sa pangalang "Inday".

heart nice.png

Nagmahal Ako Ng Labis Na Nauwi Sa Tanong Na Bakit?

Minahal kita ng labis, kahit ang sakit ay tiniis
pero bakit kay pait sinukli mong kapalit?
Inuna ko lahat ng gusto mo, sinusunod kahit labag sa loob ko
pero bakit sayo, parang kulang parin ako?
Tinanong kita kung handa ka bago pasukin ang relasyong to
pero ngayon, bakit parang di ka na sigurado?
Pinaramdam mo namang mahal mo ako
pero bakit parang wala dun ang halaga ko?

Maigi pa sanang pinagpalit mo ako, baka yon mas naintindihan ko
kesa iniwan mo kong ganito, nalilito at gulong-gulo
Pinasok natin tong magkasama, pero iniwan mo kong mag-isa
Wala ni Ho o Ha, pinagmukha mo kong tanga
Hanggang sa huli inintindi kita, hiling ko lang magpaliwanag ka
Sana nagpakalalaki ka, hinarap mo ko mata sa mata
Akala ko ikaw na ngunit hindi pala
Sumenyas ka man lang sana para di ako nadurog ng sobra

Ngunit bakit kay lagkit, damdamin ko sayo'y di mawaglit
Pagkakaibigan sayo'y hiniling dahil sa totoo ako'y umaasa parin
Sitwasyon mo'y pilit intindihin kahit utak ko'y nagproprotesta saking damdamin
Puso'y humiling na ika'y unawain, pikit matang ininda sakit na dinadaing
Hinayaang ika'y makapag-isip, ispasyong hiling hindi pinagkait
Ngunit bakit sa huli sinukli mo parin sa'kin ay sakit

Sana may Ctrl-Alt-Del ang puso, para pwedeng i-restart pag naka-hang na
O computer game na pwedeng tumigil pag Game Over na
Sana may Alarm Clock ang pag-ibig, ikaw ang magtatakda kung kelan gigising ka
Maigi pang maging medyas, umaga palang hinahanap-hanap mo na
Hindi ka pa titigil hanggat hindi sila magkapareha

Sa mga panahong ito, sa larawan nalang tayo masaya
Nasa sigarilyo nalang ba talaga ang HOPE?
Sana mangalay ka na sa kakaupo para dumating ang panahon na TAYO na

heart nice.png

Wooaahhh!!! Napakalalim ng baon ng damdamin ang pinakawalan ni "Inday", damang-dama ang mga hugot sa bawat pantig.

Minsan hindi talaga natin maiiwasang masaktan dahil parte yan ng pagmamahal at ang puso natin, ewan ko ba pero hindi napapagod. Paulit-ulit itong nagmamahal kahit paulit-ulit rin nasasaktan.

Ang mapapayo ko lang,
"huwag matakot masaktan dahil sa bawat sakit namararanasan mo, may mapupulot kang aral na magiging sandata mo para mas maging matibay sa susunod na hamon ng buhay. Parte yan nang paghahanda mo hanggang makilala mo na ang taong nararapat sayo. Pag dating ng panahong iyon, masusuklian ng tunay na ligaya ang lahat ng pait at sakit na nadulot ng nakaraan. Sapat na para mapalaya ang sarili at malaman ang sagot sa lahat ng bakit mo at sapat na para masambit ang "Kaya Pala..."

Kaya mga ka-hugot, huwag matakot magmahal... eh ano kung masaktan ka, at least sa huli wala kang pagsisisihan! 😉

Hanggang sa muli, "i-Hugot Mo Kay Ate @pingcess, 83.54—Nasaktan Ako.Dahil Sayo Radio!". i-tag nyo lang si ate @pingcess para sa inyong mga hugot sa buhay pati narin ang mga baon nyong mapait na karanasan.


Ito po ay panggulo sa patimpalak ni Gng. @lhynHUGOT Contest - 10 SBDs Up For Grab!.

Inaanyayahan po namin kayong makilahok at ilabas ang mga natatagong Hugot sa buhay. Maaari ring bisitahin ang #hugotcontest kung saan makikita ang mga piyesa ng mga lumahok na pwedeng suportahan. Wag na mag-atubili, mayroon pa kayong halos tatlong araw upang mag sumete. Salamat!

Sort:  

Tinamaan ka ba sa panulat ni Inday?? hehehe

hahaha kala ko ang programa mo ay tinatawag na "i-Hugot Mo Kay Ate @pingcess, 50.50—Naghihingalo Ako. Dahil Sayo Radio!"

pasabi ke Inday ito naman ang aking payo sa kanya...
hindi na baleng siya ay nasaktan at least kahit papano alam niyang damdamin niya ay ipinaglaban...

boom

hahaha... ang lala ng 50-50 Naghihingalo Ako.Dahil Sayo 😅😅😅

Grabe si Inday!
Sakit ng puso ko.

hehehe,,, ikr! d ko alam saang hugot nakuha yan ni inday 😅

Pakisabi kay Inday na sa buhay.. sakit ay di mawawala.. ang mahalaga sumubok, nagmahal at puso ay lumigaya. Pag nasaktan pwede naman bumangon, sumubok ulit hanggang maging handa sa panibagong hamon. Pasasaan ba at makikilala niya rin ang taong itinakda. ..hahaha..nakakahawa si Inday. =)

hahahaha... tommoohhh!!! Couldn't agree moreee... kung nasaktan na noon at nakabangon ibig sabihin kung masaktan xa uli eh makakaya prin nya... kaya LABAN langg!! 😊

grabe naman ang hugot ni inday,
siya nga ay maghinay hinay,
pagkat ang sinta nya naman ay walang kamalay-malay
na siya pala ay wasak at nalulumbay.

#ouchie

minsan sadyang ganyan,
hindi niya alam na ako'y nasasaktan,
kasalanan ko rin naman,
gawi nya'y hinayaan,
naiwan tuloy akong sugatan... — Inday 😓

hahhaa i love it ate ! so galingggg

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 58196.53
ETH 3121.03
USDT 1.00
SBD 2.42